Chapter Thirty Two (part two)

28.3K 553 58
                                    

Chapter Thirty Two (part two)

I'm Sorry









[A/N: Waaahhh! Hello po :) This is just a short update dahil continuation po ito nung update nung nakaraan hehehe pasensya na. Enjoy reading :) Salamat <3]





***

"Alam mo naman Amanda ang kapalit ng pagpayag mo. Sana malinaw saiyo iyon." malamig na sabi ni Lucian na nagpabalik sakin sa sakit na nararamdaman. Napatingin ako sa kanya at mapait na ngumiti.



"Malinaw Lucian. Wala kang dapat ipag-alala," walang emosyong sabi ko. Pakiramdam ko... Namanhid na ko.



"Good. Mabuti na iyong nagkakalinawan tayong dalawa." aniya na pinantayan ang walang kaemosyon sa boses ko.



Bumalik na kami sa pinag-uusapan naming dalawa.



Rule #7- No asking of personal life. No invading of privacy




"I hate the most is invading my privacy. I am giving you chances to ask me as long as it's not about my personal life and as long as you didn't invade my privacy." seryosong sabi niya. Tumango ako.




"And I hope too that you won't invade my privacy." sabi ko pabalik. Tumawa siya ng pagak.




"Sure. As long as it's not violating our rules." tumatangong-sabi niya. Napatango rin ako. Mabuti at nagkakasundo kami rito. Wala rin naman akong interest sa personal niyang buhay at lalong-lalo na sa pakekealam ng personal niya at pribado niyang buhay. And I am doubtful that he will give me chance to know him.




Sa itsura pa lang niya halatang ayaw pinag-uusapan ang buhay. Alam kong mahirap siyang mag-open sa iba lalo na't pribado ang buhay na mayroon siya.




Rule #8- No string attached. No emotional only pure physical needs. You are not allowed to fall in love with me




Halos matawa ako sa nabasa kong rule na ito. Sa lahat ng rule this one is so funny. Sa tingin niya ba mahuhulog ako sa kanya?




Hindi ko na napigilan ang matawa. "Really Lucian? Are you that confident that I will fall in love with you?" di mapigilang sabi ko. "Nah. Don't worry. I have no plans about that. I know what you want from me and it's all clear to me that what we have is a pure physical connection. That you want only a baby. Don't worry. I am not insane to fall for you," with conviction I said the last word.




Wala akong intensyon na umibig kay Lucian. That is the last thing I wanna do. Hindi ako pwedeng ma-in love sa kanya kung ayaw kong masaktan lamang lalo sa huli. At kahit kailan hindi man lamang pumasok sa isip ko na magmahal.




Loving someone means risking a lot. I mean... Jeez. Ano bang pakealam ko sa buhay pag-ibig na iyan? Wala pa sa isip ko ang pagmamahal romantically. All I have is my love for my family. Iyon lang ang mayroon ako. Iyon lang ang kaya kong ibigay sa ngayon. Masyado ng maraming nangyari at pakiramdam ko kahit kailan... Hindi na ko magmamahal.



Malamig ang mga matang ipinukol niya sakin. "Good. Because I don't want a clingy baby maker. I don't want an emotional connection." malamig na sabi niya.



Halos mapaatras ako nang bahagya siyang tumayo at yumuko para makalapit at magpantay ang mga mukha namin. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako nakareact agad maliban sa pagkurap sa pagkagulat.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now