Chapter 29

1K 83 38
                                    


Galit na sinuntok ni Lucas ang scaffolding nang tatlong beses para mailabas niya ang init na namuo sa kaniyang ulo at ang masidhing damdamin na kaniyang naramdaman sa kaniyang dibdib.

Para siyang bulkan na sasabog nang sandali na iyun dahil sa labis na sakit na kaniyang nararamdaman kaya naman hindi na niya naisip pa kung ano'ng kaniyang ginawa at galit at buong gigil niyang pinagsusuntok ang manipis na scaffolding.

Ngunit huli na nang mapagtanto niya ang kaniyang ginawa at nag-umisang yumugyog ang maninipis na bakal at unti-unti iyong bumigay.

"Lagot," ang kaniyang sambit at dali-dali niyang niyakap ang babagsak na scaffolding ngunit huli na nag lahat. Tuluyan nang bumigay ang scaffolding kung saan nakapatong lang ang speaker na tuluyan nang bumigay at nahulog. At dahil sa pilit niya itong sinalo ay bumagsak sa kaniya ang scaffolding kasama ng speaker na tumama sa kaniyang kanan na braso. At lumikha ng malakas na ingay ang pagkakabagsak ng scaffolding kaya naman nakuha ang atensiyon ng mga kalahok at mga organizer ng tournament na dali-dali na lumapit sa kaniya. at ilan sa mga ito ay sina Rauke, Carlos, Alaric, at Canaan na kasama sa mga kalahok sa tournament at dali-dali itong nilapitan siya.

"Lucas!" ang sabay-sabay na sigaw ng mga ito ng kaniyang pangalan habang nakahiga siya sa lupa at hindi siya makagalaw sa sakit na kaniyang ininda sa kaniyang braso at tagiliran.

Dali-dali na inalis ng mga ito ang mga nakadagan sa kaniyang nakalas nang mga parte ng scaffolding at ang speaker naman ay gumulong sa kaniyang tabi.

"Huwag kang tatayo," ang sabi ni Rauke sa kaniya habang nakaluhod ito sa kaniyang tabi.

"Ugh, ang...sakit...putcha ang sakit ng braso ko!" ang sigaw niya at napangiwi siya sa sakit. At kahit pa gusto niyang hawakan ang kaniyang makirot na braso ay hindi niya nagawa dahil parang naging gulaman ang kaniyang katawan at buo niyang kalamnan na tuluyan na siyang nanlambot habang kumikirot sa sakit ang kaniyang brasong nabagsakan ng speaker na nais niyang saluhin.

"Ano na naman ba kasing katangahan ang ginawa mo at nabagsakan ka ng scaffolding?" ang tanong sa kaniya ni Carlos na yumukod sa kaniya para tingnan siya.

"Puwede ba?" ang kaniyang angal sa kaibigan na alam niyang pilit nitong idinadaan sa biro ang kaniyang natamong aksidente. Pero hindi ang sakit sa kaniyang katawan ang kaniyang iniinda kundi ang kaniyang ego. Alam niyang makikita siya ni Presley sa ganung kalagayan at ayaw niyang makita siya nito sa kaniyang kahinaan at kababang kalagayan.

Ipinikit niya ang talukap ng kaniyang mga mata para hindi niya makita ang mga taong nag-umpisa nang nagsipaglapitan sa kaniyang direksiyon. At narinig na niya ang mga boses na tinatanong kung anong nangyari. Pero nanatili na tikom ang kaniyang bibig. Ayaw pa muna niyang umamin sa kaniyang kahihiyang nagawa. At ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata at pinakinggan ang komosyon sa kaniyang tabi at narinig niya ang pagtawag ng ambulansiya na mayroon nang nakaabang sa labas ng arena bilang paghahanda sa kung anuman na aksidente sa rodeo. At mukhang siya ang gagamit nito sa pagkakataon na iyun. laking pasalamat na lang talaga niya na naroon agad ang kaniyang mga kaibigan.

"Kaya mong gumalaw? O tumayo?" ang tanong ni Canaan sa kaniya. At gagawin niya ang lahat kahit na gumapang siya o lagyan siya ng tukod para lang makatayo at ayaw niyang makita siya ni Presley at ni Haiden sa ganung sitwasyon.

"Ugh...kakayanin ko," ang kaniyang nakangiwing sambit at pilit niyang iikot ang kaniyang katawan para makabangon siya.

"Huwag mong pilitin Lucas, nandito na ang medic," ang narinig niyang sabi ni Alaric pero umiling ang kaniyang ulo.

"Tatayo ako!" ang pagpupumilit niya at nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay nakita niya ang apat na kaibigan na nakatayo sa kaniyang tabi, nakayuko ang mga ulo nito sa kaniya, habang nakapamewang ang mga ito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now