Chapter Seventy Five (Last Chapter part one)

29.3K 695 185
                                    

Chapter Seventy Five (Last Chapter Part One)

Lucian's Fiancee








[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Waaahhh! Sorry po kung ngayon lang nakapag-update si Owtor huhu. Dapat nung isang gabi pa ito eh kaso nawawalan ako ng oras. Sorry mga bb. So anyways. This is it na mga babes! Ang last chapter ng CTBB! Omg! Hindi ko pa ata kayang basta na lang pakawalan ito haha. Pero kailangan ko na siyang tapusin para masimulan ko na rin ang kina Samuel at Lyna. Ito ay part one. Next update will be the final chapter of this story. No extension. No special chapters. Kung anong kalalabasan nito ay iyon na talaga siya. Kaya nagpapasalamat po ako sa walang sawang sumubaybay nito kahit sa mga kadramahan pa mismo ni Owtor haha. So ayun. Maraming maraming salamat po :) Sana magustuhan niyo :) Salamat po <3 Saranghae <3]









***



Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasanay na rin akong hindi na nakikita o nakakausap man lang si Lucian. Sinasanay ko na rin ang sarili kong huwag umiyak. Natutunan ko sa mga sandaling mag-isa lang ako sa kwarto na may mga pagkakataon na mag-isa ka na lang talaga. Na hindi mo kailangang umasa sa iba. Na hindi mo kailangang masanay na may isang taong dadamayan ka. Na sarili mo lang talaga ang maasahan mo. Narealize ko na bakit ba sinasayang ko ang mga luha ko para sa ganito? Bakit ba hinahayaan ko ang puso kong masaktan ng husto? Bakit hinahayaan kong malungkot na lang ako parati? Nakakalimutan ko na sa bawat pagsikat ng araw ay may pag-asa tayo para magpatuloy sa buhay na ibinigay ng Diyos sa atin.







I may love Lucian at masakit man ang puso ko hindi dapat ganito. Hindi dapat ako pwedeng lagi na lang umiyak ng umiyak dahil kawawa naman ang baby ko. Siya na lang ang mayroon ako. Narealize ko rin ng mga sandaling iyon na bakit ba iniisip kong katapusan na ng kaligayahan ko? Ng buhay ko? Ng pag-asa ko? Na wala ng mayroon ako?





I forgot that I still have my baby. Ang baby ko na lang ang mayroon ako kaya dapat hindi na ko malungkot pa. I still have my baby kaya dapat maging masaya ako. I still have my baby kaya dapat maingat ako parati at huwag ng malungkot at umiyak dahil kawawa naman ang baby ko.






Ang baby ko ang nagsisilbing kaligayahan ko sa mga nagdaang araw at sa darating pang mga araw. Siya ang nagsilbing pag-asa para sakin. Knowing that I have my baby keeps on making me happy. Ang baby ko ang nagiging lakas ko para magpatuloy. Ang baby ko ang kasama ko sa lahat ng ito.








Simula nang sabihin sakin ni Lucian na lilipat na ko ng kwarto ay iniiyak ko na lahat. At sinabi ko na rin sa sarili ko na hindi na ko basta iiyak lang. Na hindi na ko malulungkot pa. Na dapat masanay na ko sa kung ano man ang mangyayari. Na dapat maging matapang ako na harapin ang lahat. I shouldn't be dependent. 






Simula nun... Hindi na ko umiiyak sa gabi. Hindi ko naman napipigilan ang mag-isip at malungkot pero hindi na ganoon kadalas at katindi. Pinipigilan ko na ang malungkot sa tuwing mag-isa ako kasi iniisip ko na kasama ko si baby. Saka inuubos ko ang mga oras ko sa pakikipag-usap kay Manang. Sa pagdodrawing. Sa pagpunta kina Ana. Doon lang ako nagpupunta para hindi ako laging nag-iisip ng mga nararamdaman kong lungkot at sakit. Inaabala ko ang sarili ko para hindi ko na laging naiisip si Lucian.





Nang tanghali ay tinext ko si Lucian na bukas na ang schedule ng check up para saming baby. Hindi ko na iniisip na magrereply pa siya. Nasanay na rin naman ako kaya hindi na big deal sakin ito. I just want to inform him. Ngayon na lang din ako nagtext sa kanya. Hindi na ko nag-aabala pa na magcompose ng message for him dahil alam kong mababalewala lang din iyon, hindi naman kasi niya binabasa. Kaya wag na lang. Sayang lang.







Carrying The Billionaire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon