Chapter 7

1.2K 71 21
                                    


Napabuntong-hininga si Presley habang nakahiga siya sa kaniyang kama dahil sa lulubog na naman ang araw na wala na naman siyang ibang pinagkaabalahan. She read a good book na sa loob lang ng isang oras ay natapos na niya. after bonding with Eve ay nagpalipas na lamang siya ng kaniyang oras sa loob ng kaniyang silid habang nakatanaw siya sa kaniyang veranda.

At iyun nga pagkatapos niyang mangalay sa pag-upo sa labas ng kaniyang veranda ay pumasok siyang muli sa loob ng kaniyang silid at nagpaikut-ikot siya sa kaniyang kama at hinihintay na lamang niya na dalawin siya ng antok. Pero dahil sa tanghali na rin siyang nagising ay hindi pa rin siya dalawin ng antok hanggang sa mga oras na iyun.

Wala naman kasi siyang ibang pupuntahan sa Pedrosa, kung sa Highlands naman ay nasa Manila si Gab at alam naman niyang abala sa mga anak at asawa nito sina Cheyenne at Emeraude, ang sabi niya sa sarili.

Isang hikab ang kaniyang pinakawalan nang magitla siya nang tumunog ang kaniyang telepono at napako ang kaniyang bibig sa pagkakabuka nito nang dahil sa paghikab. Umikot ang kaniyang katawan at mula sa pagkakahiga niya sa kama ay dumapa siya para abutin ng kaniyang kanan na kamay ang kaniyang telepono na nasa ibabaw ng mga unan.

Kumunot ang kaniyang noo na tiningnan niya ang kaniyang telepono nang makita niya na wala itong buhay at tahimik at hindi doon nanggagaling ang pag-ring kaya naman mabilis siyang bumangon para tumayo at kaniyang kinuha ang kaniyang satchel bag para dukutin ang isa pa niyang telepono na ginagamit niya sa kaniyang mga kliyente. Tiningnan niya ang screen at isang hindi pamilyar na numero ang kaniyang nakita na, hindi naman bago sa kaniya.

Pinindot niya ang green na button at idinikit niya ang phone sa kaniyang tenga, "yes? Attorney Sevilla speaking," ang kaniyang pormal na pagsagot sa caller.

"Hi attorney Sevilla? This is Attorney Haiden Colbert? Uhm, I don't know if you still remember me," ang sagot nito sa kaniya sa kabilang linya.

"Of course, why would I forget you?" ang kaniyang sagot at iyun naman ang totoo. Sa ilang buwan na nagharap sila bilang mga abogado ng kanilang mga kliyente sa annulment case ay hindi niya ito makalilimutan and it was all purely professional and nothing personal about it kaya naman mabilis niyang dinugtungan ang kaniyang sinabi.

"Sa ilang buwan ba naman na nagkaharap tayo makakalimutan ko ba ang isang katulad ko na abogado?" ang kaniyang dugtong at isang nahihiya at mahina na tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya.

"Uhm, how may I help you?" ang pagpapatuloy niya nang hindi pa ito sumagot sa kabilang linya.

"Uhm, I know this is a short notice, gusto ko sana na imbitahan ka bukas na magkape?" ang tanong nito sa kaniya.

Umikot ang kaniyang katawan para humarap sa may nakabukas na pinto ng veranda at humakbang siya palabas at idinikit niya ang kaniyang katawan sa railings.

"Hindi sa gumagawa ako ng palusot Haiden...can I call you Haiden?" ang sagot at tanong niya.

"Of course! Please," ang sagot nito sa kaniya at narinig niya na nabuhayan pa ang boses nito nang tawagin niya ito sa una nitong pangalan.

"Wala na kasi ako sa Manila nandito na ako sa bahay namin sa probinsiya, dito naman kasi talaga ako nakabase at hindi sa Manila, and me and my colleague shares one office sa Manila but on call lang ako and I am really based here sa province kung saan ako nagpa-practice," ang kaniyang sagot at nilimitahan pa rin niya ang kaniyang sarili na magsabi pa ng anumang personal tungkol sa kaniyang sarili.

"Ang malas ko talaga," ang narinig niyang sambit nito.

"Uhm maybe some other time? I mean hindi naman ibig sabihin ay hindi na ako pupunta ng Manila, dumadalaw ako twice a week sa Manila and now that I have your number maybe I would be the one that will give you a call once na lumuwas ako," ang kaniyang sagot dito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now