Chapter Twenty Six

34.6K 636 91
                                    

Chapter Twenty Six

Beg








[A/N: Waaahhh! Pasensya na po ngayon lang nakapag-update si Owtor. Alam niyo naman po na busy siya. Anyways, thank you po sa reads, votes and comments (♡˙︶˙♡) It's always makes me motivated pa lalo na mag-update para sa inyo <3 Sana iyong iba rin makapagcomment para mapasalamatan ko kayo :) Comments from you makes me happy nakakatuwa kasi magbasa ng comments :) Sobrang nakakataba sa puso :) So, ayun nga po. Enjoy reading :) Thank you <3]

P.S Please sana magcomment kayo sa chapter na ito. Kahit ano about sa chapter na ito. Madrama kasi ito kaya gusto ko malaman kung anong reaksyon at naramdaman niyo sa update ko. Please? Haha :) Salamat <3






***


"I already told you Amanda... Once you'll accept my offer.. You'll regret it." malamig na sabi niya. Napakagat ako sa labi at napatango. Wala na naman akong magagawa pa. It's my only last card.

 

Kinabahan ako sa sinabi niya pero handa ako. Handa ako sa kung ano mang sasabihin niya.



"Handa akong tanggapin lahat, Lucian. Kahit ano." nanginginig na sabi ko. Handa ka nga ba talaga Amanda kung higit pa sa iniisip mo ang gusto niyang mangyari?



Lumapit siya sakin. "Kahit ano?" malamig na ulit niya sa sinabi ko. Tumango ako.


"What do you want me to do then? Gusto mo ba na magmakaawa pa ko?" tanong ko sa kanya.



"Are you that desperate to do that? I thought you won't accept my offer. Why are you considering it now? And you are willing to beg for it huh?" malamig na sabi niya.



Napakagat ako sa aking labi. "I want to help my parents Lucian... and this is the only way I think I can do that." sabi ko. Tinignan ko siya sa mga mata.  "And you want me to beg for it right?" dugtong ko.


Naalala ko na sinabi niya na magmamakaawa ako para lang tanggapin ang offer niya. At heto nga... Tama siya... Handa nga akong gawin ang bagay na iyon.





Isang bagay lang ang alam kong gawin. Isang bagay na sa hinagap ay hindi ko akalaing magagawa ko.





Unti-unti akong lumuhod sa harap niya. If he want me to beg... Then I guess I need to do it. If kneeling in front him is the only way to open his offer again for me handa akong gawin. Handa akong magpakababa ng husto para lang doon.




Kahit napakasakit gagawin ko. Kahit kailan sa buhay ko... Hindi pa ko nagmakaawa para lang makuha ang gusto ko. Dahil noon kahit ano kaya kong makuha ng walang kahirap-hirap.



But now... Everything is different that I need to beg just for someone to help me. I am this miserable. And its hurt me a lot.



"Please... I'm begging..." nanginginig na sabi ko. Dahan-dahan akong lumuhod para lang magmakaawa sa kanya. Kung ito lang ang paraan para kaawaan niya ko at tulungan gagawin ko kahit maging mababa pa ang tingin niya sakin. Kahit ibaba ko pa ng husto ang pagkatao ko gagawin ko. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko.



Bago pa ko tuluyang makaluhod ay hinawakan niya ko sa braso at itinayo. Hinila niya ko sa palapit sa kanya. "What the fuck are you doing?" mariing tanong niya na parang pagkakamali na sinubukan kong lumuhod sa harap niya.



Carrying The Billionaire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon