Chapter 18

1K 71 41
                                    

Isang simpleng kulay cream na blouse na may kulay pink na maliliit na bilog na disenyo ang at itim na cigarette pants ang isinuot ni Presley para sa umagang iyun. At saka niya tinernuhan ng kulay puting Chucks para sa kaniyang mga paa. At muli niyang itinli ang kaniyang buhok nang mataas para magmukha siyang malinis at maayos.

Isang araw ang lumipas mula nang bumalik sila sa Pilar mula sa kanilang meeting with Haiden sa Manila. At ang araw na iyun ay ang napagkasunduan nila ni Lucas para magkita silang muli sa mismong bahay nito sa Villacenco. She wanted to review the Ranch's oprating costs para makagawa sila ng magandang desisyon sa kung papaano ang magiging role ni Lucas sa itinatatag na partnership nito with Haiden.

Tiningnan niya ang kaniyang sarili sa salamin. At hindi niya maiwasan na hindi bumaba ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga dibdib. Tiningnan niya ang kaniyang sarili habang nakaharap at saka pumihit ang kaniyang katawan pakanan para naman tingnan ang kaniyang side profile particular na ang side profile ng kaniyang mga dibdib.

May umbok naman kahit papaano, pero hindi katulad ng sa babaeng lumapit sa kanilang lamesa sa restaurant sa Manila at kumunot ang kaniyang noon ang hindi man lang natapatan ng kaniyang pares ng dibdib ang isa sa mga ambok nito.

Mukhang mahilig si Lucas sa mga sexy na babae, and what she meant by sexy ay ang mga nag-uumapaw sa dibdib, ang sabi niya sa kaniyang sarili. Kaya naman halata na pinaglololoko lang siya ni Lucas na talagang gusto siya nito, malamang lang na, pinagtitripan lang talaga siya ni Lucas.

Ugh! So bakit apektado siya?! Ang inis niyang tanong sa kaniyang sarili. Wala siyang pakialam kung maliit ang boobies niya at wala siyang pakialam kung wala talagang gusto si Lucas sa kaniya at mas mabuti na iyun! Dahil sa wala rin naman siyang gusto kay Lucas!

Inirapan niya ang salamin at saka niya inalis ang kaniyang sarili sa harapan nito at saka siya naglakad palapit sa may veranda kung saan naroon si Eve. Hinimas niya ang ulo nito at saka niya hinalikan ang ibabaw ng ulo nito.

"Adios Eve, me iré por un tiempo, sé Buena, de acuerdo?" ang malambing niyang bilin kay Eve bago niya muling hinalikan ang ibabaw ng ulo nito at saka niya dinampot ang kaniyang bag para lumabas ng kaniyang silid at may halos dalawang oras siyang pagmamaneho na kaniyang bubunuin patungo sa bahay ni Lucas.

Palabas na sana siya ng kaniyang silid nang marinig niya ang pagring ng kaniyang telepono sa loob ng kaniyang bag. Sandali siyang huminto sa harapan ng nakabukas na pinto ng kaniyang silid at dinukot niya ang kaniyang phone sa loob at nakita niya ang pangalan ni Lucas sa screen ng kaniyang phone.

Pinindot niya ang answer key at saka niya idinikit ang phone sa kaniyang tenga at hindi pa siya agad nakapagsalita ay narinig na niya ang boses ni Lucas sa kabilang linya.

"Presley!" ang pagbanggit nito sa kaniyang pangalan at kahit pa ayaw niya ay hindi naman mapigilan ng kaniyang puso na lumiksi nang marinig na ng kaniyang tenga ang boses nitong parang bumubulong sa kaniyang tenga.

At naalala niya ang babaeng lumapit sa kanilang lamesang may biniyayaang mga dibdib at doon ay kumunot na muli ang kaniyang noo.

"Bakit Malvar?" ang kaniyang iritadong tanong dito.

"Ready ka na?" ang tanong nito sa kaniya.

Tiningnan niya ang oras sa kaniyang relo at dalawang oras pa ang pagitan mula sa napag-usapan nilang oras. Mukhang gusto lang siguro nito na i-check kung pupunta nga siya sa bahay nito sa loob mismo ng Oasis ranch na naitanong na niya ang direksiyon nang maghiwalay sila sa Pedrosa noong tanghali na nakabalik na sila sa Pilar.

"Oo paalis na ako and maybe an hour or two ay nandiyan na ako,"-

"Lumabas ka na," ang putol nito sa kaniya. At nabigla siya sa sinabi nito. Lumabas na siya? Ang tanong niya sa sarili.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now