Chapter 49

1.2K 95 58
                                    

“Anak, Diyos ko…hindi mo ito kailangan na gawin,” ang naluluhang pakiusap ng kaniyang mommy sa kaniya na hindi na huminto ang pagpatak ng mga luha sa mata nito buhat nang sabihin niya na magpapakasal na siya kay Haiden.

“I have to, mommy, I have to honor the contract and our family name,” ang giit niya sa kaniyang mommy habang nakaupo siya sa backseat ng sasakyan ng kaniyang daddy.

Patungo na sila ng Manila para doon ay mag-stay ng ilang araw para paghandaan ang engagement party nila ni Haiden. Bago pa siya bumaba ng bahay ay nagawa na niyang tawagan s Haiden para sabihin na pumapayag na siyang magpakasal dito para tuparin ang kasunduan.

Nabakas niya sa boses nito ang pagkagulat dahil noong una ay gumawa pa siya nang paraan para hindi matuloy ang kanilang kasal. Pero nang sabihin niyang wala siyang ibang pagpipilian at ayaw niyang madungisan ang kanilang pangalan. At umaasa siyang tinanggap ni Haiden ang kaniyang sagot dito.

She just needed to buy some time at makakawala rin siya sa kuko ni Haiden. Umaasa lang siya na sa panahon na kasal siya kay Haiden ay mananatili ang pagmamahal sa kaniya ni Lucas at handa siyang tanggapin nitong muli sa kaniyang pagbabalik. Pero gayunpaman, kung makahanap man ito ng ibang babaeng iibigin…masakit man ay kaniya itong tatanggapin dahil sa siya naman ang nagtulak dito papalayo.

Mamahalin na lamang niya si Lucas sa pamamagitan ng mga ala-ala nito. At lumapat ang kaniyang palad sa kaniyang puson habang ang kaniyang mga mata ay nakatanaw sa labas nang bintana.

“Pero paano si Lucas anak? nagmamahalan kayong dalawa, ayaw namin na pareho kayong magdusa, lalo ka na…hindi ka magiging masaya anak, punatahan mo na si Lucas at sumama ka na sa kaniya habang may oras pa, jayaan mo na kami…hayaan mo na ang Sevilla at ang titulo na ating dinadala,” ang giit ng kaniyang daddy sa kaniya.

“Na… nakapag-usap na po kami ni Lucas,” ang matipid niyang sagot. At kahit pa pinag-isipan na niya nang husto ang kaniyang gagawin ay, nanatili pa ring masakit ito sa kaniya at ramdam niya ang muling paninikip ng kaniyang lalamunan. Itinuon na lamang niya ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana at pinagmasdan niya ang kaniyang pinagmulan na kaniyang unti-unting iniiwan katulad nang kaniyang gagawin kay Lucas. Ngunit ang pagkakaiba lamang ay, may Pedrosa pa siyang babalikan, ngunit isang Lucas Malvar? Iyun ay walang kasiguraduhan.

“Tama ang daddy mo Presley, anak…ayaw naming makita kang miserable ang buhay sa piling ng lalaking iyun!” ang pakiusap ng kaniyang mommy sa kaniya na patuloy pa rin sa pagluha.

“Buo na po ang aking pasya mommy,” ang kaniyang sagot, “kakayanin ko po ito.” At namayani na ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan na minamaneho ng kaniyang daddy hanggang sa maabot nila ang Manila.

***

“Sir Haiden?” ang sambit ng sekretarya nito nang buksan nito ang pinto ng kaniyang opisina at bahgayang ipinasok nito ang kalahati ng katawan sa siwang na pagkakabukas ng pintuan.

“Yes?” ang kaniyang sagot habang abala siya sa pagbabasa ng mga pangalan ng mga member ng Peerage na kaniyang balak na imbitahin sa kasal nila ni Presley.

“Your appointment sir, nandito na po si Mr. Ishmael Rubio,” ang sagot sa kaniya ng kaniyang secretary at mabilis niyang iniangat ang kaniyang mukha mula sa pagkakatungo niya sa papel na kaniyang hawak sa kaniyang kamay.

“Let him in, and…yung coffee?” ang paalala niya sa kaniyang secretary na pagtango ang isinagot sa kaniya at tahimik itong lumabas. At hindi nagtagal ay humakbang papasok sa loob ng kaniyang opisina ang isang mestisuhin na lalaki. Hindi niya ito personal na nakausap dahil sa, sa telepono lamang ito nagpa-schedule ng appointment. At iyun lamang ang pagkakataon na makita niya ito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now