Chapter 14

1K 69 28
                                    


Isinandal ni Lucas ang kaniyang likod sa malambot na leather seat ng na kaniyang kinauupuan. Tulad nga ng napag-usapan maaga pa lang ay nagtungo na siya sa Pedrosa at nakiusap siya kay Alaric para sumabay siya rito patungo sa meatshop ng Highlands sa Pedrosa. Kaya naman alas-singko pa lang ng umaga ay nasa meatshop na siya at matiyagang naghintay kay Presley habang nakasukbit ang backpack sa kaniyang likuran.

At tulad din ng oras na napag-usapan ay dumating si Presley sa meatshop para sunduin siya at kanilang bubunuin ang ilang oras na biyahe patungo sa Maynila ay diretso sa opisina ni Attorney Haiden Colbert.

Nakalabas na sila ng probinsiya ng Pilar at tanging ang musika na nanggagaling sa phone ni Presley na naka-connect sa speaker ng sasakyan nito. At hindi niya maiwasan na hindi na naman pagmasdan si Presley.

Nakasuot na ito ng pormal. Yung abugadong-abogado na talaga ang ayos nito. Nakatali ang buhok nito na nakataas na parang buntot ng kabayo. At mas napansin niya ang mga hibla ng buhok nitong mas mapusyaw sa ibang hibla. At sinundan niya ng tingin ang mga nakakurbang pilikmata nito na kitang-kita pa rin niya habang nakatagilid ito sa kaniyang paningin.

At siyempre makakawala ba ang mga pekas na tila palamuti sa ilalim ng mata nito patungo sa gilid ng tenga nito. na gustong-gusto niyang himasin ng kaniyang mga daliri. At siyempre ang mga labi nitong tama lamang ang kapal at hindi siya nagkakamali na napakalambot nitong hagkan.

Nakasuot na naman ito ng manipis na camisole na kulay gatas na pinaibabawan ng kulay gray na suit jacket at hapit na palda na abot hanggang sa tuhod nito. At dahil sa nagmamaneho ito, ay nakasuot pa muna ito ng mabalahibong tsinelas kaysa sa nakasanayan niyang nakitang sapatos na may mataas na takong.

At siyempre napansin din niya kung paano ito magmaneho. Maingat ngunit mabilis itong magpatakbo ng kotse at tulad nga ng kaniyang isnabi noon na panatag ang loob mo kung si Presley ang magmamaneho ng sasakyan.

May boyfriend na ba ito ngayon? Para kasing masyadong itinatago nito ang personal nitong buhay at kung nagtutungo naman ito sa Villacenco ay wala naman itong boyfriend na isinasama para ipakilala sa mga kaibigan. O baka naman siya lang ang walang nakakaalam kung may boyfriend na ito? ang sabi niya sa kaniyang sarili.

"May boyfriend ka na ba ngayon?" ang bigla niyang tanong at napansin niyang nabigla si Presley sa kaniyang itinanong dahil sa mabilis na nabaling ang mga mata nito sa kaniya at sinalubong niya ang mga mata nito habang kunot ang noo.

"Why do you have to ask me that?" ang tanong na sagot sa kaniya ni Presley at muling itinuon nito ang mga mata sa harapan sa highway na kanilang binabagtas.

"Gusto ko lang malaman, para naman alam ko kung may karibal ako," ang sagot niya habang may ngiti sa kaniyang labi.


"Ugh, please don't start dahil sa baka hindi ako makapagpigil at ihulog kita sa pintuan," ang gigil nitong sambit sa kaniya.

Mahina siyang natawa at pinihit niya ang kaniyang katawan para mas lalo siyang humarap kay Presley at naghalukipkip ang kaniyang mga bisig sa kaniyang dibdib.

At mukhang napansin at nadama ni Presley ang pagtitig ng kaniyang mga mata dahil sa bumagsak ang mga balikat ni Presley.

"Ugh," ang sambit nito, "do I have to endure this long drive with you?" ang angal nito sa kaniya at isang mahinang tawa lang ang lumabas sa kaniyang mga labi.

"Stop that!"

"Sagutin mo muna ang tanong ko," ang kaniyang sagot dito at nanatili ang mga mata niya nakatuon sa magandang mukha nito.

"Ugh, wala kang karibal okey?" ang inis nitong sagot sa kaniya.

"Naks, talagang... ako lang talaga sa puso mo," ang kaniyang nakangiti at kumpiyansa na sagot.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now