Chapter 17

1K 65 28
                                    

Literal na virgin si Lucas sa sandaling iyun kung ang pagkain sa labas na may kasamang babae ang pag-uusapan. Unang pagkakataon iyun ni Lucas na magyaya ng isang dinner sa isang babae. Kadalasan kasi na ang kasama niya ay sina Rauke, Carlos, at Canaan at madalas ay sa kani-kanilang mga bahay sila kumakain o di kaya naman sa mga karinderya at hindi katulad sa isang magarang kainan na kinaroroonan nila ni Presley sa sandaling iyun.

Madalas na sa loob lang ng silid o kung saang abutin na lugar lang naman siya may nakakasamang babae at ibang kainan pa ang nangyayari.

Nag-iisa lang ang babaeng niyaya niya noon na kumain at hindi pa tahasan na pagimbita ang kaniyang ginawa. Pahapyaw na pagyaya ang kaniyang ginawa noon kay Gab noong samahan niya ito sa Pedrosa para puntahan si Presley tungkol sa yaman ng pamilya nito. Pero, walang dinner na naganap dahil sa hindi na rin naman nagawa pang makakain noon ni Gab dahil sa bigat ng problemang natuklasan nito noon.

Kaya naman ang sandaling iyun ay unang pagkakataon niya. Hindi naman siya kinakabahan o kahit pa makaramdam ng hiya. Ang katotohanan sa sandaling iyun ay masaya siya. Iyun ang kaniyang nararamdaman.

Hindi nga siya gaanong makapamili ng kaniyang kakainin dahil sa hindi niya maalis ang kaniyang mga mata kay Presley na nakaharap sa kaniya at hindi naman siya nangingiyeme na titigan ito.

"Nakapili ka na ba?" ang tanong ni Presley sa kaniya habang nakatungo ito sa hawak na menu bago umangat ang mukha nito para tingnan ito.

"Ikaw pa lang busog na ako," ang sagot niya at isang matalim na pag-irap ang isinagot nito sa kaniya.

Mahina siyang natawan, "hindi pa, may irerekomenda ka ba?" ang kaniyang tanong dito.

Mabilis na tumango si Presley at binuklat nito ang makintab na pahina ng menu at itinuro nito sa kaniya ang isa sa mga nirekomenda nitong pagkain sa kaniya na isa rin sa paborito nitong kainin sa restawran na iyun. Agad naman siyang tumango at hinayaan niyang si Presley ang umorder para sa kanilang dalawa.

Pinakinggan at pinagmasdan niya si Presley kung paano nito tinawag ang waiter at kung paano nito ibinigay ang kanilang mga napili na pagkain na sinamahan pa ni Presley ng isang bote ng beer para sa kaniya. At isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi dahil sa, alam na ni Presley ang kaniyang mga nakaugalian.

At ang pag-order para sa kaniya ni Presley ay hindi ikinabawas ng kaniyang pagkalalaki. Kung ang iba ay mas gusto na sila ang tatawag at gagawa ng order para sa babae dahil sa iyun ang pagpapakita ng pagka-maginoo. Pero para sa kaniya? Mas sexy ang babaeng may sariling isip at desisyon at yung may kakayahan na igiya ka at pamunuan ka sa anumang sandali. Kung baga kay Presley ay alam mong nasa mabuti kang mga kamay sa anumang pagkakataon.

Kasalukyan niyang tinitingnan si Presley nang marinig niya ang ring at maramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang telepono sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon. Binunot niya iyun sa kaniyang bulsa at saka niya tiningnan ang screen ng kaniyang telepono. isang hindi kilalang numero o hindi nakasave sa kaniyang contacts ang tumatawag sa kaniya nang sandali na iyun.

Hinayaan niya lang ang panginginig ang kaniyang telepono hanggang sa tuluyan nang huminto ito at doon na niya muling ibinalik iyun sa loob ng kaniyang pantalon. At sa pagkakataon na iyun ay nagtama ang kanilang mga mata ni Presley na mukhang pinanunuod siya kanina. At napansin niyang nakakunot ang noo nito sa kaniya.

Isang tikom na ngiti ang isinagot niya kay Presley na bumuka ang bibig at mukhang magsasalita na ito nang isang malakas na boses ang tumawag sa kaniyang pangalan mula sa likuran ni Presley kung saan naroon ang direksiyon main door ng restaurant at naglalakad palapit sa kanilang lamesa si Regine.

At napansin niyang lumingon din si Presley sa direksiyon nito at naalis kay Regine ang kaniyang mga mata at napunta kay Presley sa ilang seegundo na tiningnan si Regine na malapad ang ngiti sa mga labi nito habang ang mga dibdib nito ay parang mga bukong gustong kumawala sa loob ng basket.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now