Chapter 51

1.5K 93 45
                                    

Walang buhay na tiningnan ni Presley ang kaniyang repleksiyon sa salamin. Lumipas ang araw na nanatili lamang siya sa loob ng kaniyang hotel room. Ni hindi na niya nagawang kumain dahil sa maisip lamang niya ang pagkain ay gusto na niyang masuka. It's not that she's pregnant, alam niyang hindi pa siya magpapakita ng anumang sintomas kahit na hindi pa rin naman niya nasisigurado na nagdadalang-tao nga siya. Hindi niya magawang kumain dahil sa kalungkutan na bumalot na sa buo niyang katawan at pagkatao.

The energetic and mataray Attorney Presley Sevilla lost her spunk and light. And she's definitely sure that she lost her life the moment Haiden told her na matutuloy ang kasal.

At para na nga siyang patay na nabubuhay man ay wala nang sarilign bait at isip dahil sa kumikilos at humihinga na lamang siya dahil sa gusto ng kaniyang katawan. Patay na ang kaniyang puso at isipan.

At sa sandali ngang iyun ay nakatulala siyang nakatingin sa kaniyang sarili sa malapad na salamin habang pinagmamasdan niya ang kaniyang sarili. Suot niya ang gown na pinili para sa kaniya na kung sa tunay niyang kasal ay siya ring disenyo na kaniyang pipiliin.

It was a vintage Spanish inspired wedding dress with a long train and lace veil that was pinned on top of her head with a sparkly flower tiara headband na pinalamutian ng pinaghalong perlas at diamonds. Hindi niya alam kung saan kinuha ni Haiden ang tiara na iyun at wala na siyang balak pang malaman. Dahil ang gusto na lang niyang mangyari sa sandaling iyun ay ang bumukas ang salamin at lamunin na siya nito at dalhin siya nito sa Villacenco, diretso sa bisig ni Lucas.

At muling nanikip ang kaniyang lalamunan nang maisip niya si Lucas. She wanted to see him again, to see his handsome face and dive into his deep-set blue eyes. She wanted to call him, again, and for the last time listen to his voice that was always teasing but loving at the same time.

Pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Alam niyang nasaktan niya si Lucas at alam niya na kapag nalaman nito ang tunay na dahilan ng kaniyang pagpapakasal ay gagawin nito ang lahat para maisalba siya at iyun ang kaniyang iniiwasan. Ayaw na niyang madamay pa si Lucas sa problemang kaniyang kinasasadlakan lalo pa at alam niyang nangangailangan ng buo nitong atensiyon ang Oasis lalo pa at nakaranas ang rancho nang matinding pagsubok.

At dahil sa mahal niya si Lucas ay hindi na niya dadagdagan pa ang isipin nito. Kung mabigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon at magtagumpay ang kaniyang planong makakalaya rin siya sa kasal nila ni Haiden ay...umaasa siyang tatanggapin siyang muli ni Lucas. At sinalat ng kaniyang kamay ang bracelet na ibinigay nito sa kaniya. Isang pangako ng kanilang wagas na pagmamahalan.

Nahinto ang kaniyang pag-iisip nang marinig niya ang mga katok sa labas ng pinto ng kaniyang hotel room. At binuksan iyun ng mestisang middle aged na babae na na tumulong sa kaniyang pag-aayos. She was kind to her kaya naman kahit papaano ay gumaan ang ordeal ng paghahanda niya para sa kasal na iyun.

At saka niya narinig ang mahinang pag-uusap ng mga boses at kasunod niyun ay ang mga yabag ng sapatos na humahakbang sa kaniyang papalapit.

At hindi nagtagal ay tumambad sa kaniyang likuran si Haiden. Hindi niya ito tiningnan at diretso niyang ipinako ang kaniyang mga mata sa salamin habang si Haiden ay nakatayo sa kaniyang likuran at pinagmamasdan nito ang kaniyang repleksiyon mula sa salamin.

"You're so beautiful," ang narinig niyang sambit nito.

Hinanap ng kaniyang mga mata ang repleksiyon ni Haiden at mula sa salamin ay nagtama ang kanilang mga mata.

"Hindi ba sabi nila na...malas na magkita ang bride at groom bago ang kasal?" ang kaniyang sambit. At isang pagsingasing ang lumabas sa kaniyang ilong.

"Huh, sabagay hindi naman ako naniniwala sa kasabihan na iyun dahil sa...sadyang minalas na ako nang makilala pa lang kita," ang sarkastiko niyang sambit kay Haiden habang nakapako ang kanilang mga mata sa salamin.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now