Chapter 21

1K 69 31
                                    

Pinagmasdan ni Presley kung paanong nanlaki ang mga bughaw na mata ni Lucas sa kaniya. At nang mukhang makarecover na ito sa pagkabigla ay naglakad ito palapit sa kaniya. Wala naman masama sa paglapit nito, pero napansin niya na dumipa ang mga braso nito habang papalapit na ito sa kaniya na tila ba ikukulong siya ni Lucas sa mga bisig nito.

"Lucas," ang kaniyang sambit at inokupa na naman ng kaba ang kaniyang dibdib habang nakapako ang kaniyang mga mata kay Lucas na sa katotohanan ay mabibilis at malalaking hakbang ang ginawa nito ngunit sa kaniyang paningin ay tila ba mabagal ang bawat paghakbang nito papalapit sa kaniya habang nakadipa ang mga braso nito.

Napaatras ang kaniyang mga paa at bumangga ang kaniyang puwetan sa gilid ng office table nito at wala na siyang aatrasan pa at napagtanto niyang na-trap na siya at wala na siyang tatakbuhan sa sandaling iyun. Kaya naman napakapit na lang ang kaniyang mga kamay sa gilid ng lamesang nasa kaniyang likuran.

"Lucas no," ang kaniyang sambit ngunit naramdaman na lang niya ang kaniyang sarili na kinabig ni Lucas palapit sa dibdib nito at bumalot sa kaniya ang mga braso ni Lucas.

"Lucas ano bang," ang kaniyang sambit at naramdaman niya ang init ng katawan ni Lucas sa kaniyang katawan. Nakadikit ang pisngi nito sa kaniyang sentido at ang tanging nagawa na lang niya ay ilapat ang kaniyang mga palad sa dibdib nito.

"Sabi ko na nga ba, matagal mo na akong gusto, oo sinasagot na kita," ang narinig niyang sabi ni Lucas sa kaniya. At doon ay napagtanto niya ang pagkakamali ni Lucas sa pagkakaintindi nito sa kaniyang sinabi. Pero bakit masarap sa pakiramdam niya ang mahigpit nitong yakap? She felt...safe.

"Lucas, bitaw!" ang kaniyang sambit at malakas niya itong itinulak gamit ang kaniyang mga palad na nakalapat sa dibdib nito.

"Bakit? Sinagot na ng akita eh," ang sagot ni Lucas na nanatili pa ring nakayakap sa kaniya.

"Ano bah! Mali ka ng pagkakaintindi, hindi partner sa personal na buhay, partner sa business," ang kaniyang paliwanag at dahil doon ay lumuwag ang mga bisig ni Lucas sa kaniya saka siya nito pinakawalan ngunit nanatili pa rin na nakatayo ito sa kaniyang harapan at magkalapit pa rin ang kanilang mga katawan.

"Business?" ang kunot noong tanong ni Lucas habang nakatayo at nakatungo ito sa kaniya.

"Oo, business," ang mariin niyang sagot dito, habang siya naman ay nakatingala, "ugh, umusog ka nga! Masakit sa leeg," ang angal niya rito.

"Masasanay ka rin," ang sagot nito at unti-unting kumurba ang ngiting patagilid sa mga labi nito at hindi naiwasan na mag-init ang kaniyang mga pisngi.

Malakas niya itong itinulak at kusa namang umatras ang mga pa ani Lucas habang maririnig ang tawa sa bibig nito at napagtanto niya na pinaglololoko na naman siya ni Lucas.

"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ni Lucas sa kaniya at naging seryoso na ang boses nito habang nanatili pa rin itong nakatayo sa kaniyang harapan.

Ipinaliwanag niya ang kaniyang mga natuklasan sa kaniyang ginawang research tungkol sa manufacturing process at maging sa market ng mga inedible by-products. At habang nagpapaliwanag siya ay tahimik naman na nakikinig si Lucas at alam niyang seryoso na ito nang sandali na iyun.

Tumangu-tango si Lucas nang matapos na siyang magsalita at tikom na ngiti ang iginawad din nito sa kaniya.

"Maganda iyun, so ibig sabihin ba nito na kasali ka na sa partnership namin ni Haiden?" ang tanong ni Lucas sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo, "not directly, pero tayong dalawa ang magkakaroon ng partnership,"-

"Kahit kasal pa, hindi ako aatras," ang sabat ni Lucas sa kaniya at bumagsak ang kaniyang mga balikat at leeg pakanan kasunod ng pag-irap niya kay Lucas.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now