Chapter 26

1K 73 52
                                    


Kumunot ang noo ni Presley habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa malambot niyang unan. Nanatiling nakapikit ang talukap ng kaniyang mga mata habang nakadapa siyang nakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama. Nang magpatuloy ang pag-ring ng kaniyang teleponong naiwan niyang nakapatong sa ibabaw ng kaniyang side table.

"Ugh," ang kaniyang sambit at maya-maya pa ay naramdaman na niyang sumampa si Eve sa ibabaw ng kaniyang kama at sinimulan nang dilaan nito ang kaniyang mukha.

"Si! Si! Espera amor!" ang kaniyang sambit at hinawi niya ang kaniyang buhok na nakatabing sa kaniyang mukha. At doon na niya iminulat ang kaniyang mga mata at itinulak niya ang kaniyang sarili para lumuhod sa ibabaw ng kama. At nilingon niya ang kaniyang teleponong hindi niya nailagay sa silent kagabi dahil sa nakatulugan niya ang kaniyang pagluha kagabi.

Dinampot niya ang kaniyang telepono habang patuloy sa pagtalon si Eve sa ibabaw ng kaniyang kama. At nang tiningnan niya kung sino ang kaniyang caller ay napabuntong-hininga siya nang makita niya ang pangalan ni Haiden.

Pinindot niya ang answer button at idinikit niya ang kaniyang telepono sa kaniyang tenga.

"Haiden?" ang kaniyang patanong na pagbati sa pangalan nito kasabay ng kaniyang pagtayo at naglakad siya palapit sa pintuan para pagbuksan si Eve na kailangan nang lumabas ng kaniyang silid at ng bahay.

"Ready ka na ba?" ang tanong ni Haiden sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo. Hindi niya inakala na nang sabihin nito kagabi na dadalawin siya nito kinabukasan ay agad-agad na lang itong tatawagan siya at tatanungin nang walang go signal.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at binuksan niya ang nakalock niyang pinto para palabasin si Eve.

"Actually kagigising ko lang," ang kaniyang sagot at hindi niya itinago ang inis sa kaniyang boses. Sabay sara niya muli ng pinto nang makalabas na si Eve.

"I-I'm sorry, akala ko kasi ready ka na, I received a call from Lucas early this morning and he invited me sa kaniyang ranch para raw makita ko ang full operation ng Oasis, lalo na sa slaughter house para makita ko na ang magiging proseso kapag fully operational na ang business namin," ang paliwanag ni Haiden sa kaniya.

Napahinto ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang marinig niya ang sinabi ni Haiden. Tinawagan ito ni Lucas? Tinawagan ba ako ni Lucas? Ang tanong niya sa kaniyang sarili.

"Kaya naman akala ko ready ka na, I assume na kasama ka namin, hindi ka ba nakatanggap ng tawag from him?" ang dugtong pa ni Haiden sa kaniya.

She's not sure kung tinawagan siya ni Lucas, pero kung nagising siya sa tawag ni Haiden for sure ay magigising din siya kung tumawag sa kaniya si Lucas.

"Hindi ko sure, I am sound asleep," ang kaniyang pagsisinungaling.

"So paano ang set-up natin? Sunduin ba kita? I am willing to wait," ang tanong ni Haiden sa kaniya.

Naalala niya ang nangyari kahapon, ayaw na niyang madagdagan pa ang inisiip ni Lucas that she and Haiden were dating.

"Uhm no, mauna ka na sa Oasis, susunod na lang ako," ang kaniyang giit kay Haiden at nilapitan niya ang kaniyang closet para maglabas ng kaniyang isusuot na damit.

"Are you sure? I am willing to wait naman talaga Presley," ang giit ni Haiden sa kaniya.

Yup, pero ayoko nang makasama kita sa iisang sasakyan, ang sagot ng kaniyang isipan.

"No really Haiden, mauna ka na sa Oasis, para naman kahit isa sa atin ay naroon na, nakakahiya kay Lucas kung paghihintayin natin siya lalo pa at nag-abala siyang imibitahan tayo," ang kaniyang sagot at hindi siya sigurado sa kaniyang sinabi. Malamang na si Haiden lang ang tinawagan nito at ang gusto nitong makasama sa umaga na iyun, ang sabi niya sa sarili.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें