Chapter 41

1.2K 91 40
                                    


"Uhm," ang sambit ni Lucas habang nakatingin sa kaniya si Presley. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot hindi rin naman kasi niya inaasahan na hihilingin sa kaniya ni Presley ang magtungo sa ibang bansa.

Nakaramdam siya ng pag-aalinlangan lalo pa nang maisip niya ang rancho at mukhang nabasa ni Presley ang kaniyang pag-aalala.

"Uhm, ayaw mo ba?" ang tanong ni Presley sa kaniya na may tono ng paglalambing sa boses nito. Ikinikiskis pa ni Presley ang pisngi nito sa kaniyang dibdib habang magkahawak ang kanilang mga kamay.

"Uhm hindi...hindi sa ayaw ko Presley, alam mo namang totoo ako sa pangako ko sa iyo na lahat ay gagawin ko para sa iyo," ang kaniyang sabi kay Presley.

"Pero mukhang nag-aalangan ka sa sinabi ko, bakit?" ang tanong ni Presley sa kaniya. At saka nito hinimas ang kaniyang pisngi gamit ang palad nito.

Isang buntong-hininga lang ang kaniyang isinagot. Hindi niya kasi masagot ang tanong ni Presley. Kaya naman ito na ang sumagot para sa kaniya.

"If you are worrying about leaving the ranch, don't worry mga dalawa o tatlong araw lang naman tayo and besides mayroon din naman akong engagements kaya kailangan ko rin na bumalik agad, and...if you are thinking about the money," – at doon na umiling ang kaniyang ulo pero nagpatuloy si Presley sa pagsasalita nito.

"Ako ang nagyaya kaya ako ang magbabayad sa trip natin," ang pagpapatuloy nito.

"Hindi...hindi sa ganun Presley, saka...ako ang lalaki, ako ang boyfriend mo dapat ako ang magbabayad," ang giit niya. Pero umiling si Presley at ngumiti ito ng matamis sa kaniya.

"Lucas, hindi lang tayo mag-boyfriend-girlfriend, we're partners, kaya dapat hindi issue sa atin kung sino ang magbabayad," ang sagot ni Presley sa kaniya. Pero, hindi pa rin siya kumportable sa ganung ideya at napansin iyung muli ni Presley lalo pa at umiwas siya ng kaniyang mga mata rito.

"Okey babe, ganito na lang, hati tayo s aexpenses, okey? Then hindi tayo magpapaka-bongga, maghahanap tayo ng murang flight pero komportable tayong dalawa then, maghahanap din ako ng murang hotel na puwede nating tuluyan, sa pagkain mayroon namang mga convenient stores o murang restaurants doon, hindi natin kailangan na gumastos ng malaki para mag-travel," ang giit ni Presley sa kaniya.

"Hindi naman sa ganun Presley, saka hindi ako kumportable na...maglalabas ka ng pera na dapat ay ako ang gagawa," ang malungkot niyang sagot dito.

Umiling si Presley at kinabig nito ang kaniyang pisngi para muling magsalubong ang kanilang mga mata.

"Let's make adjustments sa relationship natin Lucas, hindi naman natin kailangan nagayahin sa iba saka...bumawi ka na lang sa akin sa..."

At hindi na nito itinuloy ang sasabihin nito ngunit sa pilyong ngiti nito sa mga labi ay alam na ni Lucas ang pakahulugan ni Presley. At hindi niya naiwasan ang gumanti rin ng ngiti rito at saka niya hinagkan ang yungki ng matangos nitong ilong.

"Hanggang sa hindi ka na makatayo," ang kaniyang bulong sa labi nito at mabilis na nagtaas-baba nag kaniyang mga kilay.

"Gusto ko iyun," ang bulong din naman na sagot ni Presley bago nagdikit ang kanilang mga labi para siilin ng matamis na halik ang labi ng isa't isa.

Isang malalim na hininga ang kaniyang sinagap bago niya binawi ang kaniyang mga labi at saka niya hinaplos ang pinsgi ni Presley habang nakapako ang kanilang mga mata.

"Sige payag na ako sa hiling mo, lalo pa at kaarawan mo," ang sagot ni Lucas.


Pinagmasdan ni Presley ang guwapong mukha ni Lucas na alam niyang matagal na niyang iniibig at oilit lamang niyang itinatanggi. Pero ngayon ay nailahad na niya at kaniyang na ring naipadama ang kaniyang pagmamahal dito. Ngunit mayroon pang kulang. Hindi pa niya naihahayag sa lahat ang pagmamahalan nila ni Lucas at sa bandang iyun ay siya ang may pagkukulang.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon