Chapter 32

1.1K 81 45
                                    


Iyun ang unang beses niyang kumatok sa pintuan hindi man sa bahay ng kaniyang liligawan at sa opisina na lamang nito iyun pa rin ang unang beses niyang kumatok at umakyat ng ligaw. At sa likod ng kaniyang kayabangan at kumpinyansa sa sarili ay ang isang lalaking puno ng kaba at insecurity sa katawan.

Ngunit nang makita na niya ang gulat na mukha ni Presley ay kahit papaano ay nabawasan ang daga sa kaniyang dibdib lalo na nang kumurba ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

"Hi," ang kaniyang nakangiting tanong kay Presley habang nakadikit pa rin ang kaniyang telepono sa kaniyang tenga at ganun din naman si Presley. Ngunit ang kanilang mga mata ay nakapako sa isa't isa.

"Nagustuhan mo ba?" ang kaniyang tanong at tumangu-tango naman si Presley. Ngunit biglang kumunot ang noo nito at nabura ang kanina lang ay malapad na ngiti sa mga labi ni Presley sabay patay nito ng teleponong nakadikit sa tenga nito at diretso siya nitong kinausap.

"What do you think you're doing?" ang tanong ni Presley sa kaniya sabay hakbang nito palabas, "akin ba ang mga bulaklak na ito?" ang dugtong pa nito sa kaniya.

"Uh, oo, ayaw mo ba? Hindi mo ba nagustuhan?" ang nag-aalala niyang tanong nang makita niya ang kunot sa noo ni Presley sabay abot niya ng bulaklak at binawi na rin niya ang telepono sa kaniyang tenga at itinago sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon.

"Gusto! I love them!" ang sagot ni Presley sabay kuha ng mga rosas sa kaniyang bisig. At kinarga ni Presley ang mga ito na para bang sanggol sa bisig nito.

"Eh bakit galit ka?" ang kaniyang kunot noo din niyang tanong kay Presley habang pinagmamasdan niya itong hinahaplos ang malalaking bulaklak na kulay pulang rosas at hindi na nga niya alam kung ilang pirasong sing lalaki ng tasa ng kape ang nakuha niyang mga bulaklak. Ngunit hindi naman mapapantayan ang nakita niyang tuwa sa mga mata ni Presley kahit pa may bahid ng inis ang boses nito sa kaniya.

"I told you not to stress your muscles tapos...anong ginamit mo papunta rito?" ang tanong ni Presley sa kaniya at nagpalinga-linga ito sa paligid para tingnan kung anong ginamit niyang sasakyan para makapunta siya roon.

"Nagpahatid ako hindi ako nag-drive papunta rito," ang kaniyang nakangiting sabi kay Presley nang makita niya ang pag-aalala sa mukha nito para sa kaniya.

Napabuntong-hininga si Presley na tila ba nawala ang kaba sa dibdib nito at saka siya nito muling tiningnan sa kaniyang mga mata.

"Good," ang sabi nito sa kaniya sabay tingin muli ng mga mata nito sa hawak na bulaklak at bago nito hinaplos at inamoy.

"Nagustuhan mo ba talaga?" ang kaniyang paninigurado na tanong dito. Hindi niya kasi alam kung mahilig sa bulaklak si Presley. Nagtiwala na lang siya na lahat ng babae ay matutuwa sa mga rosas katulad ng kaniyang mama.

"Oo nga, pero...sabi mo may ipapadeliver kang pagkain?" ang tanong nito sa kaniya.

"Puwede naman ah," ang kaniyang sagot dito. At kinunutan na naman siya ng noo ni Presley.

"Kainin ko itong roses?" ang tanong na sagot sa kaniya nito habang nakataas ang isa nitong kilay sa kaniya.

"Hindi ako," ang kaniyang sagot na may pilyong ngiti sa kaniyang mga labi sabay ng pagkindat ng kaniyang kanan na mata.

At isnag malutong na irap naman ang isinagot sa kaniya ni Presley ngunit ang labi nito ay may matipid na ngiti.

"Halika kumain na lang tayo sa labas," ang sabi ni Presley sa kaniya pero mabilis siyang umiling.

"May ipinadeliver talaga ako na pagkain," ang kaniyang mariin na sabi kay Presley at maya-maya pa ay may tumunog na makina ng motorsiklo papalapit sa kanila. At sabay nilang nilingon si Canaan na may paperbag na hawak sa isang kamay nito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now