Chapter Sixty Three (Part One)

35.8K 647 77
                                    

Chapter Sixty Three (Part One)

Pakawalan












[A/N: Hello guyseu. I'm really sorry guys kung hindi niyo nabasa ang Chapter Sixty Three huhu. Actually POV dapat ni Lucian ang in-update ko nung nakaraan kaso nagloko si Wattpad at ayaw niya talaga ma-publish :'( Ayaw talaga ng POV ni Babe Lucian kahit ilang beses ko na sinubukan. Siguro sign iyon na wag na raw haha. At iyong chapter 63 sorry roon kung di niyo nabasa. Sorry. Nagloko si Bestfriend Watty. So, ito na. This is just a short update. Thank you so much :) Sorry for the trouble.]








***



Alas diez na ng gabi pero wala pa rin si Lucian. Nakahiga ako ngayon sa kama at di na napigilan pa ang umiyak. Why am I always ended up crying?




Nakatulugan ko na ang pag-iyak.  Panigurado hindi na naman uuwi si Lucian ng ilang araw. Masama ang pakiramdam ko tuloy na bumangon para bumaba. Nakapag-ayos na ko ng sarili bago ako bumaba.




Nagulat ako nang makita si Lucian na nag-aayos na ng lamesa. Nakapagluto na siya at nilalagay na lang ang mga pinggan.





Hindi ko inaasahang narito siya. Umuwi ba siya kagabi? Ganoon ba kalalim tulog ko na hindi ko man lang siya napansin?




"Good morning, Babe!" he smiled. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.




"Lucian..." nangilid ang luha ko. Akala ko mararanasan ko na naman ang cold treatment niya sakin. Pero base sa kilos niya parang walang nangyari.




"I'm sorry, Babe. Sorry. Damn. I'm really sorry baobei." paumanhin niya habang hinahaplos ang pisngi ko ng mga daliri niya.




"Sorry rin, Lucian. Gusto ko sana na maghintay tayong dalawa. Ayoko naman talaga sa injectable. Gusto ko kasi magkababy tayo dahil..." mahal natin ang isat'isa. "Dahil pinagkaloob na talagang magkaroon tayo nun." sabi ko sa kanya. Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang maiyak sa harap niya. Ngumiti siya at niyakap ako. Hinahaplos niya ang buhok ko. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko kaya naman pinaunlakan ko iyon.





"Gusto ko iyon. Please wag na nating gawing issue iyon." sabi niya sa masuyong paraan. Tumango ako.




"Sorry." hinging paumanhin ko. I felt really sorry sa nangyari kagabi. "Umiyak ka na naman ba kagabi?" tanong niya at mas humigit ang yakap niya sakin.



Umiling ako kaya mas isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. "Liar..." marahang bulong niya. He always say that kapag di siya naniniwala sakin. Napangiti ako. Nawala na ang bigat na nararamdaman. 




Niyakap ko rin siya. "Thank you, babe kasi di ka tuluyang nagalit." Nagpapasalamat ako dahil maayos ang trato niya sakin ngayon. Nagpapasalamat na hindi siya nagbago sa pakikitungo sakin.




"Why would I?" umiling siya. "Sorry sa nagawa ko kagabi." masuyong sabi niya na mahihimigan talaga ang pagsisisi sa isang bagay.





Kumalas ako sa yakap at tinignan siya. "Ako dapat magsorry." sabi ko sa kanya.




Umiling siya at hinawakan ako sa likod para hilahin palapit sa kanya at mahalikan. "Hindi ko na ulit gagawin." mahinang sabi niya habang hinahalikan ako. Itinulak ko siya para matignan siya.





"Huh?" litong tanong ko. Umiling siya at hinalikan ako ulit. "I promised babe. Di na ulit."




Hindi ko na pinilit pa ang sariling alamin kung ano ba ang di na niya uulitin.







Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now