Chapter 35

1.1K 87 62
                                    


Presley was smiling to herself habang nakaharap siya sa salamin at nasa loob na siya ng hotel room kung saan siya nakacheck-in at ang kaniya namang parents ay nasa kabilang room katabi ng kaniyang inookupahan. She was ready for dinner at nakapagbihis na rin siya ng kaniyang dress. She put on some make-up and made herself presentable. Iyun lang family and she didn't care less if they are not impressed with her. May isang lalaking gusto lamang niyang magningning ang mga mata at lumapad ang mga ngiti sa tuwing makikita siya at naiwan niya iyun sa Pilar. At siya ang nagbigay ng ngiti sa kaniyang mga labi sa sandaling iyun habang tinitingnan niya ang love bracelet na ibinigay s akaniya ni Lucas kagabi.

Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi nang maalala niya ang maulan na gabi kung paanong inilagay ni Lucas ang love bracelet sa kanyang bisig sa gitna ng ulan. At sa tuwing maaalala niya iyun ay kakaibang tuwa at kilig sa kaniyang puso ang kaniyang nararamdaman. At unang beses niya iyun na naramdaman. Ni hindi nga niya inakala na totoo ang salitang kilig na sa kaniyang mga kaibigan niya lamang nakikita at naririnig. At iyun na yata ang pinakamasarap na damdamin na kaniyang nadarama.

At nang maalala niya ang pagdampi ng kaniyang labi sa pisngi nito ay napapikit ang kaniyang mga mata habang mas dumiin ang pagkakakagat niya sa kaniyang pang-ibabang labi.

"Ganito pala kapag nagmahal ka na," ang nakangiti niyang sambit sa kaniyang sarili. At hindi lang iyun ang nagbigay ng espesyal sa sandali na iyun. It made it more special dahil sa ang love bracelet ay pamana pa ng mama ni Lucas bago pa pumanaw ang mga magulang nito. It was like, they have the obligation na ituloy nila ang pagmamahalan ng kaniyang mga magulang.

Then why aren't you with the man you love? Ang tanong ng kaniyang isipan at inalis niya ang kaniyang mga mata sa bracelet na nasa kaniyang bisig at tiningnan niya ang kaniyang repleksiyon sa salamin na nasa kaniyang harapan. Ang make-up sa kaniyang mukha ang dress na kaniyang suot. Hindi siya dapat naririto, ang bulong pa ng kaniyang isipan.

Mabilis siyang tumayo at tiningnan niya ang oras. It was five in the evening but she could still make it kaya niya pang makabalik sa Pilar bago mag-landfall ang bagyo.

Naglakad siya palapit sa closet at agad niyang inalis ang kaniyang mga damit na hindi naman niya maayos na inilagay sa loob nito. isinuksok niya ang lahat sa loob ng kaniyang overnight bag not giving a damn kung magusot man ang kaniyang mga damit. She didn't even bother na magpalit pa ng kaniyang damit. She was zipping her bag nang makarinig siya ng mga katok sa labas ng pinto ng kaniyang hotel room. And no doubt that it was her parents.

Napabuntong-hininga siya at napahinto siya sa kaniyang ginagawa saka niya tiningnan ang nakapinid na pinto ng kaniyang hotel room. Ang parents niya ang isa pa sa mga balakid na kailangan niyang harapin. Alam niyang hindi magugustuhan ng mga ito ang kaniyang gagawin at ito ang ilan sa pagkakataon na susuwayin niya ang kaniyang mga magulang at dahil iyun kay Lucas.

"Ija, are you ready?" ang narinig niyang sabi ng kaniyang mommy sa labas ng pintuan. Isang buntong-hininga muli ang kaniyang pinakawalan and she readied herself sa magiging sagutan o tanungan na magaganap kapag binuksan niya ang pinto.

"Nasa lobby na si Haiden at sinundo na niya tayo," ang sabi pa nito. At pumikit ang kaniyang mga mata. dadagdag pa si Haiden sa mga magiging usapin nila ng kaniyang mga magulang. Pero mabuti na rin iyun na makausap niya ng personal si Haiden at makahingi ng paumanhin dito dahil sa hindi niya pagtuloy sa dinner.

Iniwan niya ang kaniyang bag na nasa ibabaw ng kaniyang kama at saka niya nilapitan ang pinto at isang malalim na hininga muna ang kaniyang sinagap bago niya hinila ang pinto para pagbuksan ang kaniyang mommy na ngumiti ng malapad nang makita na nakaayos na siya.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now