Chapter 13

1K 77 22
                                    


"O eh bakit nagpainom ka rito sa bahay mo?" ang takang tanong ni Carlos sa kaniya pagkatungga nito ng beer mula sa bote. Maaliwalas ang kalangitan nang gabing iyun kaya naman kitang-kita ang liwanag ng bilog na buwan na sinamahan pa ng mga nagsabog na kinang ang mga bituin. Kaya naman sa labas sila ng bahay pumuwesto ng kanilang mga silya at mesa habang may isang chest sa tabi na may lamang mga bote na beer at yelo na tinernuhan nila ng niluto ni nanay Lucing na litson kawali.

"May magandang balita kasi ako at kailangan natin na mag-celebrate," ang kaniyang nakangiting sagot habang binubuksan niya ang takip na tansan ng bote ng beer at iniabot naman niya iyun kay Canaan.

"Tuli ka na?" ang tanong ni Rauke na may malokong ngiti sa labi nito.

"Ha...ha...ha," ang kaniyang walang sayang pagtawa saka naman niya iniabot rito ang beer na inalisan na niya ng takip.

"Eh, bakit nga? Bihira naman tayong umiinom dito sa bahay mo kaya...nakakapanibago, mukhang selebrasyon nga ng isang okasyon, anong espesyal ba na pangyayari?" ang usisa naman ni Canaan sa kaniya.

"Sinagot na ako ni Presley,"-

"Pffft!" ang buga ni Carlos ng beer na nasa loob ng bibig nito.

"Siyota mo na si Presley?"! ang di makapaniwala na tanong ni Canaan sa kaniya na nanlalaki pa ang mga mata nitong nakatuon sa kaniya.

"Hindi pa," ang kaniyang sagot.

"Hindi pa? e bakit sabi mo sinagot ka na?" ang inis na tanong ni Carlos na pinunasan ang basang bibig nito gamit ang likod ng sarili nitong kamay.

"Oo yung tungkol sa pagiging abogado ko para sa magiging partnership ko sa bagong business partner ko," ang sagot niya at siya naman ang nagbukas ng sarili niyang bote.

"Anak ng tipaklong," ang sambit ni Carlos, "kung makapagsabi ka ng selebrasyon akala ko pa naman sinagot ka na talaga ni Presley," ang inis na sabi nito.

"Darating din tayo diyan at mahuhulog din si Presley sa alindog ko...napapayag ko na nga eh na maging abogado ko, sunod na iyung pagiging jowa niya," ang mayabang niyang sagot dito.

"Paano mo napapayag?" ang takang tanong ni Rauke sa kaniya habang nakakunot ang noo nito at kitang-kita naman talaga ang pagtataka sa mga mata nito dahil mariin ang pagtanggi nito sa kaniya.

Nagkibit ang kaniyang mga balikat, "karisma?" ang kaniyang sagot at saka niya dinugtungan nang tungkol sa natanggap niyang tawag mula kay Presley kagabi at sa meeting nila kanina.

"Huh, baka naman naawa sa iyo? O baka naman kinausap ni Gab?" ang tanong ni Canaan.

"Malamang hindi, kasi dapat sinabi na sa amin ni Gab ang tungkol dun, alam mo naman kaming tatlo walang sikretuhan," ang sabat naman ni Rauke sa kanila.

"Kaya nga!" ang kaniyang sagot, "karisma lang talaga ni Lucas Malvar iyan," ang pagyayabang niya.

Isang pagsingasing ang isinagot ni Rauke sa kaniya, "ang akala ko panaman ang isi-celebrate natin ay dahil sa tuli ka na, hindi ka man lang ba mahihiya kay Presley?" ang pambubuska nito sa kaniya.

"Naku Rauke, hubog na hubog ang ulo nito!" ang natatawa niyang sagot sa palitan nila ng kalokohan ng kaibigan. At naalala niya kung paanong sabay-sabay silang nagpatuli ng mga ito noong maliliit pa lamang silang mga bata sa tradisyon na paraan sa tabi ng sapa. At sabay-sabay din silang nawalan ng kanilang pagka-birhen sa edad na disi-otso.

"Oh, eh saan mo naman balak ipasilip ang hubog mong ulo?" ang tanong ni Canaan sa kaniya.

"Tsk, pass na muna ako," ang kaniyang sagot at nakita niyang sabay-sabay na ngumanga ang mga bibig ng kaibigan kasabay ng pamimilog ng mga mata nito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now