Chapter Seven

56.6K 966 42
                                    

Chapter Seven

Our Baby







[A/N: Hello guys :) Pasensya na kung natatagalan ako sa pag-a-update. Gustuhin ko mang mabilisang update hindi kaya dahil busy kasi kaya ganoon. Anyways... Thank you sa mga votes at lalo na roon sa mga nagco-comment kahit iilan lang kayo masaya na ko roon. Mas gusto ko kasi kapag may nagco-comment dahil nalalaman ko ang reaksyon nila about sa story kaya thank you :) Sana iyong iba rin :) Anyways, sana magustuhan niyo :) Enjoy reading <3]






***

Nang mahimasmasan ako mula sa pag-iyak ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nahihiyang tinignan siya. Pinahid niya ang natitirang luha saking pisngi at hinalikan ako sa noo saka muling hinaplos ang pisngi ko at tinignan ako.




"Are you okay now?" marahang tanong niya. Tumango ako sa kanya. Kinagat ko ang pang ibabang labi saka siya tinignan. Kitang-kita ko ang pag-iingat sa mga mata niya. "Kailangan mo ng mag-ayos, Lucian." sabi ko sa kanya. Tumango siya.




"Even I don't wanna..." he laughed softly. "Even I don't wanna too." sabi ko rin at hinaplos ang pisngi niya. Ayokong umalis siya. Gusto ko dito na lang siya dahil lagi siyang wala. I mean... Sa gabi na lang kami halos napang-aabot. Minsan tulog na ko kapag dumadating siya sa sobrang busy niya. Kaya gusto ko dito na lang siya dahil kung tutuusin ay pahinga niya ang araw na ito. Alam kong lagi siyang pagod at stress sa trabaho kaya kailangan may pahinga talaga siya.




Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niyang hinaplos ko at ibinaba iyon. Nilagay niya ang kamay ko sa baywang niya. Gusto niyang yakapin ko siya roon kaya iyon ang ginawa ko. At ang isa ko namang kamay ay ipinulupot ko sa kanyang leeg saka isinandal ang aking baba sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang kamay niya saking baywang at marahang hinahaplos iyon.




"Shit! You're making it hard for me to leave..." aniya. Tumawa ako at tinanggal ang pagkakasandal sa balikat niya. Tinignan ko siya. "C'mon. I need to go down para matulungan na kita sa pag-aayos." sabi ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap sa baywang niya para makababa na ko. Hindi siya natinag at nakasimangot lang sakin. I laughed at bahagya siyang itinulak.




"Dali na!" sabi ko. Umigting ang panga niya. Mas lalo lang siyang naging gwapo. His perfect jaw that blend his manly features as if he was a model from a top model agency. "Lucian?" nakangising sabi ko as I tilted my head. Mabilis niyang hinalikan ang aking labi at marahan akong ibinaba mula sa lamesa. Natawa ako sa ginawa niya. Halatang nagpipigil siya dahil paniguradong mahihirapan siyang umalis kasi baka pigilan ko na lang din siya at manatili na lang kami rito sa unit niya.




Nanatili ang isang kamay niyang nakapulupot saking baywang nang maibaba ako. Hinila niya ako palapit sa kanya. "Stop teasing me babe. I might lock you in our bed and stay their whole day without getting up." he said playfully. Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ng husto ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko talaga maiwasang lagi ang magulat sa mga sinasabi niya. Pinalo ko siya sa dibdib. "Silly!" sabi ko at umiling pero di maiwasan ang ngiti sa mga labi.




Naputol ang pagkukulitan namin doon nang tumunog ang kanyang cellphone para sa isang tawag. Umungol siya bilang protesta pero walang nagawa kung di sagutin iyon. Hindi pa rin siya lumalayo sakin. He's still holding me close to him. "Yes?" pambungad niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang pag-igting ng kanyang panga. He's serious now. Ano kayang sinasabi sa kanya ng kausap niya para maging ganito ang reaksyon niya?




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now