Chapter 48

1.1K 90 84
                                    


(Note again the conversation was in Spanish but for the reader's sake and mine it will be written in tag-lish form with a hint of Spanish. Thank you)

Pinagmasdan ni Lucas ang hardin na noon pa man ay gusto nang makita ni Presley at isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan saka niya isinuksok ang kaniyang mga kamay sa loob ng harapan na bulsa nang suot nyang pantalon.

Nang makarating siya ay binati siya nang hari ng Monte de Oro o nang kaniyang abuelo. Magalang siyang nakipagpalitan nang pakikipagkamay kahit pa makikita sa mga mata nito na nais nitong mas higit pa sa isang pakikipagkamay ang gusto nitong ibati sa kaniya.

At nang alukin siya nito na makapag-tsaa ay agad siyang tumanggi at hiniling niya na makausap itong agad. At nang tanungin siya nito kung saang parte ng palasyo ba niya gustong mag-usap silang dalawa ay agad niyang hiniling ang hardin. Ito ang lugar na nagpapaalala sa kaniya kay Presley.

Ano kaya ang masasabi ni Presley kapag nalaman nitong, nakapasok na siya sa loob ng hardin na noon pa nito pinapangarap na makita nang personal. Sigurado siyang labis na matutuwa si Presley. Totoo nga ang sinabi nito na, kamukhang kamukha ng hardin sa Oasis ang hardin na nasa kaniyang harapan. Ano kaya ang masasabi nito na kapag nalaman nitong matatas siyang magsalita ng Español? Siguradong hindi ito maniniwala.

Maliit pa lamang siya nang pursigihin siya ng kaniyang mama at papa na makapag-aral siya nang salitang Español. Pra raw kapag dumating ang panahon na magkakaharap kami ng aking abuelo ay makakausap niya ito. Maliit pa siya at hindi pa noon at hindi pa alam ang katotohanan kaya naman sa labis na pananabik ay nagpursige siyang matutong makapagsalita nang wikang Kastila.

At matagal siyang umasa na makakausap niya ito, hanggang sa malaman niya ang katotohanan at doon na siya nagsimulang kamuhian ang sinasabing kaniyang abuelo. At nang namatay ang kaniyang mama at papa ay mas lalong napuno ng galit ang kaniyang dibdib para sa matandang sa tingin niya ay ang kontrabida sa love story ng kaniyang mga magulang.

At sa kaniyang harapan ay unti-unti niyang nakita ang kanilang imahe ni Presley. Nakaupo sila sa wooden benches, ang kaniyang kanan na braso ay nakasampay sa balikat nito habang nakasandig naman ang balikat nito sa kaniyang dibdib at sa mga bisig ni Presley ay ang kanilang anak.

Hindi ako papayag na mapunta si Presley kay Haiden lalo pa at hindi bukal sa loob ni Presley ang pagpapakasal sa lalaking iyun, ang sabi ng kaniyang isipan.

"Son rosas Españolas," ang narinig niyang sambit mula sa kaniyang likuran at agad niyang nakilala ang boses na iyun hindi pa man niya ito nakakausap nang personal. Hindi pumihit ang kaniyang katawan para tingnan ito. bagkus ay nanatili ang kaniyang mga mata sa hardin na nasa kaniyang harapan at unti-unting naglaho sa kaniyang mga mata ang imahe nila ni Presley habang hinihintay niyang makalapit ang hari ng Monte de Oro sa kaniyang tabi.

"Spanish Roses, it depicts the heart of the duchess," ang muling sabi nito sa kaniya. Habang nakatayo ito sa kaniyang tabi.

Hindi siya sumagot at kahit pa naghahabol siya ng oras ay hindi niya magawang makapagsalita nang sandali na iyun nang tungkol sa kaniyang tunay na pakay. Dahil sa may iabng kinikimkim ang kaniyang dibdib na matagal na niyang itinatago sa kaniyang puso at isipan na gusto niyang kumawala.

"Lo siento port u mama y papa," ang malumanay nitong sambit. At doon na parang magma nang bulkan na kumulo ang emosyon sa kaniyang dibdib at sa sandali na iyun ay handa na niya iyong pakawalan at isabog ang kaniyang emosyong matagal na niyang kinikimkim sa lalaking hindi natanggap ang pagmamahalan ng kaniyang mga magulang at maging siya na apo nito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon