Chapter 12

1.1K 70 23
                                    

Pinagmasdan ni Lucas si Presley at hindi siya nangiyeme na sundan ng kaniyang mga mata ang galaw nito. Naalala niya kanina noong papasok sila sa loob ng opisina nito. Noong binubuksan pa lang nito ang lock ng accordion gates ng opisina nito. Nagkaroon siya ng mas malapitan na pagkakataon na mapag-aralan ang likuran na bahagi ng katawan nito.

Nauna niyang napansin ang makakapal na hibla n buhok nito na may mga mapupusyaw na kulay na tila buhok ng mais. At dahil sa maayos na nakataas na nakatali ang buhok ni Presley ay napansin din niya ang mga maliliit na hibla ng buhok sa may batok nito. At kanina ay pinigilan niya lamang ang kaniyang sarili na hindi hipan ng kaniyang bibig ang mga maliliit na hibla na iyun.

At mula sa batok nito ay gumapang ang kaniyang mga mata sa maliit nitong mga bewang at siyempre hindi nakawala sa kaniyang mga mata ang maambok na puwetan nito na hindi naitago ng suot nitong patulis na palda na abot hanggang sa mga tuhod nito.

At mas lalo pa siyang humanga kay Presley hindi lang sa taglay nitong ganda at kaseksihan, kundi dahil na rin sa angkin nitong talino.

Hindi ito nagdalawnag-isip...oops mali, nagdalawang-isip ito, ang sabi ni Lucas sa kaniyang sarili, muntik pa nga siyang layasan nito pero, kahanga-hanga pa rin ang ipinakikita nitong pasensiya sa kaniya hindi lang sa kanyang taglay na kakulitan kundi na rin pagdating sa kaniyang kamangmangan sa negosyong gusto niyang pasukin, ang sabi ng kaniyang isipan.

"Salamat Presley ha," ang sinserong sabi niya kay Presley at sa sandaling iyun ay walang bahid ng kung anumang kalokohan ang kaniyang pananalita. Sinsero ang kaniyang pasasalamat at talaga namang napakalaki ng kaniyang pasasalamat kay Presley dahil sa tinanggap nito ang kaniyang hinihingi na tulong dito na maging kaniyang abogado. Hindi siya mahihiya na sabihin dito kung mayroon siyang hindi naiintindihan at laking pasalamat nga niya dahil sa lubang mahaba ang pasensiya ni Presley sa kaniya.

Nagtama ang kanilang mga mata at naalala niya kanina kung paanong parang mga pamaypay ang mga mahahaba nitong pilikmata at hindi pa rin maaalis sa kaniyang isipan ang mga maliliit na pekas sa ilalim ng magkabilang mga mata ni Presley.

Nauna itong umiwas ng tingin at malakas nitong nilinaw ang lalamunan nito, "uhm, may bayad ako noh, at hindi mura ang pagiging abogado ko," ang sagot nito sa kaniya na may bahid muli ng katarayan at nilahukan pa ng pagtaas ng isa nitong nakakurbang kilay.

"Siyempre naman," ang sagot niya na may kasamang mahinang tawa. Sa unang pagkakataon ay nagpalitan sila ng biro ni Presley. Oo mayroon naman na katotohanan na malaki ang ibinabayad kay Presley sa mga legal nitong trabaho. Pero sa paraan nang pagkakasabi nito na may halo ng pagiging magiliw at magaan ang nagpabago ng lahat at nawala ang kaseryosohan nang sandali.

"Oh, siya gagawa ako ng sulat bilang sagot sa proposal ng soon to be business partner mo, ano nga pala ang pangalan niya?" ang tanong ni Presley sa kaniya saka ito tumayo mula sa silyang kinauupuan nito para maglakad patungo sa malaki nitong office table.

At sa sandali ngang iyun nang tumayo si Presley ay muling sumunod ang kaniyang mga kulay asul na mata rito. Ni hindi siya nagpakita ng hiya na sundan niya ito ng tingin. At doon muli bumagsak ang kaniyang mga mata. Ang kurba ng likuran nito na kahit pa hindi naman ito nagpapa-sexy sa suot nitong damit ay makikita pa rin at naghuhumiyaw ang kaseksihan nito.

Nagtaas ang kaniyang mga kilay habang pinagmamasdan niyang kumuha si Presley ng bond paper at ballpen sa may office table nito.

"Ah katulad mo rin siya, abogado rin, siya si Attorney Haiden Colbert," ang sagot niya kay Presley at napansin niyang mabilis na pumihit ang katawan para harapin siya at napansin din niyang nagtaas din ang mga kilay at namilog ang mga mata nito sa kaniya.

"Haiden Colbert?" ang tanong nito sa kaniya na tila ba sinisigurado nito na tama ang pangalan na kaniyang nabanggit.

"Uh oo, iyun nga si Haiden Colbert nga, abogado rin siya," ang kaniyang sagot at pinanuod niya kung paanong mabilis itong naglakad pabalik at naupo na muli sa silyang kinauupuan nito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon