Chapter Fifty Nine (part one)

27.2K 551 75
                                    

Huwag muna basahin dahil hindi pa tapos. Hindi ko kayang tapusin huhu. Pinapahirapan talaga ako huhu.







Chapter Fifty Nine (part one)




Warning: Hindi kumpleto! Sorry huhu.





***


Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari. Nang magising ako ay parang panaginip lang ang lahat ng nangyari kahapon. Nakakaloka si Lucian!



Agad akong bumangon at nag-ayos para makababa na. Magluluto kasi ako ng almusal. Gising na kaya si Lucian? O baka naman umalis na.




Nagtaka ako nang makaamoy ng mabangong ulam galing sa kusina. Nakita ko si Lucian na nakatalikod habang nagluluto. Napangiti ako nang makita siya roon.



Napailing ako. He really looks good in the kitchen. Naramdaman niya ata ang presensya ko kaya nilingon niya ko.




Nginitian ko siya. "Good morning!" bati ko saka lumapit sa may upuan. He faced me. "Good morning," bati niya pabalik. "Bakit ang aga mo nagising?" tanong ko. "Ako na lang dapat ang nagluto..." sabi ko sa kanya. Umiling siya.



"It's okay. Basic." aniya na nagpailing at nagpangiti sakin. "Favorite word hmm?" tukso ko sa kanya. Tinaasan lang niya ko ng kilay at umiling sakin. Napangiti ako.



"You just sit there..." aniya at muling hinarap ang niluluto. It was an omelette. May nakahain na ring bread, hotdogs and bacon. Nang matapos siya sa niluluto ay pinatay na niya ang stove then nilagay niya sa lagayan bago nilagay sa mesa. Ginutom tuloy ako bigla.



"Hmm... Sarap!" sabi ko at naglagay na ng pagkain sa pinggan. Umupo na rin si Lucian sa katapat kong upuan. Naalala ko na ipagtimpla siya ng kape.



"Gusto mong coffee?" tanong ko. Tinignan niya ko at tumango siya. "Alright, coffee!" sabi ko at tumayo na para maipagtimpla siya. Pumunta ako sa may counter para gawin ang kanyang coffee. After ko siyang maipagtimpla ay bumalik na ko sa mesa para maibigay sa kanya. "Here..." sabay lapag ng kape sa tapat ng pinggan niya. "Thanks..." pasasalamat niya. Ngumiti lang ako sa kanya.




"Salamat sa pagkain!" maligayang sabi ko pagkatapos magdasal ay kumain na.



Naparami ang kain ko dahil may kasabay ako kumain. Hindi naman kami nag-uusap ni Lucian habang kumakain but the silence is very comfortable. Hindi awkward kahit tahimik lang kami kumakain. Nang matapos ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin dahil kailangan na ni Lucian magprepare para pumasok sa office.


Nang matapos ako ay nagpasya akong maglinis ng sala. Nakapagvacuum na ko nang bumaba na si Lucian. Inaayos niya ang cuffs ng polo habang naglalakad palapit. "Baka gagabihin ako ngayon umuwi dahil marami akong tatapusing trabaho." aniyang nagbibigay abiso. Napangiti ako dahil sinasabi niya sakin ito. Tumango ako sa kanya.




"It's okay." sabi ko sa kanya. Alam kong busy siya sa trabaho.  Napansin ko na hindi pa ayos ang tie niya kaya ako na lang ang nagkabit tutal busy siya sa cuffs ng polo niya.




Nagkatinginan kami pagkatapos. Tinaasan ko siya ng kilay nang masyado siyang seryoso habang nakatingin sakin. "Alam kong maganda ako, Lucian pero huwag mo naman masyadong ipahalatang nagagandahan ka sakin." pagbibiro ko sa kanya kasi masyado siyang seryoso. Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang sabihin ko iyon. Napailing siya at ngumiti nang makuha ang sinabi ko.



Carrying The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now