Chapter Thirty Six (REAL UPDATE)

32K 553 36
                                    

Chapter Thirty Six (REAL UPDATE)

Back











[A/N: Sorry sa mga kalokohan ni Owtor huhu. Salamat sa mga nakisakay :) Na-appreciate ko iyon. Napasaya niyo ko haha. Pasensya na ulit. Sorry. Don't worry iyon na ang huling joke ni Owtor ngayong buwan hahaha charot. Seryoso na. Ito na. Totoo na ito :) Enjoy salamat :) Kapag naka-italic nasa past :)]







***

Humiwalay si Lucian sa halik pagkatapos iyon tugunin. Hinaplos niya ang buhok ko pababa saking baywang. Pumungay ang mga mata niya.




"Ayaw mo ba talaga?" tanong ni Lucian na ayaw talagang bitawan ang topic na gusto niya kong isama sa opisina niya. Umiling ako sa kanya at hinawakan ang batok niya at marahan iyong hinaplos habang nakayakap ang kamay ko roon.




Sumimangot siya. "Wala kang kasama rito," pangungulit pa niya.



"Wag ng makulit, Lucian! I am really fine." ngiti ko at pinagbangga ang ilong sa ilong niya. Nagulat ako nang bigla niya kong hatakin para halikan. Nagpaubaya ako sa kanya. Malumanay at malambing ang bawat halik niya. Iyong klase ng halik na nagpapawala sa mga alalahanin ko. Iyong klase ng halik na nagpapabilis ng husto ng tibok ng puso ko.




Nakarinig kami ng pagtunog ng telepono. Humiwalay ako sa kanya para makita at masagot ang tumatawag. Napaungol siya dahilan para bahagya akong natawa kaya sinimangutan niya ko. "Istorbo." bulong-bulong niya. Napangiti ako.



"Answer your call." sabi ko sa kanya at hinaplos ang buhok niya bago umalis sa pagkakakandong sa kanya. Napamura siya at padabog na naglakad papunta sa telepono. Natawa ako kaya huminto siya sa paglakad bago ako hinarap.




"Amanda..." pagbabanta niya.



Natawa ako at nagtaas ng dalawang kamay as a defensive way. "Wala akong ginagawa." ngisi ko. Nagulat ako nang naglakad siya palapit sakin kaya napaatras ako sa bawat paglapit niya. Natawa ako nang mapasandal na sa sink. Damn sink! Bakit ngayon ka pa humarang.




Nakalapit na siya nang balakin kong dumaan sa gilid para makaalis pero huli na iyon dahil nakaharang na ang magkabilang braso niya sa gilid ko. Nakahawak siya sa sink para maikulong ako.




"May tumatawag Lucian! Ako na lang sasagot---"




Natigilan ako ng yumuko siya para magpantay kami. "Humanda ka talaga sakin mamaya baobei. Hindi kita patutulungin. I will lock you in my bed----"




"What the eff, Lucian! Kung anu-ano sinasabi mo!" nahihiyang sabi ko at pinamulahan ng husto lalo pa ng tumawa siya. Agad ko siyang kinurot sa tagiliran kaya na pa 'Oh' siya at inilayo ang kamay ko sa tagiliran niya.




"Sarap mong pikunin tungkol sa mga ganoong bagay. Mas lalo kang gumaganda kapag nagba-blush." tawa niya. Nahihiyang nagtakip ako ng mukha. Panigurado mukha na kong kamatis sa sobrang pula. Hindi ko talaga kaya mga lumalabas sa bibig ni Lucian.




Naramdaman kong niyakap niya ko at inihilig ang sarili sakin. Naramdaman ko ang kamay niya saking buhok at marahan iyong hinahaplos. "My innocent baobei." marahang bulong niya. Napangiti ako at hinayaan ang sariling yakapin siya. "I'm sorry for taking it away from you but I didn't regret that." bulong pa rin niya. Nangunot ang noo ko at naguluhan.




"Huh? What do you mean by that?" tanong ko at gustong kumalas sa yakap pero hindi niya ko pinagbigyan. Anong ibig niyang sabihin?




Carrying The Billionaire's BabyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora