Chapter 1

3.4K 106 36
                                    


"Congratulations!" ang bati ni Presley sa kaniyang kliyente na isang kilalang artista. She was able to persuade the judge to grant her client the annulment she filed against her also actor husband. It was a secret marriage at dahil sa walang puwang ang marriage sa mga artistang nagyaon pa lamang umaangat ang career ay nag-file na ang kaniyang kliyente ng annulment sa utos din ng manager at mga magulang nito.

"Thank you, Atty. Sevilla," ang sagot nito sa kaniya pero napansin ni Presley na walang sigla ang pagsabi nito ng pasasalamat sa kaniya. She even sounded happier that moment dahil sa na-grant ang annulment sa kaniyang client, pero mukhang ang client niya ay binagsakan ng langit at lupa ng sandaling iyun.

"You don't sound happy," ang mahinang sambit niya at idinaan niya sa matipid na ngiti ang kaniyang sinabi rito na pinalabas niyang isang biro kahit pa seryoso ang kaniyang tanong dito.

Napansin niyang sumulyap ito ng tingin sa lalaking artistang dati na nitong asawa at nakita niyang katulad ng kaniyang kliyente ay may kalungkutan din sa mukha nito. Mukhang hindi isang tagumpay ang sandali na iyun kundi isang lamay dahil sa ramdam ni Presley ang kalungkutan nang dahil sa pagkamatay ng isang pagsasama at pagmamahalan.

"Uhm," she uttered and she nervously wet her lips before her eyes looked at her.

"Hindi naman po, masyadong...this is very trying for me, gusto ko na lang ang magpahinga," ang sagot nito sa kaniya.

Tumangu-tango siya at hindi na niya sinagot pa ang sinabi nito at hinayaan niya itong magpaalam sa kaniya saka ito naglakad papalayo sa kaniya.

"Thank you, attorney Sevilla! Hindi talaga kami nagkamali na ikaw ang kuning abogado ng anak ko, napakalaking tulong nito sa kaniya at naitama ang pagkakamaling nagawa nang dalawa," ang masayang sabi ng mommy ng kilalang artista.

"It's pleasure on my part at nakatulong ako," ang kaniyang sagot kahit pa nakaramdam siya ng awa sa kaniyang kliyente. It was too obvious na nagmamahalan pa rin ang dalawa ngunit dahil sa pressure ng career at pamilya ay kinailangan na maghiwalay ang dalawa kahit pa tago ang kasal ng mga ito.

"We are very grateful at napakagaling po ninyo sa paghawak ng kaso ng anak ko and it is done very discreet kaya naman," she took a pause and sighed with relief. Her hands went in her chest while she dramatically rolled her eyes.

"Mabuti na lang at walang nakaalam dahil, masisira ang career niya," ang pagpapatuloy nito.

"Do you think this is a good idea?" ang kaniyang biglang tanong sa mommy ng artista. Kumunot ang noo nito at bahagyang umatras ang ulo nang dahil sa kaniyang sinabi.

"What do you mean?" ang kunot noo nitong tanong sa kaniya habang nanatili silang nakatayo sa loob ng courtroom at inaayos niya ang kaniyang mga papeles na ibinabalik niya sa kaniyang structured leather satchel.

She sighed and she stole a glimpse on the young actress ba hindi naman niya kilala dahil sa hindi naman siya mahilig na manood ng mga palabas sa TV o ng movies. Instead, she loves watching documentaries, histories, and travel vlogs kaya naman napa-safe talaga ng identity ng kaniyang kliyente sa kaniya.

Pero bilang abugada ay nakaramdam siya ng concern sa kaniyang kliyente kahit pa tapos na at naipanalo na nila ang annulment case.

"I mean..she doesn't look happy about this," ang kaniyang diretsang sagot at wala na siyang pakialam kung tawagin siyang pakialamera nito dahil sa tingin niya ay may pakialam pa rin siya sa kaniyang kliyente.

Umiling ang ulo ng mommy nito at mas lalong kumunot ang noo nito, "she'll get over this, I'm sure about that lalo pa at may malaking pelikula siya at isu-shoot sa ibang bansa, madali niyang makakalimutan ang lahat and she'll be thankful sa ginawa natin para sa kaniya," ang sagot nito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now