Chapter 2

2.1K 88 60
                                    


"Uy! Buti pinapayagan ka ni Emeraude na sumama pa sa amin sa gabi? Ha? Hindi ka ba niya pinagbabawalan?" ang tanong ni Carlos kay Rauke. Nasa nakagawian sila na lugar na inuman na pag-aari ni Mang Simon at ilang oras na rin ang inilalagi nila roon. Hindi na nagbago ang kanilang mga nakagawian kahit pa nag-asawa na si Rauke at may pamilya na ito.

"Hindi ka siguro mahal ni Emeraude, kasi...pinababayaan ka lang...ni hindi nagsiselos na baka may iba kang babae," ang sabat naman ni Lucas sa kaibigan bago siya tumungga ng beer mula sa hawak na bote.

"Bakit meron bang babae?" ang tanong ni Rauke sa kaniya habang nakataas ang isa nitong kilay.

"Wala," ang kunot noo naman niyang sagot.

"Iyun na nga, wala, hindi sa hindi ako mahal ni Emeraude, talagang may tiwala siya sa akin, at...sa inyo, na kapag kayo ang kasama ko ay hindi tayo gagawa ng kalokohan, as if naman matitino kayo," ang giit ni Raue.

"Bakit matino naman ako ah?" ang sabat na angal ni Canaan.

"Bakit? Kasi gumagamit ka ng pintuan?" ang sarkastikong sabat ni Carlos kay Canaan na ngumuso na lang at tumungga na lang ng beer at hindi na sumagot pa.

Tumangu-tango si Lucas, "Tama lang na pagkatiwalaan kami ni Emeraude Rauke, hindi sa amin manggagaling ang ikasisira ng relasyon ninyong dalawa at hindi namin siya bibigyan ng dahilan para pagdudahan ka niya o maging kami,"-

"Uy ang ganda nung babae," sabat ni Canaan.

"Saan?" ang biglang tanong niya at nagpalinga-linga ang kaniyang ulo para hanapin ang sinasabi nitong magandang babae.

"Ta'mo," ang sabat ni Carlos.

Umirap si Lucas, "ang punto ko, si Rauke hindi natin hahayaan na mambabae, ibig sabihin sa ating tatlo na agad babagsak ang girl na magkakatipo sa kaniya, ayokong masaktan si Emeraude kaya naman handa akong magsakripisyo, ako na, ipapagamit ko na ang katawan ko mailayo ko lang si Rauke," ang pagpapatuloy pa nito.

"Ulol!" ang natatawang sagot ni Rauke, "kahit pa hindi ka magsakripisyo, wala nang iba pang babae na matitipuhan ko kundi si Emeraude lang at secure siya sa akin kaya walang selos na nagaganap," ang dugtong pa nito.

"Handa ka bang magsakripisyo? Eh paano na si Presley?" ang nakangiting tanong ni Carlos habang nakataas ang isa nitong kilay.

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi at nagkislapan ang kapilyuhan sa kaniyang kulay asul na mga mata saka mabilis na nagtaas-baba ang kaniyang mga kilay.

"Presley is a challenge," ang kaniyang nakangiting sagot, "aray! Ano bah?"! ang hiyaw niya nang kumunekta ang kamao ni Lucas sa kaniyang bumbunan nang konyatan siya nito.

"Ang sakit nun ha?" ang kaniyang angal sa kaibigan habang hinihimas ang kaniyang mahapding bumbunan.

"Anong challenge? Gago Lucas huwag mong pagtitripan si Presley kami ni Alaric at Gab ang tatapos sa iyo,"-

"Huwag kang madamot isama mo kami," ang sabat ni Carlos na nagtaas pa ng hawak nitong bote ng beer bilang pagsaludo.

"Ano ba? Hindi ko naman siya paglalaruan ah?" ang kaniyang angal, "ang gusto ko lang na sabihin ay isa siyang challenge sa akin, saka hindi naman ako seryoso talaga, alam ko naman na wala akong chance sa ganung klaseng babae." Ang dugtong niya bago niya nilagok na muli ang laman ng beer ng boteng kaniyang hawak.

"Kaya pala puro ka lang kalokohan, halata naman, eh bakit ba trip mo siyang buwisitin kung hindi mo tipo? Sa kaniya ka lang ganiyan eh," ang tanong ni Carlos sa kaniya.

"Si Gab ba inaasar ko? Samantalang noon pa siya na talaga ang gusto ko," ang patanong niyang sagot sa kaibigan, "Kulang na nga lang sambahin ko ang lupang kaniyang tinatapakan." Ang dugtong pa niyang pag-iinarte. "Pero, masakit man eh, tanggap ko na, na...kay mapapel na Seth na siya."

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now