Chapter 10: Closure

3.3K 46 5
                                    

Multimedia: Royce Blaiden. <3

Thank you for reading JLB! Enjoy!

Chapter 10 (Closure)

Tinago ko nalang ulit ang cellphone ko sa bag ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana.

“Best, may assignment ba tayo bukas?” Tanong sa’kin ni Dana. Nakita ko pang sumulyap sa’kin si kuya Dino bago tumingin muli sa daan.

“Yep. Sa Central Banking.”

“Alright. Mamayang gabi ko nalang siguro gagawin kapag nakauwi na kami.”

“Ahh. Ano bang gagawin niyo sa Bliss?”

“Death anniv ni Lola. Bibisita na rin kami kay Lolo.”

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Hindi naman nagtagal at nakarating din kami sa bahay. Bumaba agad ako sa kotse bago kumaway sa kanila.

Pumasok ako sa loob. Nakita ko si lolo na kumakain ng merienda.

“Lolo, si Lola?” Tanong ko sa kanya. Nagbless din ako bago umupo sa tabi niya.

“May pinuntahan lang sandali. Babalik din naman daw agad. Si Harley nagpaalam na pupunta sa court.” Sabi ni lolo at bahagyang ngumiti sa’kin. “Magpalit ka muna ng damit. May pag-uusapan tayo.”

Tumango ako bago dumiretso sa kwarto ko. Nagpalit agad ako ng pambahay at bumaba ulit sa dining area. Nakita ko si lola na papasok na rin ng bahay.

“La!” Tumakbo ako sa kanya para magbless at tulungan sa mga dala niya. Nag-grocery si lola? I don’t know. Maybe.

“Kumain ka na ba?” Tanong niya sa’kin.

“Kakain pa lang po. Sasabay na po ako kay Lo.”

Tinulungan ko si lola na ayusin ang mga pinamili niya bago ako tumabi kay lolo para magsimula na rin kumain.

“It’s about your birthday next week, Skyla Hailey.” Sinabi ni lolo. Nanlaki ang mata ko. What about my birthday?

Lo?”

“Invite your friends, Hailey.”

“Bakit pa, Lo? May klase ako non. Tuesday. Hindi ako pwedeng um-absent.”

“Hindi ko naman sinabing aabsent ka. We’ll celebrate after your class. Papuntahin mo dito ang mga kaibigan mo.”

“Hindi na naman kelangan yon, Lo. Mapapagod lang kayo ni Lola.”

“Mag-iinvite ka o hindi kita bibigyan ng allowance?”

“Sabi ko nga po kelangan ako magcelebrate ng birthday ko. Invite ko lahat ng friends ko. Pati yung sa kabilang section papupuntahin ko na rin. Okay, Lo?”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon