Chapter 27

1K 80 40
                                    

“Nagsasawa ka na yatang samahan ako,” ang sabi ni Haiden kay Presley kinabukasan ng umaga pagkatapos na muling magtungo ito sa kanilang bahay para sa isang breakfast.

 At pagkatapos na makapag-breakfast ay nagyaya na naman itong muli na lumabas para mamasyal sa Pilar. She’s not an outgoing person. Mas gusto niyang mag-stay sa bahay kung hindi naman siya nakabakasyon and if she’s not travelling someplace. Kaya naman it was an effort for her na samahan si Haiden sa paglilibot sa Pilar.

“Hindi naman,” ang kaniyang pagsisinungaling, “may mga kailangan lang akong asikasuhin ngayong araw, hindi bale malapit na ang Rancher’s Tournament sigurado naman na masasamahan kita sa araw na iyun,” ang kaniyang sagot at sa pagkakataon na iyun ay iyun na ang katotohanan. Iyun na lang naman ang huling pagkakataon na masasamahan niya ito bago ito bumalik sa Manila at maipagpapatuloy na niya ang kaniyang buhay at kasama na doon ang pagsisimula niya ng kaniyang negosyo.

“Oo nga pala, excited talaga ako na makapanood ng rodeo,” ang sagot ni Haiden sa kaniya, “uhm paano iyan, aabalahin ko muna ang mga magulang mo? We’re going out, maybe sa dinner kumain na lang tayo sa labas,” ang saad pa nito a kaniya.

“Yeah sure,” ang kaniyang matipid na sagot na sinamahan niya ng ngiti. She really couldn’t wait to spend the day away from her parents and Haiden for a while.

“It will never be an abala for us Haiden, we really wanted to spend some time with you, mas lalo ka pa namin na makikilala,” ang sabat naman ng kaniyang daddy.

“Hindi mo ba puwedeng i-cancel muna nag lakad mo ngayon ija? Ilang araw na lang ang ilalagi ni Haiden dito busy ka pa,” ang sabat na tanong naman ng kaniyang mommy sa kaniya.

“No it’s okey tita, makakasama ko pa rin naman ng matagal si Presley sa future,” ang sagot ni Haiden sa kaniyang mommy na ikinakunot ng kaniyang noo. At nakita niya ang palitan ng mga ngiti ng kaniyang mommy at ni Haiden na hindi niya nagustuhan.

Maybe he was referring to the partnership of Lucas and him, dahil sa siya ang abogado ni Lucas, ang sabi ng kaniyang isipan. Kahit pa nagtataka siya dahil sa hindi naman na siya magiging active sa pagitan ng partnership ng dalawa dahil tapos na ang kaniyang trabaho at magpo-focus na siya sa kaniyang bubuksan na business.

“Okey then, shall we?” ang tanong ni Haiden sa kaniyang mga magulang. Nagpaalam na ang mga ito sa kaniya at ilang minuto lang ang kaniyang hinintay nang marinig niya ang automatic gates na nagsara na muli. At siya naman ay umakyat na sa kaniyang silid para naman palabasin na sa kaniyang kuwarto si Eve na kailangan niyang ikulong sa loob ng kaniyang kuwarto sa tueing dadalaw si Haiden sa kanilang bahay. Alam niyang protective si Eve sa kaniya, but with Haiden, she was extra cautious na hindi na ito humihinto sa pagtahol at pag-angil kaya naman bago pa lapain ni Eve si Haiden ay ikinukulong na lamang niya ito sa loob ng kaniyang silid.

Ven mi amor disculpa si te tengo que encerrar en mi cuarto eh?” ang malambing niyang paghingi ng sorry kay Eve nang lumabas na ito ng kaniyang silid.

“Quieres venir conmigo?” ang kaniyang tanong kay Eve na mabilis na gumalaw ang buntot nitong parang pamaypay.

“Si? Vamos,” ang nakangiti rin niyang sambit at nagtatalon na sa tuwa si Eve pagkatapos ay nauna na itong tumakbo sa kaniya pababa ng kanilang bahay.

Mahina siyang natawa, matagal na rin na hindi niya naisasama si Eve sa kaniyang pagdi-drive. Dati ay isinasakay niya ito sa passenger seat at nagdi-drive sila sa kung saan leaving the windows down while they let the cool wind blew her hair and her fur.

Pinasakay niya si Eve sa passenger side ng kaniyang sasakyan at siya naman ay dali-daling sumakay din sa driver side at binuhay na niya ang makina. Mahinang umiyak si Eve at hinawakan ng kanan na unahang paa nito ang bintana at nakuha niya ang ibig sabihin nito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now