Chapter 33

1.1K 80 34
                                    


Hinayaan ni Presley ang malamig na hangin na humampas sa kaniyang mukha nang gabing iyun. Nagmamaneho na siya pabalik sa Pedrosa pagkatapos niyang ihatid si Lucas at pagkatapos din ng isang masarap na hapunan.

Hinayaan niyang nakabukas ang bintana ng kaniyang sasakyan habang nilalanghap niya ang amoy ng hamog na nagmumula sa damuhan at lupa. Medyo makulimlim nang gabing iyun. Kaya nga kanina ay sa patio na lang nila naisipan na uminom kaysa sa may labas ng bahay. Baka kasi tuluyang bumagsak ang ulan dahil sa madilim na kalangitan. Iyun din ang isa sa mga dahilan ni Lucas kung bakit nagpupumilit ito na ihatid siya pabalik ng Pedrosa dahil sa napipintong sama ng panahon.

Kaya naman para hindi na sila magtalo ay hindi na siya nagtagal pa. Totoo nga ang sinabi niya kay Lucas na hindi niya mauubos ang isang bote ng beer na hawak niya. Para lang hindi na ito mag-alala pa sa kaniya.

Hindi niya puwedeng itanggi na kinikilig siya sa mga ginagawa para sa kaniya ni Lucas. Ang mga bulaklak na binigay nito na hindi niya alam kung paano nito nalaman na kaniyang paborito, ang sabi niya sa kaniyang sarili at tiningnan niya mula sa kaniyang rearview mirror ang mga bulaklak na nasa backseat.

Isang ngiti na may kasamang pag-iling naman ng kaniyang ulo ang sumunod niyang iginawi dahil sa alam niya na mahal ang pagkakabili ni Lucas ng mga ganung uri na bulaklak lalo pa at halos hindi nga mabilang ang mga naglalakihang bulaklak ng Old Spanish Roses ang ibinigay nito sa kaniya. Siguradong hindi mura ang pagkakabili nito ng bouquet of roses para sa kaniya at sigurado rin na sa labas pa ng Pilar nito binili ang mga bulaklak dahil walang flower shop sa Pilar o maging sa siyudad ng Pedrosa na nagbebenta ng ganun na uri ng bulaklak. Kaya naman labis ang kaniyang tuwa nang makita niya ang paborito niyang bulaklak na bitbit ni Lucas para sa kaniya.

At kumunot ang kaniyang noo nang maalala pa niya ang biniling meryenda ni Lucas para sa kanilang dalawa at alam niyang hindi mura ang presyo ng pagkain at kape sa kilalang coffee shop na iyun. Hindi niya maikakaila ang tuwa na nadama niya pero hindi pa rin niya puwedeng ikaila ang kaniyang nadama na panghihinayang lalo pa at nagastusan ng malaki ang si Lucas lalo pa at alam niya na kailangan nito ng malaking capital para makapagpondo sa malaking pangangailangan na baka na kailangan nitong i-supply. Alam niya na kaya nga pumasok si Lucas sa ganung partnership ay para magkaroon ng dagdag na kita at kahit pa alam niya na ginagawa iyun ni Lucas para sa mga manggagawa ng rancho alam din niya na kailangan din naman ni Lucas na magkaroon ng kita. Nakita naman niya ang libro ng rancho at maliit na lang ang kinikita ni Lucas dahil sa malaki ang operating cost at ibinibigay pa nito halos ang lahat ng profit sa mga taga-rancho. It was obvious na ang kinukuha lang ni Lucas na parte ay sasapat lang sa panggastos nito sa bahay at sa pang-araw-araw.

At gusto niyang matulungan si Lucas sa parte na iyun, ang sabi ng kaniyang isipan. Pero hindi lang iyun ang ginagawa o ginawa niya para kay Lucas. Ang labis na pag-aalala niya rito, ang kaniyang pagbabantay sa hospital, ang palagian niyang pagtawag, at ang mga pagkakataon na sinuway niya ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang na hindi niya pa nagawa kahit noon.

Hindi niya alam kung ano bang puwedeng itawag sa kung anong meron sila ni Lucas. Magkaibigan? Magpabusiness partner? Totoo na ba ang panliligaw nito sa kaniya? hindi niya sigurado dahil sa mga pabirong estilo nito. Pero kung ganun lang bakit labis ang saya na nadarama niya sa tuwing nakakasama niya ito? kahit nga boses lang nito sa telepono ay nagpapangiti na siya. Mahal na ba niya si Lucas?

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at sumulyap siya sa madilim na paligid na binibigyan ng liwanag ng mga nagtataasan na poste. Ilang kilometro pa ay lalabas na siya sa property ni Lucas. Si Lucas na kahit pa malaki ang ari-arian ay hindi matatanggap ng kaniyang pamilya nang dahil sa isang pamantayan na kinabibilangan ng kaniyang pamilya. Hindi nito kayang ibigay ang prebilehiyong tinatamasa ng kaniyang pamilya noon pa man.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now