Chapter Forty Three

37.2K 696 54
                                    

Chapter Forty Three

Pang Ilan Kaya








[A/N: Waaahhh! Sorry guyseu for not updating kahapon. Sobrang sakit ng ulo ko kahapon huhu. Iyong kahapong update na di ko nagawa ay sa  friday ang bayad :) So, ayun... Thank you sa votes and comments sa last update :) Kamsarang <3 Sa mga nagrequest ng present ito na. Isiningit ko lang talaga ang present na ito dahil wala sa plano kong mag-update ng present dahil tinatapos ko ang past kaya sana magustuhan niyo pa rin kahit bitin haha bahala na hahaha. Iyon lang :) Maraming salamat <3]




***

Warning: Medyo SPG! O SPG talaga siya! Hahaha.








Pasado alas dos ng hapon ay nakatanggap ako ng text galing kay Lucian. Kanina pa ko tapos kumain ng tanghalian at tapos na rin siya. Tinotoo nga niya ang sinabing magtetext siya. Pero hindi nga lang ganoong kadalas dahil busy siya.




Lucian:

   What are you doing?



Napangiti ako at nagreply.



Ako:

  Texting you haha :) I'm gonna swim later. Sama ka?



Nagplano ako na magsuswimming sa dagat. Malawak at maganda ang dagat dito kaya nakahiligan ko na ang pagtanaw rito at ngayon nga ay gusto ko magswimming. Nang dumating ako rito ay si Phoenix ang unang nakasama kong maligo sa dagat. Siya lang naman ang lagi kong kasama rito noon. Hindi ko pa nakasamang magswimming si Lucian sa dagat na ito. Lagi kasi siyang busy at kapag nandito ay sa bahay lang kami lagi.



Nagreply si Lucian sampung minuto ang nakalipas. Halatang busy.



Lucian:

  What time?



Ako:

  Mga 4 para di gaanong mainit :) Sayang wala ka :'(



Hindi agad siya nakapagreply. Nasa may sala lang ako at nagpapalipas ng oras habang nagbabasa ng mga notes. At nagre-review...



Binasa ko ang text ni Lucian nang magreply siya.



Lucian:

Later babe :) I'll finish my stuff first. I'm sorry.



Napangiti ako at nagreply.



Ako:

  It's okay baby :) Later na lang after your work :)




Hindi na siya nagreply at naiintindihan ko iyon dahil busy siya. Nagbasa-basa na lang ako. After a couples of hours ay nakita kong 10 minutes before 4 na. Niligpit ko na ang mga gamit ko at umakyat na sa kwarto para makapaghanda sa pagsuswimming ko.



Kumuha ako ng towel. After that ay naglagay lang ako ng kunting lotion sa katawan saka na bumaba suot-suot ang malaking tshirt ni Lucian. I don't have any bikini dahil hindi ko naman alam na sa isla niya ko dadalhin. I am wearing a sweetheart top and a short short beneath Lucian's shirt. May iilang tao akong nakikitang nagsuswimming sa bandang gilid.



Nilatag ko muna ang maliit na tela sa buhanginan bago nilagay roon ang towel ko. Nakapamaywang ako habang tinitignan ang malawak na dagat. Nakakaengganyong pagmasdan. Nakakarelax.



Umihip ang malakas na hangin kaya malaya nitong tinatangay ang aking buhok. Nang hindi ako makuntento sa pagtanaw ay hinubad ko na ang tshirt na suot at inilagay iyon sa tela kasama ng towel na dala.




Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now