Chapter 4

1.5K 78 19
                                    

Ang kapal talaga ng mukha mo Malvar! Nakuha mo akong akyatin sa kuwarto ko?! Ang galit niyang sigaw rito habang nasa veranda sila ng kaniyang silid. Madilim ang paligid at ang tanging liwanag ay ang nagmumula sa buwan na buong-buo nang sandaling iyun. She could see his silhouette from the dim light coming from the moon. And when the moonlight touches his face, it made his eyes turned into a deeper color of blue. And his eyes were pasted on her while she stood in front of him only clad in her short shorts and thin white shirt.

Ngunit sa kabila ng pagpapakita niya ng galit ay hindi man lamang niya nakitaan ng reaksiyon ang mukha ni Lucas. Nanatili lang na nakatikom ang mga labi nito habang nakapako ang mga mata sa kaniya.

Umalis ka na! at huwag ka ng babalik pa rito! napakalakas ng loob mong akyatin ang kuwarto ko! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis! Ang galit niyang sigaw kay Lucas. At mukhang natauhan na ito nang banggitin na niya ang salitang pulis. Huh, he better move dahil iyun talaga ang kaniyang gagawin! How dare he! Anong akala niya sa akin?! Isang parausan na babae?! Ang galit na sigaw ng kaniyang isipan. At pinagmasdan niyang kumilos si Lucas at nagsimula na itong humakbang.

Pero mayroon siyang napansin. Nagsimula nang humakbang si Lucas ngunit hindi palayo sa kaniya kundi…papalapit.

“Hey Malvar!” ang kaniyang pagtawag sa atensiyon nito. Ngunit tila bingi na ang tenga ni Lucas nang sandaling iyun at nagpatuloy ito sa paghakbang papalapit sa kaniya. Kaya naman siya ang humahakbang paatras sa sandaling iyun para umiwas sa papalapit na si Lucas. Hanggang sa mabangga na ang likod ng kaniyang mga binti sa railings ng kaniyang veranda at wala na siyang iba pang pupupntahan pa kaya naman nanatili na lamang siyang nakatayo habang ang kaniyang mga kamay ay kumapit sa railings sa kaniyang likuran kung saan nakasandal ang kaniyang balakang.

At nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niyang inalis ni Lucas ang suot nitong kulay puting t-shirt at tumambad sa kaniyang harapan ang malapad at solido nitong dibdib. At nagsimula nang tumibok ng mabilis ang kaniyang puso nang dahil sa kaba.

“M-malvar,” ang kaniyang sambit at sa sobrang hina nito ay ultimo ang kaniyang mga tenga ay nahirapan na ring marinig ang salitang kaniyang sinambit. Napasinghap siya nang ang mga kamay nito ay kumapit sa metal railings na nasa kaniyang likuran kaya naman napagitnaan na siya ng mga braso nito at napalunok na lang siya nang tumayo sa kaniyang harapan si Lucas at unti-unting lumapit ang mukha nito sa kaniya.

At ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata at hinintay ang susunod na mangyayari. Ang pagdampi ng mga labi ni Lucas sa kaniyang mga labi. At hindi nga nagtagal ay naramadaman niya sa kaniyang pisngi ang basang nguso nito kasunod ang pagdila nito sa kaniyang pisngi.

Kunot ang noo na idinilat ni Presley ang kaniyang mga mata nang tuluyan na siyang magising nang umagang iyun dahil sa sunud-sunod na maramdaman niya ang basang dila sa kaniyang pisngi. At sa halip na mukha ni Lucas Malvar ang bumati sa kaniya ay ang mukha ni Eve ang nakalapit sa kaniyang mukha. Nakangiti at nakalabas ang dila nitong paulit-ulit na pinasadahan ang kaniyang mukha.

“Ugh, Eve,” ang kaniyang sambit at inilapat niya ang kaniyang mga kamay s amagkabila nitong pisngi at saka niya kinabig iyun papalapit para halikan ang ulo nito. At muling gumanti ng pagdila si Eve sa kaniya. Hinawi niya ang kaniyang buhok mula sa kaniyang mukha.

“Okey-okey, quieres salir? Vas a orinar?” ang kaniyang tanong sa kaniyang German Shepherd na si Eve. At sumagot ng pagtahol si Eve at makailang ulit na tumalon-talon ito sa ibabaw ng kaniyang kama sa kaniyang tabi.

“Naiihi ka na sigurado,” ang kaniyang bulong at itinulak niya ang kaniyang sarili para bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga at agad siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga sa kaniyang kama. At hindi niya maiwasan na hindi tingnan ang direksiyon ng sliding doors ng kaniyang veranda, at agad na sumagi sa kaniyang isipan ang nangyari kaninang dis-oras ng gabi.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora