Chapter Seventy Two

29.3K 691 135
                                    

This is it na mga babes! Happy Birthday sa pinakamamahal kong si Lucian Babe <3 Saranghae <3








Chapter Seventy Two

Happy Birthday Lucian!









[A/N: Waaahhhh! Hello guyseu :) This is just a super short update. Birthday ngayon ni Lucian babe kaya happy lang ang update na ito. Next update pa pala malalaman ni Lucian. Basta abangan niyo na lang hahaha. Paghahandaan ko pa next update kasi asdfghjkl! Di ko kaya haha. Charot. Sana magustuhan niyo ito :) Saranghae <3 Happy birthday ulit sa pinakamamahal kong si Lucian baby <3]






***


Habang nagsisimula na ang kasal ay panay ang iyak naming lima. Panay din ang iyak ni Lyna. Naaawa ako sa kanila. Kailan pa nakakaiyak ang isang kasal?





Nang matapos ang kasal ay lumapit kami agad sa dalawa para i-congratulate sila. Nakilala ko ang mga magulang ni Samuel. Ang babait nila lalo na ang Mama ni Samuel. Ipinakilala ako ni Lucian sa tito at tita niya. Halatang masaya ang mga ito dahil first time raw magpakilala ni Lucian ng babae sa kanila. Nag-init naman ang puso ko roon at kumalabog sa sobrang saya. Napakabait nilang dalawa. Halatang nagmana si Samuel sa pagiging gentleman ng papa nito.




Ginawa ang reception sa may pool area. Nakaset up na roon ang mga pagkain at inumin. Nagspeech lang saglit ang mga magulang nina Samuel at Lyna. Kinausap lang ng mga magulang ni Lyna si Samuel bago na nagpaalam ang mga ito para umalis.




Nakisama naman samin si Lyna. Iyon nga lang halata ang distansya niya sa mga pinsan ni Samuel. Nakisali siya samin pero halata na pilit. Nakakalungkot makita ang kawalang emosyon sa mga mata nito. Na para lang itong robot at ginagawa lang ang bagay na ito kahit labag sa kanya.




Nagkasiyahan na mga pinsan nila. Even Lucian ay uminom na rin. They all keep congratulating Lyna and Sam.




Humikab na ko. Inaantok na ko bigla. Baby ang antukin mo talaga. Naramdaman ko ang paghaplos ni Lucian sa braso ko. "Are you sleepy?" tanong niya. Umiling ako kahit inaantok na talaga ako. Ayoko naman na aalis si Lucian dito dahil lang sa inaantok ako. "I'm fine." ngiti ko pero hindi nakikisama ang antok ko. Shit!





Umiling si Lucian at tumayo na. Napatingin mga pinsan niya. "Oh? San ka?" tanong nila kay Lucian. "Mauna na kami guys. Inaantok na si Amanda." sabi ni Lucian sa mga pinsan. Tumango sila. Tumayo na rin ako. Hinawakan na niya Lucian ang kamay ko.




"Sige na, Lucian. Kahit ako na lang." sabi ko sa kanya.  Umiling siya. "Sabay na tayo."




"Sige na. Ako na lang."




"Sige na, Amanda. Bawal kang mapuyat." sabi ni Samuel. Tinignan ko siya. Tumango siya at ngumiti. Tumango na rin ako.





"Congratulations ulit for both of you." ngiti ko sa kanila ni Lyna. Lyna only smiled to me.





Nagpaalam na kami ni Lucian sa mga pinsan niya at pumunta na kami sa kwarto namin. Nagbihis ako at naupo na sa kama. Humikab ako. "Sige na Lucian. Punta ka na roon. Gisingin mo ko kapag balik mo." sabi ko sa kanya.



"Hindi kita pwedeng iwan."



Sumimangot ako sa kanya. "Ano ka ba. Dito lang naman ako eh. Hindi mo ko kailangan alalahanin. You need to be there. Para kay Samuel. Kasal niya ito Lucian. Ayos lang akong mag-isa rito. I will just sleep." sabi ko sa kanya para makumbinsi siya. Bumibigay na talaga mga mata ko.




Carrying The Billionaire's Babyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن