Chapter 9

1.1K 75 29
                                    


Wala pa siyang tinatanggihan na kliyente. Gaano man kahirap ang kaso na kaniyang hahawakan ay hindi siya tumatanggi at kahit pa halos wala na ring ipambayad sa kaniya ang pamilya na lumalapit sa kaniya, basta alam niyang kailangan ng kaniyang tulong ay tinutulungan niya at hindi niya tinatanggihan.

Mukhang si Lucas Malvar ang unang taong kaniyang tinanggihan at sa rason na sinabi na rin niya kanina.

"Ugh," ang kaniyang sambit habang nagmamaneho siya at papalapit na ang kaniyang sasakyan sa kanilang bahay sa Pedrosa.

Was she being childish? Ang tanong niya sa kaniyang sarili. Hindi ba dapat ay nakahiwalay ang kaniyang personal na buhay o nararamdaman sa kaniyang trabaho?

"Ugh bakit ba kasi buwisit na buwist siya sa Malvar na iyun!" ang malakas na tanong niya sa kaniyang sarili. at inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa harapan ng kanilang gate at pinindot niya ang remote para sa kanilang automatic gates para pagbuksan niya ang kaniyang sarili. at ipinasok niya ang kaniyang sasakyan at doon na niya napansin ang isang sasakyan na hindi pag-aari ng kanilang pamilya. Sa logo na nasa harapan nito ay naghuhumiyaw na mamahalin ang sasakyan at bagong-bago ito.

Kumunot ang kaniyang noo saka siya bumaba ng kaniyang sasakyan. Muli pa muna niyang tinapunan ng tingin ang sasakyan bago siya pumasok sa loob ng kanilang bahay at doon na niya nakita sa kanilang living area ang kanilang bisita at ang nagmamay-ari ng mamahalin na sasakyan.

"Ija! Mabuti at dumating ka na, you're just in time for dinner at dinalaw tayo ni Emerson," ang masayang bati sa kaniya ng kaniyang mommy pagkapasok niya sa loob ng bahay at bumati nga sa kaniya ang mukha ng kaniyang pinsan na lalaki na kaninang umaga lang ay puring-puri ng kaniyang mga magulang.

"Nice to see you again cousin," ang nakangiting bati ni Emerson sa kaniya at tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa sofa para salubungin at batiin siya ng halik sa kaniyang pisngi.

Isang pilit na ngiti ang isinagot niya sa pinsan at tinanggap niya ang paghalik nito sa kaniyang pisngi bago niya mabilis na inilayo ang kaniyang sarili rito.

"Uhm, it's...good to see you again," ang kaniyang pagbati na binigyan niya ng buhay para naman hindi mahalata na wala siyang sigla na makita ang pinsan niya.

"Sinadya talaga niya na dalawin tayo anak at nakita mo ba ang bago niyang sasakyan sa labas?" ang sabi ng kaniyang mommy na nakaupo pa rin sa sofa katabi ng kaniyang daddy.

"I saw it, it was screaming expensive and brand new," ang kaniyang walang buhay na sagot. Habang nanatili pa rin siyang nakatayo at nakaharap sa sofa kung saan nakaupo ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang pinsan na lalaki.

"Yup, purchased it just this afternoon and naisip ko agad si uncle Ponce na itest-drive namin ito lalo pa at maganda ang highway rito sa Pilar kaysa sa Manila," ang sagot nito sa kanilka na may ngiti sa labi nito na nagpapakita ng mga puti at pantay nitong ngipin.

Huh, alam naman niya na dinala nito ang sasakyan sa kanilang bahay para ipagyabang sa kanila at ipamukha sa kaniya na kaya nitong bumili ng mamahaling brand ng gamit na walang anumang mana mula sa kanilang lolo, ang sabi niya sa kaniyang sarili.

"Ganun ba, well ingat na lang sa pagdidrive ninyo," ang sabi niya sa mga ito.

"Mukhang malaki ang bayad sa iyo ng client mo ah, at afford mo agad na makabili ng property at luxury car?" ang masayang tanong ng kaniyang daddy sa kaniyang pinsan na si Emerson.

"Uh yes tito, isang kilalang pamilya ang kumuha ng aking professional expertise bilang legal counsel nila sa kanilang business," ang sagot nito na hindi na pinangalanan pa kung sinong kilalang pamilya at kung anong business ito. Well mas mabuti na iyun at wala naman siyang balak na pakinggan ang paglitaniya ng kayabangan ng kaniyang pinsan.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon