Chapter 10

1.2K 77 22
                                    


Tiningnan ni Lucas ang kaniyang sarili sa harapan ng salamin habang nasa loob siya ng kaniyang silid. Nakapaligo at nakapag-bihis na siya para sa kanilang meeting ni Presley sa hapon na iyun. Alas-dos man ang usapan ay naisip niyang magtungo nang mas maaga. Hindi ba dapat hindi nahuhuli ang lalaki sa isang date? O meeting? Ang kaniyang sabi sa sarili.

Isang plain white shirt ang kaniyang suot na tinernuhan niya ng maong na bootleg jeans at siyempre ang pinakintab niyang cowboy boots. Kunot ang kaniyang noo na tiningnan niya ang kaniyang buhok na sinuklay niya at hinayaan niyang matuyo ang hibla ng hangin sa iba't ibang direksiyon.

Hindi naman kasi niya alam kung ano ba ang dapat niyang suotin sa isang meeting. Ang tanging alam niyang isuot ay ang kaniyang working clothes na pang araw-araw at ang walang suot sa gabi. Iyun lang ang attire na alam niyang isuot.

"Magsusuot ba ako ng amerikana?" ang kaniyang pagkausap sa kaniyang sarili sa kaniyang imahe sa salamin. Ugh, ayaw naman niyang magmukhang trying hard na magpa-impress kay Presley. Ayaw niyang magpanggap sa isang katauhan na hindi naman siya.

"Hay puwede na ito, hindi ba sabi naman nila na kahit punit-punit ang damit ang importante ay malinis? Saka magandang lalaki na ang nagsusuot hindi na mapapansin ang damit," ang pagkausap pa niya sa kaniyang sarili. at muli niyang pinasadahan ng kaniyang mga daliri sa kamay ang kaniyang buhok bago niya dinampot na muli ang envelope na naglalaman ng papel na kaniyang dinala para basahin ni Presley at saka siya lumabas ng kaniyang silid at pagbaba niya ng hagdan ay agad niyang hinanap si nanay Lucing para magpaalam bago siya umalis. At kaniyang tinunton ang kusina na alam niyang paboritong lugar ni nanay Lucing sa buong kabahayan.

At hindi nga siya nagkamali. Nakatalikod ito sa kaniya habang abala ito sa pagpupunas ng mga plato na bagong hugas nito na ibabalik naman nito sa eskaparate. Ang noong payat nitong katawan noong medyo bata pa ito ay unti-unting pinabilog ng panahon. At ang mahaba nitong buhok noon na dati ay itim na itim ay natabunan na ng kulay puti. At napili na rin nitong ipagupit nang maikli na aabot na lamang sa batok nito ay laging nakatali ng bandana para hindi pumunta sa mukha nito at maabala ito sa mga gawain. Ang hindi lamang nagbago kay nanay lucing ay ang palaging nakangiting mga labi nito sa tuwing siya ay babatiin at titikom naman iyun kapag nagtitimpi ito ng galit sa kaniya sa tuwing nagiging pasaway siya.

"Nay!" ang masayang bati niya mula sa likuran nito habang naglalakad siya papalapit.

Bahagyang pumihit ang katawan nito para lingunin siya at isang malapad na ngiti ang isinagot nito sa kaniya.

"O! may kailangan ka?" ang tanong nito sa kaniya habang patuloy na abala ang mga kamay nito sa pagpupunas ng mga plato.

"Alis na ako nay, punta po ako ng Pedrosa," ang kaniyang pagpapaalam at tumayo siya sa tabi nito. Saka naman huminto sa ginagawa nito si nany Lucing at pinasadahan siya ng mga mata nito.

"Para saan ang lakad mo? May ka-date ka?" ang tanong nito sa kaniya habang nakapamewang ang isa nitong kamay sa bewang nito.

"Wala po nay, may meeting po ako sa abogado ko na si Presley," ang nakangiti niyang sagot dito.

Nakita niyang kumunot ang noo ni nanay Lucing at muli siyang pinasadahan ng mga mata nito.

"Tama ba ang suot mo? Sabi mo meeting?" ang tanong sa kaniya ni nanay Lucing na parang bubuyog na inukutan siya para sipatin ng mga mata nito ang kaniyang hitsura.

"Saka iyang buhok mo bakit ganiyan gulo-gulo, sinuklay mo ba iyan?" ang tanong pa nito sa kaniya na may bahid na tono na pinagalitan siya nito.

"Style yan nanay," ang kaniyang nakangiting sagot dito nang suklayin ng mga daliri ni nanay Lucing ang kaniyang buhok.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now