Chapter Forty Eight

26.4K 556 70
                                    

Chapter Forty Seven (part two)

Anastacia Alyana










[A/N: Waaahhh! Hello ulit guyseu :) This is another update :) Sana magustuhan niyo :) Maikli lang ito huhu dahil karugtong lang ito nung kanina. Enjoy reading :) Kamsaranghae <3]



***


I just stayed in my room at ayaw kong lumabas. Ayokong harapin si Lucian. He hurted me so fucking deep! Ang kapal ng mukha niya! Nakakainis siya!



Pero bakit ganoon... Bakit may maliit na parte sakin ang umaasa na sana magiging mabait pa rin sakin si Lucian at hindi na niya ko sasaktan.




Iyak lang ako ng iyak. Sobrang sama ng pakiramdam ko na sa tingin ko magkakasakit ako.



I stayed there for always two hours at nang mahimasmasan ay lumabas ako ng kwarto. It was almost 7 in the evening. I decided na magluto dahil narito siya. Naiinis na rin ako sa sarili ko. Why would I care so much to others kung sila hindi ako magawang pahalagahan?



Nagluto ako ng chicken adobo tutal iyon ang pinakamadaling lutuin. Nagpapasalamat ako dahil hindi ko nakasalubong si Lucian pagkababa ko dahil kung nagkataon ay hindi ko na alam ang gagawin ko.



Nang matapos ay hindi na ko kumain dahil wala akong gana. Ipinagluto ko lang talaga si Lucian para may makain siya kung sakaling magutom siya. Ewan ko ba kung bakit iniisip ko pa rin si Lucian kahit sinasaktan niya ko. Masyado kasing malambot ang puso ko kaya siguro kasalanan ko na rin kung bakit ako nasasaktan. Umakyat na ko sa kwarto ko nang mahanda ang mesa. Tinakpan ko lang ang ulam at kanin na nasa mesa para pagkain niya mamaya. Napagpasya na kong matulog na. This day is tiring. Kailan ba hindi?



Nakita ko ang cellphone ko sa side table. Kinuha ko iyon at nakita ang text mula kina Mama at kay Phoenix. Nireplyan ko sina Mama na nangangamusta. Sinabi nila na nasa isang business trip sila habang si Kuya ay naiwan namamahala ng kumpanya habang wala si Daddy dahil kasama ni Mommy.



I also replied to Phoenix na tinatanong kung kamusta ako at kung anong ginagawa ko. Kakatapos lang daw ng dinner niya kasama ang mga business investors. Nagreply lang ako sa kanya na ayos lang at matutulog na.



Phoenix:

    Ganoon ba? Good :) Sleep tight, Amanda. Good night :)




I just replied same to him and good night. Wala ako sa mood na makipag-usap kanino man. Gusto ko lang makatulog at makapagpahinga dahil sa ganoong paraan ay nakakalimutan ko ang mga problema ko. I texted my family a good night before ako nahiga para makatulog na.




I prayed to Him to give me more strength and prayed that everything will be alright. Na sana maging magaan na lahat ng nangyayari sakin.




And in the end... I slept with a tears on my pillows.




Body clock ko na ata ang magising ng 5 dahil ilang araw na ganoon ang nagiging gising ko. Kahit pagod kakaiyak kagabi ay nagising pa rin ako nang ganoon kaaga. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay nagpasya akong magluto ng pagkain namin ni Lucian. Nagutom talaga ako dahil wala akong kain kagabi.



Nakita ko na hindi man lang nagalaw ang niluto ko kagabi. Sayang lang. What would I expect? Kakainin niya ang niluto ko? Asa ka, Amanda! Wala lang lahat ng effort mo. Bakit ko ba kasi ginagawa ang mga ito? Nasasaktan lang ako dahil nababalewala. Nilagay ko na lang sa ref ang ulam na niluto ko kagabi. I just fried the rice. Nagluto rin ako ng hotdogs and bacon. Sakto lang para samin ni Lucian at kung di niya kakainin iyon na lang ang kakain ko sa tanghalian para di masayang.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now