Chapter Thirty Three

32.4K 635 45
                                    

Chapter Thirty Three

Respect













[A/N: Waaahhh! Waaahhh! Jusko. Pinahirapan ako ng chapter na ito promise. Nahirapan talaga akong gawin ang chapter na ito. I am no good at this. Writing erotic scene is not my forte kaya nalilito ako kung itutuloy ko siya. Bahala na kung hanggang saan ang kakayanin kong isulat. Enjoy reading po :) Salamat :)





***

Warning: SPG! *18 below please I am warning you... may mga mature scene na mababasa. Wag ng basahin salamat :)










"Amanda kailangan mo ng tulong?" tanong ni Phoenix. Napalingon ako sa kanya na nasa gilid ko na ngayon. Mukhang tapos na siya sa tinatawagan niya.




"Tapos na." ngiti ko. Nilagay ko na ang huling pinggan sa lalagyan bago ako nagpunas ng kamay. Nilingon ko siya.




Pumunta na kami ni Phoenix sa sala dahil tapos na mga gawain namin. Naupo ako sa sofa at tumabi siya sakin. Isinandal niya sa balikat ko ang kanyang ulo. Hinayaan ko na lang siya dahil sanay na rin ako sa mga gestures ni Phoenix. Phoenix is a sweet guy too. Parehas na parehas sila ng pinsang si Lucian.




"Anong oras ba darating si Lucian?" tanong ni Phoenix matapos tignan sa cellphone ang oras.




"I don't know." amin ko. Hindi ko naman talaga alam kung anong oras uuwi si Lucian. Baka gabihin na iyon.




Umalis sa pagkakasandal si Phoenix sakin. "Kailangan ko na kasing umalis. Pero ayoko namang umalis dahil wala kang kasama." sabi niya.  Tinignan ko siya at napangiti. Parehas na parehas talaga sila ni Lucian.



"Ano ka ba, Phoenix. Ayos lang ako. Sige na." ngiti ko. Nagkamot siya sa batok at nag-aalinlangan. Ngumiti ako assuring him. "You sure?" alinlangang tanong niya. Tumango ako. "Sanay na ko, Phoenix. Saka wag ka mag-alala uuwi naman din si Lucian." sabi ko. Bumuntong-hininga siya at tumango. "May ipapasabi ka ba sa kanya?" tanong ko.




"Tungkol lang sa pinsan namin. Dadaanan ko na lang siya sa opisina niya bukas bago ako lumuwas ng Manila." sagot ni Phoenix. Tumango ako sa sinabi niya.




"Hayaan mo sasabihin ko kay Lucian na tawagan ka pagkauwi niya para magkausap kayo." I assured him. Tumango siya at ngumiti.




"Swerte talaga ni Lucian saiyo." nakangiting sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at natawa. "Hindi ako sure riyan." ngiti ko. Alam kong namumula na naman ang pisngi ko. Bakit ba lagi niyang sinasabi iyan?




Tumawa siya at hinaplos ang pisngi ko ng isang kamay niya saka iyon pinanatili roon. Lumapit siya saka ako hinalikan sa noo. "Please... Stay with him." mahinang bulong niya habang marahang hinahaplos ang pisngi ko. Noong una ay naguluhan ako sa sinabi niya.




Napangiti ako nang makuha ang ibig niyang sabihin pero may sakit na nararamdaman saking dibdib. Why would Phoenix asked that? "Oo naman. I'll stay with him until our contract end. Tatapusin ko ang kontrata bago umalis." sagot ko. May kibig sa lalamunan ko nang sabihin iyon.




Darating ang araw na matatapos din ang kontrata at mawawala ang ugnayan namin ni Lucian. At kailangan kong ihanda ang sarili ko para roon.




Naramdaman kong niyakap niya ko. "Magiging ayos din ang lahat..." malambing na bulong niya. Napangiti ako at tumango.





Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now