Chapter Twenty Four

30.8K 568 79
                                    

Chapter Twenty Four

Ulan







[A/N: Waaaahhhh! Sorry guys ngayon lang nakapag-update si Owtor. Broken Hearted kasi siya kaya di siya makapagsulat nitong mga nakaraang araw, di kasi siya nakapunta sa concert huhuhu. Sinong mga kpop fan dito especially EXO? Waahhh! Hindi ako nakapunta sa concert nila kaya broken hearted si Owtor. Huhu. Sila kasi mga asawa ko. Pasensya na fangirl si Owtor kaya super apektado siya (╥╯﹏╰╥)ง. Anyways, ito na. Updated na. Sorry na ngayon lang hehehe. Enjoy reading :) Sana magustuhan niyo :)]



***



"Tumawag ang Mommy mo, Amanda..." sabi ni Manang at tinignan ako. Kumalabog ang puso ko.


"A-ano pong nangyari?" kinakabahang tanong ko.


"Nasa ospital daw sila ngayon. Inatake ang Papa mo sa puso at kinailangang dalhin sa hospital."



Hindi ko alam pero pakiramdam ko... Huminto ang buong mundo ko sa sinabing iyon ni Manang...



Nanghina ako nang marinig iyon. Hindi makapaniwala sa ibinalita. Nawalan ako ng lakas at halos mawalan ng hininga.


Bakit ganito? Bakit kailangan mangyari ito? Bakit sa pamilya ko pa?




"Saan daw Manang?" tanong ko. Agad akong nagpahatid kay Manong Gardo ang aming driver para ihatid ako sa ospital na sinabi ni Manang.



Nang makarating sa pribadong ospital ay agad kong tinungo ang kwartong inuukupa ng mga magulang ko. Abot-abot ang kaba ko habang papalapit. Abot-abot ang pag-aalala ko. I can't help but feel drained. Halos hindi na nagfa-function ang utak ko sa dami ng iniisip ko. Kailan ba matatapos ang mga problema ko? Bakit kesa matapos ay nagpatong-patong pa? 


Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko si Papa na nakahiga habang may nakaturok na mga apparatus sa kanya. Habang si Mama naman ay nakaupo sa gilid ng kama ni Daddy at hawak ang kamay nito.



May kibig sa lalamunan ko habang pinagmamasadan sila. Parang sinaksak ng ilang libong beses ang puso ko. Halos hindi ako makahinga. Nahihirapan ako dahil sa nakikita. Hindi ko kayang pagmasdan silang nahihirapan dahil doble ang bumabalik sakin.


"My..." tawag ko kay Mommy. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Bakit ganito? Bakit kailangan nilang maghirap?


"Ano pong nangyari kay Daddy?" tanong ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kung hindi ko hahayaang lumabas ang mga luha ko ay baka ako naman ang atakihin sa sobrang bigat ng dibdib ko. Kumalas ako sa yakap kay Mommy at hinawakan ang kamay ni Daddy. Nanikip ng husto ang dibdib ko. Seeing my Daddy almost lifeless... Makes me feel the acid pain in my chest. I can't help but cried.


Lord... Why did You let this happen?


"Inatake ang Papa mo after ng meeting sa board. Kapag hindi niya nabayaran ang utang ay mawawala na sa kanya ang kumpanya. The stock holders wants your Papa out. Anak... Kailangan mabawi ang malaking stock para sa atin pa rin ang pamamahala." iyak ni Mommy. Ang marinig ang bawat iyak niya. Ang marinig ang bawat hikbi niya at ang marinig ang paghihirap niya... Hindi ko matagalan. Unti-unti akong pinapatay nito.


My mom is a strong woman. She always smile to us. Giving her love to us. Kahit kailan hindi siya naghirap. At ngayon nga... Ang makita siyang ganito ay nagpapahirap sakin ng husto. Tinutulak ako nito gawin ang bagay na hindi dapat para lang sa kanila.


Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now