Chapter 34

1.1K 86 38
                                    


Hindi alam ni Presley kung paanong pipigilan ang kuiliting gumagapang sa kaniyang katawan. Isang simpleng pagsusuklay lamang ng mga daliri ni Lucas sa kaniyang buhok ang ginagawa nito. pero bakit iba ang dulot nito sa kaniyang katawan. Mula sa kaniyang anit na may diin na hinahagod ng mga daliri ni Lucas pababa sa pinakadulong hibla ng kaniyang buhok. Ang kiliti ay namuo mula sa kaniyang anit na gumapang sa bawat hibla hindi lamang sa kaniyang buhok ngunit hanggang sa buo niyang kalamnan.

Ang puso niya ay mabilis na tumibok at nakaramdam siya ng panunuyo ng kaniyang lalamunan. Kaya naman nang tuluyan nang maitali ni Lucas ang kaniyang buhok ay kailangan niyang linawin ang kaniyang lalamunan bago siya nakapagsalita.

Pumihit ang kaniyang katawan para harapin niya si Lucas at agad na nagsalubong ang kanilang mga mata at ang kulay asul nitong mga mata ay punong-puno ng emosyon na gusto niyang bumalot sa kaniyang puso kung wala lang siyang agam-agam sa kaniyang isipan.

"Halika, may ipapakita ako sa iyo," ang biglang sabi ni Lucas sa kaniya sabay ikot ng kanan nitong kamay sa kaniyang kaliwang pulsuhan at marahan siya nitong hinila at nagsimula silang humakbang papalayo sa mga kama ng lettuce na halos maubos na rin nila ang laman.

"Saan tayo pupunta?" ang tanong ni Presley at tiningnan niya ang kamay nitong nakaikot sa kaniyang pulsuhan habang naglalakad sila kasama si Eve.

"Basta matutuwa ka rito," ang sagot nito sa kaniya. Sumulyap siya kay Lucas at bahagya pang kumiling ang kaniyang ulo pakaliwa para tingnan si Lucas.

"Ugh, baka mahalay iyan Lucas ha?" ang biro niya kay Lucas na unti-unti na rin niyang natututunan na gawin kay Lucas.

"Kung yung tu-tut ko ang ipapakita kom hindi rito sa mga puno kita dadalhin," ang natatawang sagot nito sa kaniya. Hinila niya ang bisig nitong hawak ni Lucas at hinampas niya ang kanan na braso nito. At isang hiyaw ang pinakawalan ni Lucas na tila ba nasaktan niya ito at hinimas pa ng kaliwa nitong kamay ang kanan nitong braso.

"Arte mo ha, hindi naman iyan yung naaksidente sa iyo," ang kunot noo niyang sabi kay Lucas at kumuyom pa ang kaniyang mga labi. Ngunit tanging mahinang tawa lang ang isinagot sa kaniya ni Lucas.

Muling nagpatuloy ang kanilang mga paa sa paghakbang at naramdaman niyang muli ang kanan na kamay ni Lucas na inabot ang kaniyang pulsuhan pero sinalubong ng kaniyang kamay ang kamay ni Lucas at nagdaop ang kanilang mga palad at natural na naglingkis ang kanilang mga daliri at mahigpit na hinawakan ni Lucas ang kaniyang kamay.

Hindi siya nagsalita wala sa kanilang dalawa ang naglabas ng kung anumang tunog at nanatili ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. At sa katahimikan ay dinama ni Presley ang naramdaman niya nang sandaling magkadaop ang kanilang mga palad. Ibang-iba ang kaniyang nararamdaman nang sandaling iyun kumpara sa naramdaman niya kanina nang sinusuklay ni Lucas gamit ang mga daliri nito sa kaniyang buhok. Kanina ay kiliti at init na nanuot sa kaniyang katawan ang kaniyang naramadaman. Sa sandaling iyun na magkahawak ang kanilang mga kamay, ay ibang init ang bumalot hindi sa kaniyang katawan kundi sa kaniyang puso. Iba ang init na kaniyang naramdaman, init iyun na may dalang kapayapaan at kapanatagan sa kaniyang puso at kaisipan. Tila ba kapag hawak ni Lucas ang kaniyang kamay walang masama ang mangyayari sa kaniya.

Pumasok sila sa tunton ng mga puno na parang pader na nakatabing sa kung anumang nasa likuran nitong kanilang tinutunton. Hanggang sa numipis na ang mga puno at unti-unti nang nararating nila ang bukana at natanaw na niya ang mga kulay pulang kumpol-kumpol na bulaklak.

"Anong meron dito?" ang kunot noo niyang tanong ngunit biglang nalunon ang mga salita na nasa kaniyang bibig nang tumambad na sa kaniyang mga mata ang hardin na ikinukubli ng nagtataasan na mga puno. At napakapamilyar sa kaniya nang hitsura ng hardin na iyun.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora