Chapter 20

1.1K 68 29
                                    


Inilapag ni Presley ang wooden tray sa ibabaw ng kaniyang office table sa kaniyang opisina. Doon siya dumiretso nang hapon na iyun nang ihatid siya ni Lucas mula sa bahay ng mga ito at gamit na ang jeep nito sa halip na motorsiklo marahil dahil sa may bayong na silang dala. Tiningnan niya ang laman ng kaniyang tray. May aluminum pan na naglalaman ng bibingka, platito, at isang mug ng mainit na kape na mula sa kaniyang coffeemaker.

Tiningnan niya ang bibingka na ipinabaon sa kaniya ni nanay Lucing at hindi niya napigilan ang ngumiti at sinulyapan niya ang bayong na nakapatong sa isa sa mga silya. Akala niya noong una ay nagbibiro lang si Lucas nang sabihin nito na may isang bayong na pabaon sa kaniya na pasalubong si Nanay Lucing kaya naman nang magpaalam na siya rito para magpasalamat sa isang masarap na tanghalian at meryenda ay nagulat siya nang makita niya ang literal na isang bayong na nag-uumapaw ng pasalubong. At nang mapasulyap siya kay Lucas na nakatayo sa kaniyang tabi ay isang malapad na ngiti ang ibinati sa kaniya nito at tinaasan pa siya nito ng mga kilay na tila ba sinasabi sa kaniya na sabi sa'yo eh.

At hindi na niya nagawa pang halungkatin ang loob ng bayong pero alam niya na masasarap na pagkain ang laman nito. pero siyempre inuna na niya ang bibingka na nalaman niya kay Nanay Lucing na paborito rin ni Lucas.

Mukhang marami-rami na rin ang pagkakapareho nila ni Lucas, but it doesn't mean na compatible silang dalawa at hindi rin ibig sabihin na batayan na iyun para magustuhan niya si Lucas.

Naupo siya sa silya at humiwa siya ng bibingka para sa kaniyang unang subo. Napabuntong-hininga siya habang ngumunguya nang malagkit na kakanin dahil sa labis na sarap nito. Hindi naman katakataka na maging paborito nila iyun ni Lucas. Tiningnan niya ang kaniyang computer screen na naiwan pa niyang bukas nang magpadala siya ng email kanina lang kay Haiden para iparating dito na mayroon siyang ipinadalang fax para sa kanilang proposal. Hindi pa ito sumasagot sa kaniyang message marahil ay hindi pa nito nabasa ang ipinadala niyang sulat.

Humigop siya ng kape bago niya nilunok ang kakanin na nasa kaniyang bibig at naalala niya ang naging usapan nila ni Lucas kanina sa bahay nito.

Nabakas niya ang agam-agam sa boses ni Lucas at maging sa mukha nito at nakaramdam siya ng paghanga kay Lucas. Alam niya na malaki ang ego ng mga lalaki. Mataas ang pride na hindi kailanman bababa at aamin sa pagkukulang.

Pero mukhang iba talaga sa lahat si Lucas. Kung paanong hindi ito nangingiyeme na magpakita ng kumpiyansa sa sarili ay hindi rin ito nangingiyeme na magpakita nang kakulangan nito lalo na sa mga bagay na talagang wala itong kaalaman. Inaamin nito at hindi nagkukunwari na alam nito ang lahat ng bagay kaya naman humanga siya sa kababaang loob ni Lucas.

At nang mayroon pa siyang isang naalala na nagpainit ng kaniyang mga pisngi. Naalala pa niya ang sinabi nitong malaki raw ito na magbayad at alam niya na ibang malaki ang sinasabi nito sa kaniya. At naalala niya kung anong pakiramdam nito sa kaniyang palad. Kahit pa mabilis lamang ang pagkakadampi ng kaniyang kamay sa ipinagmamalaki nito, ay naramdaman pa rin niya ang bahagyang matigas na parteng iyun ni Lucas. At naramdaman na naman niyang nag-init hindi lang ang kaniyang mga pisngi kundi ang buo na niyang mukha.

"Erase, erase, erase," ang kaniyang bulong sa sarili. At saka siya sumubo muli ng bibingka at nagsimula niyang harapin na muli ang laptop na nasa kaniyang harapan.

Muli niyang pinag-isipan ang sinabi ni Lucas sa kaniya. Ang agam-agam nito dahil nga sa pagkakataon na iyun ay sila ang gumawa ng proposal para kay Haiden at nakasalalay ang pagkakaroon ng partnership between Lucas and Haiden kung tatanggapin nito ang kanilang proposal.

Eh paano nga kung tanggihan nito? ang tanong ng kaniyang isipan.

"Kaya nga ako nagri-research ngayon," ang bulong niya sa kaniyang sarili habang pinadaanan niya ang kaniyang daliri sa mouse pad ng kaniyang laptop para gumawa ng research tungkol sa mga negosyo na puwedeng maging option at ganun na rin ang mga existing businesses and markets that involves the cow's part na aalisin na nila once na makatay na ang baka.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now