Chapter 11

1.1K 72 26
                                    

At tulad nga ng kaniyang balak ay maaga niyang narating ang Pedrosa. Kaya naman tulad ng kaniyang ipinangako sa kaniyang nanay Lucing ay nag-isip siya ng maari niyang ipampasalubong o ipang-regalo kay Presley. At dahil sa wala na siyang iba pang maisip na bagay na maari niyang dalhin ay sa isang kilalang kapihan sa Pedrosa na lamang siya dumiretso at naisip niya na bumili na lang ng dalawang kape at tinapay na hindi niya mabigkas ang pangalan kaya itinuro na lang niya kanina sa eskaparate. At gamit ang isa niyang kamay sa pagbalanse ng manibela at ng kaniyang take-out ay pinaandar niya ang kaniyang motorsiklo patungo sa opisina ni Presley na kaniya pang natatandaan noong sadyain nila iyun noon ni Rauke nang may ipagawa rin itong mga dokumento.

At mula sa kalayuan ay nakita na niya sa kaniyang harapan ang pamilyar na sasakyan ni Presley. Kilala na niya pati ang numero ng plate number nito. At sa likod ng kaniyang suot na itim na helmet ay hindi niya napigilan ang ngumiti. Pinagmasdan niya ang andar ng sasakyan nito. May katamtaman iyun na bilis. Ang sarap siguro na ipagmaneho ng isang Attorney Presley Sevilla, ang sabi ng kaniyang isipan.

Nakita niyang huminto ito sa harapan ng isang mababang building na siyang opisina nito. At siya naman ay dali-dali ring pinaandar ang kaniyang motorsiklo at inihinto niya ang kaniyang motorsiklo sa tabi ng sasakyan nito sa bahagi ng driver side. Naabutan niya na nagbukas ito ng pinto ng driver side at saktong inihinto niya ang kaniyang motorsiklo.

Natigilan si Presley na bumaba ng sasakyan nito habang siya naman ay ibinaba niya ang kaniyang mga paa sa sementadong parking lot at hinubad niya ang suot niyang helmet. Hinayaan niyang gulo-gulo ang kaniyang buhok at inilapag niya ang hawak na helmet sa kaniyang kanan na hita at isang ngiting patagilid ang ibinati niya kay Presley at itinuon niya ang kaniyang mga kulay asul na mga mata rito. At nakita niyang natigilan ito at nanatili lang na nakaupo sa driver seat habang nakapako ang mga mata sa kaniya.

"Hi Presley," ang nakangiting bati niya sa mababang baritono ng kaniyang boses. At nang nanatili lang itong nakatingin sa kaniya at hindi ito kumibo ay isnag mahinang tawa ang kaniyang pinakawalan at pinaningkitan niya ng kaniyang mga mata si Presley at naging pilyo na ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"O hinay, hinay lang baka matunaw naman ako," ang kaniyang pagbibiro kay Presley na mukhang nagpabalik sa paglipad ng diwa nito. Mabilis na kumurap-kurap ang talukap ng mga mata ni Presley bago bumaba ang mga mata nito sa kaniyang kamay na may hawak ng kaniyang biniling take out na kape at tinapay.

"Malvar!" ang galit nitong sambit at dali-dali itong bumaba ng sasakyan nito habang bitbit ng isa nitong kamay ang malaki nitong balat na bag. Malakas nitong isinara ang pinto ng sasakyan nito bago ito humakbang palapit sa kaniya at hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa.

"Aw!" ang kaniyang hiyaw ng kumunekta ang hintuturo ng kanan nitong kamay sa kaniyang kaliwang sentido.

"Ano na naman ba ang ginawa ko? Binati ka lang ah?"! ang kaniyang angal kay Presley na tumikom muna ang mga labi bago siya sinagot nito.

"You're driving a motorcycle with one hand? Nababaliw ka na ba?" ang gigil na tanong nito sa kaniya at itinuro ng mga mata nito ang kapeng hawak niya.

"Oo matagal na akong baliw, baliw na baliw sa iyo,"-

"Tigilan mo nga ako Malvar!" ang mariin na sagot nito sa kaniya at pinanlakihan pa siya nito ng mga matang sa malapitan ay nakita niya pang lalo ang mahahabang tila mga pamaypay na pilikmata nito.

"Uy, concern siya, labs mo na rin ako," ang kaniyang sagot at mas malapad pang ngiti ang isinagot niya rito.

Umikot ang mga mata ni Presley nang matalim itong umirap sa kaniya, "puwede ba Malvar tigil-tigilan mo nga ako, baka magdilim ang paningin ko sa iyo at mas gugustuhin mo pang mabundol ka na lang kaysa ako ang pumatay sa iyo sa inis."

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now