Epilogue

2.4K 115 55
                                    


"Mirabella," ang kaniyang sambit, "no corras por favor mi amor y vela con esas rosas," ang sabi ni Presley sa kaniyang isang taong gulang na anak na babae na pinangalanan nilang Mirabella. Nadapa ito sa damuhan dahil sa walang tigil nitong pagtakbo at paglalaro. Nasa hardin sila ng Palacio Corazon de Duquesa para sa isang mahabang bakasyon kasama ang hari ang abuelo ni Lucas.

"Ev," ang sambit nito at ang tinutukoy nito ay si Eve na kasama nilang nagbakasyon sa Monte de Oro. Hindi na kasi mapaghiwalay ang dalawa at mukhang mas nakuha pa ng kaniyang anak na si Mirabella ang loob ni Eve. Ito ang tagapagbantay at kalaro ng kaniyang anak na babae.

At pagsambit nga nito ng pangalan ni Eve ay dali-dali na lumapit ang kaniyang German Sheperd na si Eve para hilahin ang suot na damit ng anak at tulungan ito na tumayo. Hindi niya tuloy napigilan ang malapad na ngiti na gumuhit sa kaniyang mga labi habang pinagmamasdan ang dalawa.

Ngunit bigla siyang nagitla nang maramdaman niya ang pagpulupot ng mga bisig sa kaniyang bewang. At isang halik ang dumampi sa kaniyang pisngi.

"Buenos dias my bebe," ang bulong ni Lucas sa kaniyang tenga at ikiniskis nito ang magaspang na panga sa kaniyang pisngi dahil sa maliliit na tubo ng balbas nito.

"Hmmm, good morning," ang kaniyang sambit sagot niya ng halik sa labi ni Lucas at tumayo silang nakatanaw sa gitna ng hardin hindi kalayuan sa gazebo. At pinagmasdan nila ang anak na kasama si Eve. Maririnig ang malakas na halakhak ng kanilang anak sa kalawakan ng hardin habang nilalaro ito ni Eve.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Presley at isinandal niya ang gilid ng kaniyang ulo sa pisngi ni Lucas at hinawakan ng kaniyang mga kamay ay bisig nitong nakaikot sa kaniyang bewang.

"She's having a blast," ang kaniyang sambit, "nag-eenjoy talaga ang anak natin."

"Ako rin naman eh, nag-eenjoy," ang bulong nito sa kaniyang tenga sabay kagat nito ng marahan sa malaman na parte nito. At agad na napapikit ang kaniyang mga mata dahil sa kiliting gumapang sa buo niyang katawan.

Pumihit ang kaniyang katawan para humarap siya sa asawa at kaniyang inikot ang kaniyang bisig sa leeg nito at nagtama ang kanilang mga mata at tila ba lumilipad siya sa kalangitan habang nakatingin siya sa mga mata nito. Pero, iyun naman talaga ang kaniyang nararamdaman, lumilipad siya sa kalangitan ng kaligayahan nang dahil sa pag-ibig ni Lucas sa kaniya.

"Ako rin...super enjoy," ang kaniyang bulong at isang pilyang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi sabay kagat niya sa kaniyang pang-ibabang labi. At agad na nagtagpo ang mga labi nila ni Lucas para sa isang matamis na halik. Ngunit unti-unting naging mapusok ang mga labi ni Lucas na humahalik sa kaniyang mga labi.

And when she opened her lips for his tongue ay agad na naghimasok ang basa nitong dila sa loob ng kaniyang bibig at isang ungol ang lumabas sa kaniyang lalamunan.

"Ugh," ang ungol niya.

"Eherm," ang malakas naman na paglilinaw ng lalamunan na kanilang narinig at pareho silang nagulat ni Lucas at agad na naghiwalay ang mga magkapagkit nilang mga labi. At bumati sa kanila ang mukha ng abuelo ni Lucas na may matipid na ngiti sa labi nito.

"Perdon por la interrupcion pero quiero ver a mi nieta Duquesa Mirabella," ang sambit nito sa kanila. At hindi na ito naghintay pa nang kanilang sagot at agad nitong nilapitan ang kanilang anak at nag-iisa nitong apo sa tuhod. At halata rin naman ang pananabik ni Mirabella sa abuelo nitong hari. Dahil agad na pumaloob ito sa mga bisig ni El Rey Felipe at kinarga nito ang apo sa mga bisig nito habang pinupog naman ng halik ni Mirabella ang pisngi ng abuelong hari.

"Tomaremos nuestro té...puedes continuar con el tuyo," ang sabi ni abuelo sa kanila habang bitbit nito si Mirabella at naglakad ang dalawa papasok ng palasyo at nakasunod naman ang matapat na bantay ni Mirabella na si Eve.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon