Chapter 36

1K 84 40
                                    

"May date ba kayo ngayon?" ang tanong ni tatay Kermit at katabi naman nito si nanay Lucing na nakatayo sa may patio nang batiin siya ng mga ito. nahihiya man siyang magpunta at humarap sa ganun na ayos ay wala naman na siyang nagawa at hindi na niya ginawa pang dumaan ng bahay para magpalit ng damit at alam naman niyang nasa mabuting kamay si Eve na iniwan niya sa isang dog kennels na pagmamay-ari ng vet nito sa Pedrosa.

Kaya naman humarap siya sa lolo at lola nina Lucas na naka-dress at nakahigh-heeled strappy sandals with matching make-up on her face.

"Uhm, w-wala po tatay Kermit," ang kaniyang nahihiyang sagot. Baka kasi isipin ng mga ito na may date sila ni Lucas at hindi siya sinipot nito.

"Halika pumasok ka muna at hindi na maganda ang panahon," ang pag-imbita sa kaniya ni tatay Kermit at tumango pa ito para sumunod siya papasok sa loob ng bahay. Pero mabilis siyang umiling, mukha naman kasing walang Lucas na nasa loob ng bahay ng mga ito.

"Dito na lang po ako tatay Kermit, salamat po, si Lucas po kasi talaga ang pakay ko, pasensiya na po kung nakaabala ako sa inyo lalo pa at masama na ang panahon," ang paghingi niya ng paumanhin sa mga ito.

Napaatras naman ang ulo at napakunot ang noo ng dalawang matanda na kaniyang kaharap bago umiling ang mga ulo nito bilang pagtanggi.

"Naku, hindi ka nakakaabala at hinding-hindi ka makakaabala sa amin, laging bukas ang bahay para sa iyo," ang sagot naman ni nanay Lucing sa kaniya.

"Tsk, aba lokong Lucas iyun ah, may usapan ba kayo na magkikita kayo?" ang tanong ni tatay Kermit sa kaniya at nabakas niya ang dis gusto sa boses nito. Mukhang mapapagalitan nang husto si Lucas nang dahil sa kaniyang biglaan na pagdating.

"Ay naku tatay hindi po," ang mariin niyang sagot kasabay nang mabilis na pag-iling ng kaniyang ulo.

"Uh ganun ba? Eh alam ba niya na darating ka? Hindi ka ba niya dapat kasama ngayon? Kasi umalis siya kanina pa at doon daw siya kina Carlos at may selebrasyon daw sila," ang sagot ni nanay Lucing sa kaniya.

"Aba talaga namang ngayon ko lang kinakitaan ng ganun katuwa ang apo namin na iyun," ang dugtong pa ni nanay Lucing patungkol kay Lucas

Isang lihim na ngiti ang gumuhit sa kaniyang pisngi. Celebration? Was he celebrating about them? Ang tanong ng kaniyang isipan at muling napuno ng tuwa ang kaniyang dibdib.

"Uhm, sige po nanay Lucing at tatay Kermit, susunod na lang po ako sa bahay nina Carlos," ang kaniyang sabi sa mga ito at magpapaalam na siya.

"Ay tawagan na lang namin siya para umuwi dito, delikado na ang magmaneho nang ganitong panahon, malakas na ang ulan at alam mo naman sa isang rancho hindi lahat ng kalsada ay patag, baka mahirapan ka," ang sabi naman sa kaniya ni tatay Kermit.

Pero mabilis na umiling si Presley. Gusto niyang sorpresahin si Lucas, tutal naman, nitong mga nakaraan na araw ay ito ang nagpakita ng effort sa kaniya kaya naman gusto niyang bumawi rito.

"Pupuntahan ko na lang po siya tatay Kermit, gusto ko rin po siyang masurpresa," ang kaniyang nahihiya na sagot dahil sa alam na niya ang iisipin ng lolo at lola ni Lucas sa kaniya o sa kanila ni Lucas. At hindi nga siya nagkamali dahil sa nagkapalitan ng mga tingin ang dalawa at isang matamis na ngiti ang iginawad ng dalawang matandang nagpalaki sa lalaking natutunan na niyang ibigin.

"Eh kung iyan ang gusto mo, pero sigurado ka bang kaya mong magmaneho sa ganitong panahon?" ang paninigurado pa na tanong sa kaniya ni tatay Kermit at dama niya ang pag-aalala ng mga ito sa kaniya. Wala rin naman itong pinagkaiba sa kaniyang daddy kanina. At katulad din kanina ay susundin niya ang kaniyang pasya.

"Opo tatay, hindi pa naman po ganun kalakas ang bugso ng ulan," ang kaniyang paninigurado na sagot dito.

"Bakit hindi ka na muna kumain Presley? O di kaya ay uminom na muna ng mainit na kape o tsokolate?" ang alok sa kaniya ni nanay Lucing at kahit pa masarap iyun sa kaniyang pandinig lalo na sa ganun kalamig na panahon ay pilit niya pa rin iyung tinanggihan. Kung mayroon man siyang gustong makasama sa kaniyang pag-inom ng kape o tsokolate ay si Lucas iyun.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu