Chapter Sixty One

34K 673 129
                                    

Waaahhh! Hello guyseu. This is from the present :) Ito iyong umaga after umamin ni Lucian nung gabi :)








Chapter Fifty Five

Mahal Kita







[A/N: Hello guyseu :) Sorry ngayon lang huhu. Nahirapan na naman kasi ako sa chapter na ito dahil sa may bs part huhu. Lagi na lang kaiyak. Anyways... Naloka ako sa chapter na ito bwahahaha. Kaya... Your comments here are highly appreciated :) Maloloka kayo sa chapter na ito sa dulong part haha. Sana magustuhan niyo :) Enjoy reading :) Salamat <3]





Warning: SPG!

(Please be open minded :) Haha. Tulad ng lagi kong sinasabi 18 and below you can skip the love making part :) Langya. Pinahirapan na naman ako ng part na ito huhu. Hindi ko kinaya haha. Salamat :)




***

"Hindi ka kumain..." sabi ko kay Lucian. Nasa kwarto kami ngayon. Nagsasapatos na siya dahil tapos na siya maligo. Nakasuot na siya ng black slacks at tshirt na white. Hindi niya ko sinagot at tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama para isuot ang polo niya. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang ibutones ang polo niya.  Hinayaan na lang niya kong gawin iyon. Ramdam ko ang paninitig niya kaya tinignan ko siya pero bigla naman siyang umiwas ng tingin. Huminto ako sa pagbutones as I tilted my head to meet his eyes.




"Di ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" tanong ko. Mukha kasing bad mood siya. Kanina ko pa iyan napuna pagkakita ko palang sa kanya.




"Why...?"




"Mukha ka kasing bad mood." sabi ko sa kanya. Tinuloy ko na pagbutones ng polo niya. "I am not..." aniya. Tumango na lang ako. Hindi raw. Halata naman. Ano kayang problema niya? Kinuha ko na iyong tie at sinuot sa kanya bago iyong coat niya.




"Okay na," ngiti ko sa kanya. "Thanks." simpleng sabi niya. Napanguso ako. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Saka hindi rin siya nangungulit. Baka kinakabahan siya sa meeting niya mamaya. Iyon na lang ang pinapaniwalaan ko kahit alam kong hindi naman talaga iyon. Kailan pa kinabahan si Lucian sa meeting na halos araw-araw niyang ginagawa? Pinakawalan ko na lang ang iniisip. 




Lumabas na kaming dalawa sa kwarto. Pumunta ko sa kusina para iabot iyong ginawa kong lunch niya. "Kainin mo ito ah?" sabi ko. Tumango lang siya. Hindi ko maiwasang malungkot. Ano kayang problema nito ni Lucian?




Naglakad na kami papunta sa may pinto. "Ingat. Wag mo masyadong problemahin iyong meeting mo alam ko kaya mo iyan. Kailan ka ba pumalpak sa bagay na iyan?" I cheered him. Tumango lang siya. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan niya sa isang bagay.




Bigla akong nakaramdam ng sakit. Sana pala di ko na lang siya tinanong kagabi para di siya naiilang sakin ngayon. Diba nga... Dapat ako ang mailang at dumistansya sa kanya dahil alam kong mahal pa rin niya iyong babae? Sinabi ba niya iyon sakin para ipamukha sakin na may mahal pa rin siya at kailangan kong malaman kung ano lang ako sa kanya. Ganoon ba iyon? Ginawa niya bang dahilan iyon para magkaroon ng distansya sa pagitan namin? Babalik na ba siya sa dati? Maybe I should take that as a sign na iyon nga ang tamang gawin. Ang dumistansya.




"Ingat!" paalam ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko. He forgot to say good bye and the kiss. Damn! Masyado akong nasanay. I am used to him being warm towards me. Sinasanay mo kasi ang sarili mo, Amanda na ganoon siya kaya nasasaktan ka ngayon.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now