Chapter 19

1K 71 32
                                    

Totoong pinaghandaan niya ang araw na iyun. Kahapon pa lang ay tumulong na siya kay nanay Lucing na ihanda ang bahay para sa pagdalaw ni Presley sa kaniyang bahay.

Alam naman ni Lucas na hindi maarte si Presley. Pero nang sabihin niya kay nanay Lucing at pinakiusapan niya na maghanda ito ng tanghalian ay parang inapuyan ang puwet nito at agad siyang hinagisan ng basahan n aliteral na tumama sa kanyang mukha para simulan niyang linisin ang salas ng bahay.

At kahapon din ay nagtungo siya sa shop ni Seth sa Pedrosa para bumili ng helmet na pambabae. Gusto niya sana magpa-customize pero wala nang panahon kaya naman yung helmet na sa tingin niya ay magkakasya kay Presley ang kaniyang binili. Wala man silang usapan ni Presley na susunduin niya ito ay hindi naman niya mapigilan ang kaniyang sarili na manatili na lang sa bahay at maghintay. At gusto niya na maranasan ni Presley ang sumakay sa motorsiklo at gusto niyang maramdaman ni Presley na safe sumakay sa motorsiklo lalo na kung siya ang magmamaneho at maipadama nya na, nasa mabuting kamay ito.

Kaya naman masaya siya nang makumbinsi at mapapayag niya itong umangkas sa kaniyang likuran. At sa sandali nga na iyun ay ramdam niya na unti-unti nang nagiging komportable ito. Lalo pa at hinayaan na nito ang sarili na dumikit ang katawan nito sa kaniya at ang mga kamay nito ay bumaba mula sa kaniyang mga balikat patungo sa kaniyang bewang. At doon nanatili ang mga iyun.

Kung sa ibang babae siguro kapag gumapang na ang mga kamay nito sa kaniyang bewang ay siguradong tataas na ang kaniyang libido at ibang sakay at pagmamaneho na ang mangyayari. Pero...iba ang kaniyang pakiramdam sa sandaling iyun, habang ang mga kamay ni Presley ay nasa kaniyang mga bewang.

At sa halip na kumulo ang kaniyang dugo nang dahil sa pagnanasa at tumibok ang kaniyang pag-aari ay iba ang kaniyang naramdaman. Hindi niya itatanggi na kukulo at mag-aapoy ang kaniyang dugo kay Presley kung sa sekswal na paraan ang pag-uusapan, pero hindi ganun ang nadarama niya sa sandaling iyun. May kapanatagan ang kaniyang dugo at kapayapaan ang kaniyang dibdib at lumiksi ang tibok ng kaniyang puso.

At binagtas nila ang daan patungo sa Oasis ranch na may ngiti sa kaniyang mga labi. At nang makapasok na sila sa gates ng rancho kung saan magsisimula ang property ng Malvar ay tila ba nakita niya lamang ang kapaligiran ng kaniyang rancho sa unang pagkakataon.

Sa tuwing magtutungo kasi siya sa kabuuan ng rancho ay hindi na niya nabibigyan ng pagkakataon na namnamin ng kaniyang mga mata ang kapaligiran. Ang nasa isipan lang kasi niya ay ang maumpisahan ang trabaho at matapos sa takdang oras. At pagkatapos naman ay magtutungo na siya sa bahay ng kaibigan at sa gabi ay kung saan na lang siya mapapadpad na magkakaibigan.

Kaya naman nang makapasok na sila ng Oasis at habang nasa likuran at angkas niya si Presley ay nabigyan siya ng pagkakataon na makita at tingnan ang rancho sa ibang pananaw.

Napansin niya ang mga nagtataasan na puno sa may dulong bahagi sa kaniyang kanan. Hindi na siya nagagawi pa sa lugar na iyun dahil sa wala namang mga kulungan ng baka sa gawi na iyun. Kung hindi siya nagkakamali na sa likod ng masukal na mga puno ay ikinukubli nito ang sapa na nagsasanga sa kaniyang rancho na Oasis, Highlands, at San Miguel.

Ilang minuto pa ay natanaw na nila ang linya ng mga kabahayan na nasa loob ng rancho. Katulad ng sa mga Kirkland ay binigyan nila ng lupang pabahay ang mga trabahador ng rancho.

"May settlement pala sa inyo?"! ang narinig niyang malakas tanong ni Presley mula sa kaniyang likuran at alam niya na ang tinutukoy nito ay ang pabahay na kanilang nadaanan. Naramdaman niyang dumikit ang helmet nito sa kaniyang helmet dahil sa idinikit ni Presley ang ulo nito sa kaniya para madinig niya ang boses nito. At hindi niya maiwasan na makaramdam ng tuwa dahil sa nagdikit ang kanilang mga ulo kahit pa may helmet na nakapagitan sa kanilang mga mukha.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now