Chapter Nine (Part One)

49.6K 715 46
                                    

Chapter Nine

Kailangan








[A/N: Hello guyseu :) Sorry ngayon lang. Itong update na ito ay nangyari sa past. Okie? Magbabalik tanaw muna si Amanda hahaha. Anyways... I have a dare. Kapag nakakuha ako ng 20 comments (from different people) I will update tomorrow. Alam ko na 3 to 5 days before ako nakakapag-update dahil I am giving my other stories a time para makapag-update naman ako roon but if ever na magawa niyo sige mag-a-update ako. Bakit ko ito ginagawa? Hindi dahil gusto ko makahakot ng maraming comment kung hindi gusto ko kayong ma-motivate na magcomment para malaman kung ano ba ang mga naiisip, nararamdaman o reaksyon niyo nang mabasa ang update na ito. Gusto ko kasi malaman ang reaksyon niyo habang binabasa ito. Gusto ko malaman kung effective writer ba ko na nakapagbibigay ng mga emosyon sa mga mambabasa niya. Iyon ang gusto kong malaman. Kahit simpleng comment lang natutuwa na ko :) Na-a-appreciate ko na iyon at dahil doon ay nalalaman ko ang nararamdaman nila sa update. Sa mga nag-iiwan ng comment sa mga huli kong update salamat ng marami sa inyo :) Kahit kayo lang nagco-comment thank you :)

So ayun. Kapag nagawa niyo po bukas agad-agad mag-a-update ako. Isasabay ko sa isa ko pang story. So, ayun. Enjoy reading :)

P.S. I know siguro iniisip ng iba na ang arte ko for doing this pero wala naman akong ibang gusto kung hindi ang malaman ang nararamdaman niyo :) At personal na makapag thank you sa inyo sa pagre-reply sa comment <3 Saka ang dare na ito ay di sapilitan. Kung di niyo magagawa, mag-a-update pa rin naman ako :) Iyon lang.
Salamat ( ˘ ³˘)❤❤❤ ]






***

Sa sobrang inis ko sa nangyari ay nagmukmok ako sa loob ng kwarto ko at umiyak doon.




Yes. I know na ang O.A siguro ng tingin niyo sakin pero hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa walang hiyang iyon! Ninakaw niya ang unang halik ko na dapat ay sa unang boyfriend ko.




Shit! Oo na. Gusto ko kasing sa unang lalaking mamahalin ko ibibigay ang first kiss ko as a gift for our love. I know it sound corny pero I am an old fashioned girl when it comes to relationship. Gusto ko maligawan ng maayos sa bahay. Sagutin ang manliligaw sa matagal na panliligaw nito para malaman ko kung mahal talaga niya ko. Maging kami sa tamang panahon. At gusto ko siya na rin ang mapapangasawa ko. Ang gusto ko iyong lalaking nasa kanya na lahat ng qualities na hinahanap ko para alam ko na siya na rin ang mapapangasawa ko.




Pero dahil sa lalaking iyon ay nabalewala lahat iyon. Nakakaiyak!




Ilang ring muna bago sinagot ni Lana ang tawag ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng gana na makipag-usap sa iba dahil sa nangyari kahapon. At gusto ko ikwento iyon sa best friend ko.




"Lana babe!" bungad ko. Narinig ko ang mga hikbi niya sa kabilang linya dahilan para kabahan ako at mag-alala para sa kanya. Bakit siya umiiyak?




"Lana ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko.




"Amanda... Why do I need to be rich for someone to love me?" umiiyak na sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ko akalain na itatanong niya iyon. Kahit kailan hindi naging isyu ang pagiging mahirap niya pero bakit ganito ang tanong niya ngayon?



Umiiyak si Lana habang kausap ko siya sa cellphone. Gusto ko sanang ikwento sa kanya ang muli kong ingkwentro sa lalaking "bwesit na manyak" na iyon ang ginawa nito sakin kahapon pero hindi ko na nagawa dahil sa pag-iyak niya.



Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now