Chapter 39

1.4K 97 38
                                    


"Are you sure you're okey with this?" ang nakangiting tanong ni Presley habang nakaupo siya sa silya sa harapan ng dining table sa kusina ng bahay ni Lucas.

Sandaling huminto si Lucas sa ginagawa nito at saka pumihit ang katawan ni Lucas para humarap sa kaniya. Kinunutan sita ng noo nito ngunit may pilyong ngiti ang labi nito na laging nagbibigay ng kiliti sa kaniyang puso.

"Duda ka ba sa akin?" ang tanong ni Lucas sa kaniya. Itinaas pa nito ang hawak nitong sandok na tila ba binibgyan nitong diin ang tanong nito sa kaniya.

Mahina siyang natawa at saka siya umiling, "no, alam ko naman na magaling ka,"-

"Napatunayan ko na iyan kanina at... patikim pa lang iyun," ang putol sa kaniya ni Lucas at mas lalo siyang natawa.

"Hindi iyun ang ibig kong sabihin...pero...I won't object about that your honour," ang kaniyang nakangiting sagot at isang kindat naman ang isinagot sa kaniya ni Lucas bago ito muling humarap sa gas stove na nasa harapan nito at nagpatuloy ito sa ginagawa nitong pag-iinit ng ulam na iniwan ni nanay Lucing para kay Lucas.

"Baka kasi pagod ka na, ako na ang gagawa niyan," ang kaniyang giit kay Lucas habang nakatalikod ito sa kaniya. Umiling ang ulo nito at saka nito tiningnan ang rice cooker na nasa ibabaw ng kitchen counter para i-tsek kung maayos ang pagkakaluto ng kanin.

"Ako pa, saka...ikaw nga itong napagod kanina, maupo ka lang at ako ang iyong tagapag-silbi," ang sagot ni Lucas sa kaniya na nanatiling nakaharap sa pinagkakaabalahan nito.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. She rested her right cheek on her folded arms on top of the table as she watched Lucas' back while a smile was pasted on her cheeks.

Pinagmasdan niya ang walang saplot nitong pang-itaas na katawan at sinundan ng kaniyang mga mata ang bawat galaw ng back muscles nito. How his sinewy muscles rippled while he moves his arms to mix the spatula in his hand om the pam on top of the stove.

At naalala niya kung paanong ang mga braso nito ay ginawa nitong tukod sa ibabaw ng kama para suportahan ang sarili nito while he deeply thrusts inside her. At nag-init ang kaniyang mga pisngi at hindi niya naiwasan na kagatin ang kaniyang pang-ibabang labi bago kumurba ang isang ngiti sa kaniyang labi.

"Mabuti at mayroon kayong generator dito sa Oasis," ang kaniyang sambit habang pinapanood niya si Lucas na abala sa paghahanda ng kanilang hapunan.

"Oo matagal na kaming may generator dito sa Oasis, balak ko nga sana na...gayahin yung kina Alaric, yung solar panels na ang gagamitin, kaya," ang sagot nito bago ito sandaling huminto para isalin ang iniit nitong ulam sa isang bowl.

Pumihit ang katawan nito at bitbit ang bow ng mainit at mabangong ulam na may gata ay naglakad ito papalapit sa lamesa.

"Kaya kailangan ko na makapag-ipon ng pondo para doon," ang dugtong nito pero biglang nakitaan niya ng lungkot ang mukha ni Lucas saka ito nagbuntong-hininga.

"Kaya lang mukhang matatagalan pa na mangyari iyun, malaki rin ang nawala sa amin dahil sa bagyong ito, baka...hindi ko maibigay kay Haiden ang hinihingi niyang supply ng karne," ang malungkot nitong sabi sa kaniya habang nakatayo ito sa kaniyang tabi.

Isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng silya at saka niya hinawakan ang kamay nito at nagdaop ang kanilang mga palad. At iniangat ni Lucas ang kaniyang kamay palapit sa bibig nito para gawaran ng halik ang likod ng kaniyang kamay.

"Maiintindihan naman ni Haiden ang tungkol dito Lucas, this is a natural catastrophe na hindi maiiwasan, I don't think na ganun kakitid ang utak niya para hindi niya matanggap o maintindihan ang reason mo," ang giit niya kay Lucas.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora