Chapter 24

1K 75 55
                                    


"Haiden?" ang gulat niyang tanong pagkalapit niya ng kanilang mesa. Tumayo ito mula sa silyang kinauupuan para batiin siya nito. Kung nagulat siya nang makita niya ito ay mas nagulat ang kaniyang mga magulang at pinsan nang malaman ng mga itong magkakilala sila.

"Presley!" ang gulat ding bati nito sa kaniya at naglakad ito palabas sa pagitan ng mesa at silya para lapitan siya nito. At muli ay binati siya nito ng pag-beso sa kaniyang pisngi. Na ikinakunot na ng kaniyang noo dahil sa hindi na niya ito kinakitaan noon nang pangingiyeme katulad noong nagkita silang muli nito at kasama niya si Lucas.

"Magkakilala kayo?" ang gulat na tanong ng kaniyang mommy sa kanila habang may malapad na ngiti sa mga labi nito.

"Uhm opo, tita," ang narinig niyang sagot ni Haiden sa kaniyang mommy nang pumuwesto ito sa kaniyang likuran para hilahin ang silya para sa kaniya at isang mahinang thank you ang sinabi niya rito.

"Really? How?" ang tanong naman ni Emerson nang pareho na silang makaupo ni Emerson sa kani-kanilang mga upuan. Haiden was seating on the other side of the table just opposite hers.

"Siya ang business partner ni Lucas Malvar, ng aking client," ang kaniyang sagot sa kaniyang pinsan.

"Talaga? Ang suwerte naman ni Lucas Malvar at ikaw ang kaniyang business partner?" ang masayang sabi ng kaniyang daddy.

"Maganda ang business proposal that they have constructed," ang nakangiting sagot ni Haiden sa kaniyang daddy ngunit ang mga mata nito ay nakatuon sa kaniya.

"I'm glad you liked it, so pipirmahan mo na ba ang contract?" ang kaniyang umaasang tanong kay Haiden. Kahit pa kasi may business na silang pagtutulungan ni Lucas ay maganda pa rin kung matutuloy ang partnership nito with Haiden. Mas maraming pagkakakitaan mas malaki ang profit na papasok sa Oasis. At matutupad ang layunin ni Lucas na matulungan nito ang mga trabahador sa rancho.

"Of course, as soon as possible sana, but I wanted to visit the ranch too, para naman makita ko ang capacity ng Oasis," ang sagot ni Haiden which is fair naman dahil sa pinoprotektahan din nito ang sarili nitong interest.

"Of course, you should visit Pilar, especially Villacenco tapos doon na kayo magpirmahan ni Lucas ng contract," ang kaniyang suhestiyon.

"That's a wonderful idea ija, then you should accompany Haiden around Pilar especially sa Pedrosa," ang sabat naman ng kaniyang mommy.

"That would be wonderful, kung hindi ako makakaistorbo kay Presley," ang sagot ni Haiden at muli ay nakadirekta ang tanong nito sa kaniya.

Wala namang masama kung sasamahan niya si Haiden na maglibot sa Villacenco at sa Pedrosa. Hindi man na niya trabaho ang i-entertain ito pero hindi naman iyun magiging kalabisan sa kaniya lalo pa at hindi maaasikaso ni Lucas ang paglilibot sa lugar ng Pedrosa at Pilar dahil sa pagiging abala nito sa rancho.

She knows that Lucas is not used to entertaining people at ibang entertainment ang alam nito. Baka pati kung saan na lang dalhin ni Lucas si Haiden, ang sabi pa niya sa kaniyang sarili.

"Of course, I would be much obliged to be your company sa pagdalaw mo sa Pilar," ang kaniyang nakangiting sagot. Sigurado siyang matutuwa si Lucas kapag naisara na nila ang deal with Haiden. Pagkatapos ay magsisimula na rin sila sa kanilang negosyo.

"Oo nga pala, sakto ang pagdalaw mo dahil malapit na ang Ranchers Tournament," ang masaya niyang sabi.

"Ranchers Tournament? Ano iyun?" ang interisado na tanong ni Haiden sa kaniya at kaniya namang inilahad ang once a year na paligsahan ng mga may-ari ng rancho sa Pilar.

"Naku, mukhang mapapahaba yata ang bakasyon ko sa Pilar, but I am excited to see and experience everything, lalo na at ikaw ang tour guide ko," ang masayang sabi ni Haiden sa kaniya. Hindi na siya nagsalita pa at tanging pagtango at pagngiti na lang ang kaniyang isinagot kay Haiden. Pero, hindi lang si Haiden ang mukhang excited nang sandaling iyun.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin