Chapter 22

986 69 29
                                    

"Uhm oo dun ka pipirma, oo kahit saan sa blank yung hindi mo napirmahan doon ako pipirma," ang sagot ni Presley kay Lucas na nasa kabilang linya. Mahina ang kaniyang pagsasalita habang bahagyang nakapihit ang kaniyang mukha sa kaniyang kanan para mabigyan niya ang kaniyang sarili ng privacy. Nasa Manila kasi siya nang araw na iyun at kasama niya ang kaniyang mga magulang, at ang pinsan niyang si Emerson. Inimbitahan sila nito para sa isang dinner at ipakikilala ni Emerson ang boss nito sa kanila.

Ayaw man niyang sumama dahil sa gusto na niyang maging abala sa kaniyang itatayong partnership at business with Lucas pero nagpumilit ang kaniyang mga magulang at katakut-takot na litaniya na ng pakiusap ang narinig niya mula sa mga ito, kaya naman para hindi na humaba pa ang lahat at mauwi sa hindi pagkakaunawaan between her and her parents ay pinagbigyan na lang niya ang mga ito.

They were inside the restaurant habang hinihintay nila ang bisita ng kaniyang pinsan. She thought that she's going to get bored pero hindi iyun nangyari dahil nang malaman ni Lucas na nasa Manila siya ay wala nang tigil ito sa pagtawag sa kaniya.

Hindi naman niya maaaring hindi sagutin ang tawag nito dahil sa ang reason naman ng pagtawag nito ay tungkol sa ibinigay niyang mga papeles. She told him to, not hesitate on calling her kapag hindi nito naintindihan ang nakasulat sa mga papeles. At mukhang lahat na yata ay hindi nito naintindihan.

"Ahhh," ang sagot nito sa kaniya.

"So okey na ba ang lahat?" ang tanong niya rito.

"Okey, okey, okey," ang sambit nito sa kaniya.

"Okey, I have to hung-up," ang kaniyang sabi kay Lucas at nagpaalam na siya rito.

Pinindot niya ang kaniyang phone at isang mahinang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at ibinalik niyang muli ang kaniyang phone sa kaniyang maliit na handbag.

"Sino ba yang tawag nang tawag sa iyo ija?" ang tanong ng kaniyang daddy sa kaniya habang hawak ng kanang kamay nito ang isang wine glass. They were having their pre-dinner drink while they are waiting for their guest.

"Yung client ko po," ang kaniyang sagot.

"Ugh, that man again," ang mahinang sambit ngunit mababakas ang inis sa boses ng kaniyang mommy habang nakaupo ito sa kaniyang tabi.

"Why does he kept on calling you? Hindi mo ba sinabi na nasa isang family dinner ka?" ang tanong ng kaniyang daddy sa kaniya at ito man ay naringgan niya ng pagkainis sa boses nito.

"I told him that my lines would be open for him and he can call me anytime, dad," ang kaniyang pagmamatigas na sagot sa kaniyang daddy.

"Masyado naman yatang demanding ang kliyente mo ija, at masyado mo siyang binibigyan ng oras, you have to set boundaries, hindi ka dapat laging available sa kliyente mo," ang dugtong pa ng kaniyang daddy sa kaniya.

"I'll do things my way," ang mahina niyang sagot dito. At sandaling sumulyap siya sa kaniyang daddy at sinalubong niya ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

She wanted to tell them na hindi niya lang kliyente si Lucas, kundi kaniya nang business partner para sa unang business venture niya. Pero hindi na niya ginawa pang sabihin ang tungkol sa bagay na iyun sa pagkakataon na iyun. Alam niya na hindi iyun ang pagkakataon na mag-usap sila ng kaniyang mga magulang tungkol sa kaniyang negosyo lalo pa at nasa labas sila ng kanilang bahay at nasa harap nila ang pinsan.

Tumikom ang labi ng kaniyang daddy. Halatang hindi nito nagustuhan ang kaniyang isinagot. But she was forced to answer lalo pa at hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito kay Lucas. Especially when he's not here to defend himself from their antagonism.

"So Emerson, parating na ba ang guest natin?" ang tanong ng kaniyang mommy kay Emerson habang may malapad na ngiti sa labi nito.Nang muli niyang narinig ang kaniyang telepono na magring at natigilan ang lahat ng kasama niya sa lamesa. She could feel three pair eyes staring at her.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon