Chapter Forty Six

26K 551 34
                                    

(This is from the past. Iyong last update ay na sa past din)

---------------------------

Chapter Forty Six

Mama





[A/N: Waaahhh! Sorry sa nagrequest ng double update kagabi hindi ko kayo napagbigyan huhu. Hinabol ko pero di talaga kaya huhu. Sorry. Anyways... Happy Birthday saiyo bb Ettenaejrefsay :) Be happy and Godbless always :) Birthday gift saiyo ni Owtor ang update na ito sana magustuhan mo :) buti na lang nasabi mong birthday mo kaya nalaman ni Owtor para mabati ka :) XOXO <3

At waahhh! Ayoko na. Naiinis na rin ako sa sarili kong update kasi masyado ng kawawa si Amanda. Nakakainis. Bakit ba kasi puros iyon ang naiisip ko? Waaahhh! Kasi kailangan na ganoon kasi--- basta. May dahilan si Lucian kung bakit lagi siyang ganito kay Amanda... Bahala na nga haha.  Sorry sa mga pasakit kay Amanda. Kasalanan ko huhu.  Enjoy :) Maikli lang ito haha :)]




***

Tinupad nga ni Phoenix ang pangako niyang hindi ako iiwan. He put me in bed and he's humming a song so I could sleep fast. At nagpapasalamat ako doon dahil naging kalmado ako.



"Good night, Amanda." masuyong sabi niya. "Good night, Phoenix. Salamat." sabi ko. Hinahatak na rin ako ng antok kaya nakatulog ako.




Tumatakbo ako at may pilit na tinatakasan. Dinig na dinig ko ang boses nila. Dinig na dinig ko ang tawanan nila at ang plano nilang pagkuha sakin.


Nahawakan ako nung isang lalaki at pilit na hinahalikan. Pinipilit nila kong pagsamantalahan.



"Wag..."




Sinubukan kong kumawala... "Hindi... Wag!"




I cried and pleaded. Hindi ko na alam kung paano ako makakatakas. I tried to shout for help. I prayed for someone to help me. Isang tao lang ang unang naisip ko.



"Lucian..."



Unti-unting nawala ang mga boses. Unti-unti akong nakawala dahil may isang tao ang iniligtas ako. "Lucian..."



"Amanda..." naramdaman ko ang masuyong haplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata pero masyado na kong pagod at antok para malinaw na makita at marinig ang nasa paligid.



"It's okay baby. I am here. I am here..." naramdaman ko ang masuyong paghalik sa noo ko habang hinahaplos ang pisngi ko.


Naramdaman ko ang kaligtasan dahil doon. Nawala lahat ng takot ko. Inalis nito ang pangamba ko.



Hindi ko alam kung si Phoenix ba iyon o parte pa rin iyon ng panaginip ko...





Nagising ako dahil sa sinag na tumatama sa balat ko. Iminulat ko ang mga mata. Nakita ko si Phoenix na nakaupo sa may upuan sa gilid ko at nakasandal ang ulo sa mga braso na nakapatong sa gilid ng kama. Umupo ako mula sa pagkakahiga saka chineck kung may dumi ba ko sa mukha ag sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya.



Gumalaw siya at ngumiti nang makita ako. Napangiti rin ako. "Good morning." ngiting bati ko. "Morning..." bati niya pabalik. How could he be so damn handsome in his morning face?



Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now