Chapter Fifteen

32.5K 591 34
                                    

Chapter Fifteen

CEO











Happy 100K Reads sa Carrying The Billionaire's Baby ❤❤❤ Thank you so much mga Babes     ( ˘ ³˘)♥❤❤





***



Lulan ng elevator ay sobrang kabado ako. Parang gusto ko na lang na tumakbo paalis. Kinakabahan ako dahil ito na ang oras kung saan ako makikipagnegosasyon para ihain ang mga proposal ko.



Kailangang mapapayag ko ang may-ari ng kumpanya na mag invest samin. Salcedo Incorporation is one of the big companies kaya makakatulong ng malaki kung sakaling pumayag sila.



Nang makarating sa tamang floor ay kulang na lang ay lamunin ako ng lupa dahil ito ang unang beses na gagawin ko ito. Hindi alam ng mga magulang ko ang planong ito dahil paniguradong pipigilan lamang nila ko. Nasa Makati sila ngayon para tignan ang property roon ni Papa.



May iilan akong nakasalubong sa mga cubicle nila. Nginitian ko sila kahit hindi ko kilala. Nakita ko pa ang ilan na tinitignan ako habang naglalakad. I am wearing a pencil skirt, sleeveless top and black coat to make me look formal. This is also my first time to wear clothes like these.



Kahit ito ang unang beses na gagawin ko ito ay malakas ang loob ko kahit nilalamon ng kaba ang sistema ko. I know I can do it! Isa ata akong Lozano. Hindi agad susuko!


I walk confidently. Pinaghandaan kong mabuti itong gagawin ko para maging maayos lahat. At alam ko... Makukuha ko ang deal na ito.


Sinalubong ako ng isang nasa twenty five years old na babae mukhang ito ang sekretaryang nakausap ko nang makipag appointment ako.


Ngumiti siya sakin kaya naman ginantihan ko iyon ng isang ngiti. "Good morning po, I am Amanda Lozano po." pakilala ko as I extend my hand to her. Tinanggap naman niya iyon.


"Ah, yes! Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir." sabi niya. Sa sinabi niyang iyon ay kumalabog ang puso ko. Kaya mo iyan, Amanda!



Tumango ako sa kanya. Naglakad na siya papunta roon sa opisina kaya sumunod ako. Kumatok siya at binuksan iyon. "Sir, nandito na po siya." sabi nito. Dumoble ang kaba ng dibdib ko. Para akong bibitayin. Gosh! Ganito pala kahirap ito na mas kabado pa ko kesa sa pagdefend ng thesis?


"Get her in..." sabi nito. Pamilyar sakin ang boses na iyon. Na parang narinig ko na. Habang inaalala kung saan ay mas lalo lang bumilis ang pintig ng puso ko dahil doon.


Kaba lang siguro ito. Tumingin sakin iyong babae. Parang sa sasabihin niya ay sisintensyahan na ako. Damn it! How could this feel so fucking hard?


"Pasok na po kayo." aniyang nakangiti. She even said Good luck to me. Nakangiting tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan iyong pinto.



Para akong mauubusan ng oxygen. Damn it! Ganito ba talaga kakabado ang pagharap sa isang CEO? Damn it! Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang businessman na gustong makipagdeal sa isang CEO.


Pumikit ako saglit. Kaya ko ito! Umusal ako ng mabilis na panalangin bago ko ko binuksan ang pinto.






Nang makapasok ay nagulat ako nang tumambad sakin ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Nakasandal siya sa mesang maraming papeles habang nakatingin sakin. Parehas nanlaki ang mga mata namin sa gulat na di inaasahang magkikita kami rito.



Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now