Chapter 5

1.4K 62 31
                                    


"You should have come with us ija, I mean...ang ganda ng property na na-acquire ni Emerson at ang laki ng pool na ipinagawa niya just in front of his big house, I mean, he's been practicing law for only a few years pero nakapagpatayo na siya agad ng ganun kalaki na property," ang pagkukuwento ng kaniyang mommy.

"I'm impressed too," ang sabat naman ng kaniyang daddy patungkol sa abogado nitong pamangkin at kaniyang pinsan.

Nagtaas lang siya ng isang kilay habang tahimik niyang hinihigop ang kape sa hawak niyang tasa. Hindi siya nagsalita mula pa nang magsimulang magkuwento ang kaniyang mga magulang patungkol sa achievement ng kaniyang pinsan na lalaki na kasabayan niya lamang sa kaniyang karera sa pagiging abogado.

Alam niya na kaya niyang bumili ng malaking property pero alam din niya na hindi mula sa perang kaniyang kikitain bilang isang abogado but through her inheritance at iyun ay hindi niya gagawin.

Alam niyang naging malaking issue sa pamilya ng mga Sevilla ang huling habilin na kasulatan ng kaniyang lolo na si Attorney Alejandro Sevilla at ipinamana nito ang halos kalahati ng ari-arian nito at ang natitirang kalahati ay ang pinaghatian ng mga anak ni lolo Alejandro.

Hindi niya alam kung bakit iyun ginawa ng kaniyang lolo, ang tanging alam lamang niya ay mahal na mahal siya nito dahil sa siya ang pinakamalapit na apo sa kaniyang lolo mula sa mga Sevilla.

Pero alam niya na gagawin isyu sa kaniya ang kaniyang minana kaya naman hindi niya ito gagamitin at gusto niyang ipakita sa mga ito na kaya rin niyang mabuhay sa sarili niyang kita bilang isang nag-iisang babae na abugadang Sevilla. Alam niya na nakabantay at nakamasid ang mga mata nito sa kaniya at hinihintay lamang siya na gumawa ng isang maliit na pagkakamali para mapulaan siya. At ayaw niyang masabihan na kaya lang siya naka-afford na makabili ng ari-arian ay dahil sa pinamanahan siya ng kaniyang lolo at hindi galing sa sarili niyang pinagpaguran. At ang mga achievements ng mga magpipinsan na Sevilla ay isa sa mga tila contest na namamagitan sa kanila kahit pa hindi lantaran ito sa pagitan nilang magpipinsan. Kaya naman nakaramdam siya ng pagkairita sa kaniyang mga magulang habang nagkukuwento ang mga ito patungkol sa kaniyang pinsan. Kahit pa alam niya na, hindi nito gustong ma-offend siya. Marahil ay bulag lang ang kaniyang mga magulang sa isang tagong tagisan nila ng kaniyang mga pinsan.

Inilapag niya ang hawak niyang tasa sa lamesa at napasulyap siya sa kaniyang tabi kung saan naroon si Eve na nakahiga at matiyagang naghihintay sa kaniyang tabi.

Dinampot niya ang pandesal na nasa kaniyang plato at marahan niyang inihagis iyun sa harapan ni Eve na inamuy-amoy pa muna ang pandesal bago ito kinain.

"Ugh, Presley alam mo naman na ayokong may mga maliliit na piraso ng tinapay na maiiwan sa sahig," ang angal ng kaniyang mommy sa kaniya ngunit malumanay pa rin ang boses nito.

"Ugh sorry gutom na po kasi si Eve," ang kaniyang palusot dahil sa mas nauuna pa itong kumain sa umaga kaysa sa kaniya.

"Kamusta nga pala anak yung case na hinawakan mo lately? Annulment case right?" ang tanong sa kaniya ng kaniyang daddy.

Tumango siya, "uhm yes dad, and like what I have said yesterday na, the annulment was granted to my client," ang kaniyang sagot.

"Tsk," ang pagpalatak ng dila ng kaniyang mommy na halatang hindi gusto ang topic tungkol sa hiwalayan. Her parents were married for years and still they were so inlove and happy together. At kahit pa marami na siyang annulment and nullity of marriages ay naniniwala pa rin siya sa forever dahil sa kaniyang mga magulang at dahil sa kaniyang mga kaibigan na Kirkland na masaya sa buhay na may asawa at pamilya dahil sa natagpuan ng mga ito ang kanilang tunay na minamahal.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon