Chapter Forty Two

30.2K 622 126
                                    

Chapter Forty Two

Bilang Kuya Mo Lang










[A/N: Waaahhh! Hello guyseu :) Happy Easter Sunday :) Sorry for the long wait. Huhu. Anyways, sa mga nagcomments and votes kamsahamnida, xie xie salamat :) Kung nainis kayo kay Lucian at naawa kay Amanda sa last update mas maiinis pa kayo kay Lucian haha. Tignan natin guyseu kung tama ang hula niyo kung sino ang tumulong kay Amanda :) So, ayun :) Enjoy reading :) Namiss ko kayo haha :)]




***

Mahigpit ang yakap ko sa sarili ko sa sobrang takot. Mga walang hiya! Bakit lagi na lang akong pinagtatangkaan? Bakit lagi na lang akong nalalagay sa ganitong sitwasyon?



"Sino ka ba?" sigaw nung lalaki. Agad kong tinignan si Phoenix na galit na galit. Sinugod niya nang suntok ang mga ito.


"Phoenix! Mag-iingat ka!" sigaw ko. Tumulong muli ang mga luha ko.


Sinubukang suntukin nung lalaki si Phoenix pero nakaiwas siya at sumuntok doon sa isa. Binawian nung isa si Phoenix pero mas mabilis si Phoenix kaya naunang makasuntok si Phoenix. Galit na galit siya at walang awa na binugbog ang mga iyon.


"Phoenix, tama na!" pigil ko sa kanya. Hindi ko gustong manakit si Phoenix.


Hindi ko na alam kung ano pang nangyayari dahil masyado na kong nakalutang sa lahat ng nangyari. Nanlalabo ang mga mata ko sa luha at hinang-hina na ko.


Naramdaman ko na lang ang paghawak sakin nang isang tao kaya agad akong napasigaw at nagpumiglas. Binalot ako ng matinding takot.


"Fuck, Amanda... Ako ito." narinig ko ang boses ni Phoenix. Bahagya akong kumalma pero lalo lamang naiyak.


"Phoenix..." naramdaman kong niyakap niya ko. Ang isang kamay ay nasa pisngi ko at ang isa ay mahigpit na nakayakap sakin.


"What the fuck! Ayos ka lang ba?" muli siyang nagmura. Ramdam na ramdam ko ang sobrang galit niya at ang matinding pag-aalala niya.


"Phoenix. Dumating ka." napahagulgol ako sa balikat niya na halos hindi ako makahinga ng maayos. Niyakap ko siya ng sobrang higpit tipong ayaw kong kumawala dahil baka bigla na lang may humatak sakin.


"Tang ina! Shit! Mapapatay ko talaga si Lucian! Napakagago niya para iwan ka!" galit na sabi niya. Umiling ako.


"Please wag mo na sabihin kay Lucian. Ayokong malaman niya. Pakiusap." sabi kong nagmamakaawa sa kanya. Hinarap ko siya. "Promise me. Please... Promise me." iyak ko.


Napamura siya at hinaplos ang gilid ng labi ko pati ang pisngi ko. Napasinghap ako at iniwas ko ang mukha ko sa sakit. Alam kong may sugat iyon dahil kumikirot sa sakit at nalalasahan ko pa rin ang dugo roon. Tumulo ang luha ko. Nagmura siya. Kitang-kita ko ang galit, sakit at pagsisisi sa mga mata niya. How could I get so much care from Phoenix?


He looked at me with his hurtful eyes. He looked at me with his bloodshot eyes dahil sa galit niya at pag-aalala para sakin. Kumalabog ang puso ko dahil doon. Bakit napakabuti ni Phoenix sakin? Anong nagawa ko sa kanya para tratuhin ako ng ganito kabuti samantalang ilang beses pa lang kaming nagkikita. Napaluha akong muli dahil sa pinaghalong sakit, takot sa nangyari sakin at saya sa mga ginagawa ni Phoenix dahil kahit paano ay may isang taong narito para protektahan ako sa kabila ng mga problemang kinakaharap ko. Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos kasi binigay niya sakin si Phoenix para maging karamay ko sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng makakaramay.



Carrying The Billionaire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon